Chapter 9

50 3 2
                                    

"Nate!" I tried to wake him for the fifth time. Maaga pa pero nakatanggap ako ng message that Rob is going home today! Nagpapasundo pa sa akin sa airport. Naku naman!

"Bes, inaantok pa ako." Hinatak niya ako pabalik sa kama.

"Ano ka ba! Bilis, bumangon ka na at padating na si Rob! Nagpapasundo sa akin sa airport. Nasan na kaya si Ashley? For sure Rob will look for her." Sa sobrang taranta ko napakabilis ko matapos maligo, magbihis at gumawa ng breakfast. I dialed Luke's number. He picked up at the second ring. "Luke! Nasan na si Ashley?"

"Good morning too, Drew. Grabe naman ang aga pa! Siyempre nandito pa siya, napuyat kami kagabi. At ikaw, nasan ka?" Luke asked.

Sumenyas ako kay Nate na tumahimik muna at tinuro ang phone. Pero napakakulit! Pumunta sa likod ko and he started kissing my neck. Kinurot ko sa tagiliran at ayun, tumigil. "Ha? Nandito lang ako sa bahay. Dadaanan ko si Ashley dyan kasi nag-message si Rob. Nagpapasundo sa airport. For sure hahanapin niya si Ashley."

"Hay naku si Rob na naman ang dahilan ng lahat. Okay sige, gigisingin ko na siya." Luke said goodbye at ako naman pinaghandaan na si Nate ng pagkain.

"Bilis! Kinakabahan ako sa Kuya mo. Pag kami ni Ashley na-late baka magalit pa siya." Nakita ko ang malungkot na expression ng mukha ni Nate.

"Sige Drew. Hindi na ako kakain. Baka maabutan pa ako ni Kuya or nila Bruce dito." Tumayo siya bigla pero pinigilan ko siya.

"Nate, I'm sorry. Please look at me." I cupped his face with my hands.

"Drew, kung sa ganyan pa lang natataranta ka na at natatakot, paano na natin sasabihin kay Kuya? Or maybe nagbago na agad isip mo. Na pang one night lang ung nangyari kagabi. Kunsabagay, ano ba naman ako compared with him. I am such an idiot! Nag-iilusyon lang ako dito." He started to walk upstairs and fix his things.

"It's not that easy! Rob and I have been going out for more than a decade now. My world evolved around him. We invested not only with our feelings but as well as properties katulad ng bahay na ito. Nate, one at a time please. Isn't it enough that I'm more than willing to give myself to you?" Nararamdaman ko na ang tulo ng mga luha ko.

"It's not enough, Drew. Baka nabibigla ka lang at nadala ka lang ng sobrang emosyon mo kagabi. Hindi lang naman yun ang habol ko sa iyo. Ang gusto ko, ikaw. I love you way beyond you can ever imagine. And you never said you love me back. But that's okay. I'll give you time to sort things out." Hindi niya ako nilapitan para i-comfort. I'm hurting him again. Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng pinto at narinig ko ang kotse niya papalayo.

With a heavy heart, niligpit ko ang hindi nagalaw na pagkain ni Nate, habang hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. What am I thinking? Hindi ko man lang naisip na mas nahihirapan siya sa sitwasyon namin.

After what seems like forever, nasundo ko na din si Ashley. Sobrang iba ang glow niya today. Me? I look like a mess and feels like hell.

"Ano nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" Nagulat ako sa tanong ni Ashley. Siya ang nag-drive.

"Wala ito. May mga iniisip lang ako." Tipid kong sagot.

"Si Nate." Napatingin ako sa kanya. Paano naman niya nalaman ang tungkol sa amin? Patay ako nito. I know that her loyalty still lies with Rob. "Don't look so surprised. Sabi ko naman sa iyo, sa tagal ko na kayong kasama, madami na akong alam. And I know he spent the night with you. Kasi nagpaalam ako sandali kay Luke kagabi to check on you. I saw Nate's car parked inside the garage. Pasalamat ka at hindi sila Bruce ang nakakita. Since ang laki ng naging part mo sa amin ni Luke, I'll keep my mouth shut until the time na sana, aminin mo na kay Rob. Kahit ganun siya, mahal ka niya ng sobra."

Into the WoodsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu