Chapter 27

23 1 0
                                    

"Hi Dad." I kissed the top of his head. Luke is already sleeping on the hospital couch. My Mom went home to get a rest.

My Dad can't hear me. May binigay sa kanyang pampatulog si Doc. Bigla na lang
kasi siya nagigising sa gabi at sumisigaw. Naaalala niya ang nangyari sa kanya dahil matinding trauma ang naranasan niya. Poor Dad. Until now, wala pa ding sagot sa nangyari.

Nilapitan ko si Luke at kinumutan siya. I whispered a thank you. Galit na ako kay Meg kasi parang wala siyang pakialam. Bakit ba hindi siya pumupunta?

Gumawa ako ng coffee. Umupo sa mini dining area at inisip ang nangyari for today. I am so exhausted! Sa ilang oras lang ang dami ng nangyari. Oh well, I might as well take a nap first.

Umaga na ng nagising ako. Luke is gone but he left a note saying he'll be back by noon. Mom is already here.

"Good morning. Kumusta naman ang pagtulog mo diyan sa table? Hindi ka na namin ginising ni Luke kasi mukhang pagod na pagod ka. Papasok ka ba today?" Mom asked while fixing our breakfast. Naging normal na lang para sa amin na halos dito na tumira sa room ni Dad. Nagdala na nga din ako ng fresh clothes at dito na ako maliligo.

"Yup, I'm okay. Sarap nga ng tulog ko hindi ko namalayan umalis na si Luke. I'm going to work. Alam mo naman wedding month kaya sobrang dami namin ginagawa sa flower shop." Tumayo ako at nagtungo sa bathroom.

After cleaning up and had my breakfast, I went on my way to work. Nate is waiting for me outside the hospital! Ano ba yan, hindi na ako tinigilan! Ano na naman ang problema niya?

Ayoko na sana siya pansinin at lalampasan ko na siya pero naisip ko ang rude ko naman masyado. Now I realized I am too afraid that if I let my guard down, I'll let him in my life once again. Kapag naiisip ko yun, magkakahalong emosyon ang nadarama ko. Sigurado ako na magiging masaya ulit ako, pero hindi ko pa kayang masaktan ulit. Hindi ko pa nga siya tuluyang napapatawad sa ginawa niya sa akin. Kunsabagay, hindi pa din namin siya humihingi ng tawad sa akin. It seems like nakalimutan na niya yung nangyari.

Bahagya akong tumigil at nakita kong hindi din niya alam ang gagawin niya. Kapag hindi pa ito nagsalita or kumilos, nakapagdesisyon na akong lalayasan ko siya.

"Hi." Nate muttered. Kahit na sobrang hina ng boses niya, hindi ako maaaring magkamali. Binati niya ako ng maayos matapos ang ilang buwan na nagmamatigas siya sa akin.

"Hey." I answered back and waited for his next action.

"Can we talk?" He averted his eyes.

Is Nate serious? After all these months, ngayon pa lang siya makikipag-usap?! Pero kung magmamatigas pa ako, baka pagsisihan ko ito sa huli. "I guess so. Pero I have work today and I can't afford to be late."

He's still avoided my eyes. I'm pretty sure he mustered all his courage to do this. "I understand. Maybe I can pick you up after work? Well, that's if your boyfriend will let you talk to me."

Huh? Boyfriend? I was about to protest when I remembered Bryce! I think this is not yet the right time to admit that he is not my boyfriend. "Oh yes. I have to ask Bryce first. I'll let you know. Uhm, do you still have the same number?"

"Yes, it's still the same number. But if you can't make it, it's totally fine." He said.

I nodded. "Got it. I have to go now."

"Wait." Nate grabbed my hand. "Can I drop you off to work?"

My heart is melting with his gesture. Gusto kong umiyak ngayon dahil sobrang na-miss ko ang Nate na nasa harap ko ngayon. Pero pinipigilan ko pa din ang sarili kong ipakita ang totoo kong nararamdaman. But there's no harm naman siguro kung papayag ako magpahatid. Magsasalita na sana ako ng may biglang yumakap sa bewang ko at hinalikan ako bigla sa cheeks!

"Hi Babe. Sorry I'm late." Bryce snatched me away from Nate's grip. Masusuntok ko siya sa ginawa niya! Loko ito ah! At bakit pati pagsundo sa umaga ginagawa niya? Wala naman sa usapan ito!

I tried to give him my best smile pero halatang pilit. "Bryce! Anong ginagawa mo dito?"

Lalo niya akong nilapit sa kanya. "Sinusundo ang girlfriend ko. Bakit, may masama ba?"

Oopps. We forgot that Nate is still here. Para siyang tanga na nakatayo sa harap namin.

"Wala naman. Si Nate pala." Hay Drew! Medyo kailangan mo ng iimprove ang acting skills mo!

"Nate, our supplier." Tinapik ng medyo malakas ni Bryce si Nate sa balikat. "What brings you here?"

Nate frowned. "I had a delivery and saw Drew. Is there a problem?"

Bryce grinned. "Cool man. I was just asking. Anyway, we have to go." Wala din ako nagawa kundi sumunod kay Bryce.

Pagsakay namin sa kotse, sinigawan ko si Bryce sa sobrang inis! "Bryce, can you stop pretending to be my boyfriend!!! It's not funny anymore, not even a bit romantic!"

"Hell, Drew! I was only trying to protect you!" Bryce blurted out.

"Protect me from what?" I shrieked.

"Can you calm down? Protect you from Nate. Nababasa ko kasi ung pain mo everytime you look at him. Napalapit ka na din sa akin and I now consider you as a friend. If you want me to stop, you just have to ask. You don't need to go hysterical at me." Bryce sighed. Bigla naman ako nahiya at wala na akong naisagot.

Malapit na kami sa Hudson's ng humingi ako ng paumanhin. Hinawakan ko ang kamay niya. "Bryce, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Napaka-over protective mo din naman kasi, to think hindi talaga kita boyfriend. Salamat sa concern."

Hindi naman pala mahirap humingi ng tawad kay Bryce. Ngumiti lang siya at pinisil ang kamay ko. Bumaba na kami.

Hindi ko namalayan ang oras! Hindi ko pa din pala na-inform si Nate kung tuloy kami. Tinawagan ko siya.

"Hi Nate." I can't help but smile. "I'll get off from work after two hours. Masusundo mo ba ako?"

Napatawa siya sa kabilang linya. "Sigurado ka bang pinayagan ka ng napakaseloso mong boyfriend?"

"Oo. Pero mamaya na natin pag-usapan yun. So ano, are you going to pick me up or do you have any plans for tonight?" I asked.

"You're my only plan for tonight. See you, Drew." He whispered.

"See you." I answered.

Closing time na! Para akong batang excited umuwi para manood ng cartoons or makipaglaro. Napansin ito agad ni Bryce. Pwede siyang maging spy sa sobrang keen observer niya.

"Halata ka naman masyado." Saway ni Bryce sa akin.

"Eto naman. Since you now know our history, dapat maging masaya ka for me." I applied my deep red lisptick. I feel happy and pretty. I never felt this in ages! Nakwento ko din kay Bryce kaninang lunch ang tungkol sa amin ni Nate. Sa sobrang sarap ng kwentuhan, over break tuloy kami!

"Sige na Babe, pagbibigyan kita ngayong gabi." He smirked.

Hindi ko na siya sinita sa pagtawag niyang Babe. Yes, it's time! Nagtext si Nate na nasa labas na siya. I gave Bryce a quick peck on the cheeks and he blushed. I waved goodbye and went outside.

Author's note: I know this is a very short chapter but I do hope you enjoyed reading! :)

Into the WoodsWhere stories live. Discover now