Noong patulog na kami sa araw na 'yon ay may tumawag kay Rehan nang tanungin ko kung sino, ang sabi niya si Achie kaya lumabas sila sa kwarto at naiwan akong mag-isa sa kama. Nakatulog na nga ako kakahintay bago ko maramdaman ang paghalik nila sa nuo at pag-akyat ni Caly at pagyakap sa akin.

Sa mga sumunod na araw, panay pa din tawag si Achie sa kanila na siyang hinahayaan ko na lang kasi wala din naman akong magawa hanggang sa pumasok si Rehan sa kusina ay sinabing gusto akong kausapin ni Achie.

"Pero Ma, nakapag book na siya ng coffee shop. May address na nga na ni-send sa'kin eh. Kaya Ma magbihis ka na! Dali naaa!" Tinulak ako ni Rehan mula kusina hanggang kuwarto para daw makapag bihis ako.

Kinapa ko ang kwentas at kumalma ng maramdamang andoon pa din. Ngayon ay nakaharap ako sa mga naka hanger na t-shirt at pumipili kung anong susuutin. Jusko, makakausap ko na talaga siya? Matapos ng ilang pagmumuni-muni, napunta ako sa resultang kulay puti na plain na t-shirt at jeans. Naglagay na din ako ng pulbo kaunti at perfume. Nakakahiya namang siya nangangamoy mayaman, ako nangangamoy wala lang.

"Magsirado kayo ng pinto ha?---"

"Oo nga Ma! I got it na. Go na! Good luck Mama!" Napailing na lang ako sa akto ng mga bata. Para kasing sila iyong makikipag-usap gayong ako dapat ang kabahan ng sobra dahil matapos ang ilang buwan-matapos ang isang taon at ilang buwan, heto at makakausap ko na siya.

Nang makarating ako sa coffee shop na sinasabi niya, kinamot ko ang palad ko at pagkatapos ay hinigpitan ang magkakahawak sa sling bag ko. Kung titingnan ang anyo ng lugar na 'to, para bang pa lang 'to sa mga mayayaman at kayang mag order ng drinks kahit pa na lagpas one hundred ang presyo ng isang piraso.

Bago ako humakbang papasok, huminga muna ako ng malalim kasabay paghawak sa handle ng pinto at pagtulak nito. Nang mabuksan ko ito, tumigil ako sa may pinto at itinaas ang nuo para ipalibot ang tingin at hanapin ang makakausap ko hanggang sa tumigil ito sa nakangiting lalaki.

Achie.

"TAKE A SEAT, MAYA. Mag-oorder ka na ba or mamaya na lang?" nakangiti nitong tanong.

"Mamaya na lang," sago ko nang makaupo ako at maiayos ang sling bag na dala ko sa gilid ko. Buti na lang at medyo tago ang pwesto na 'to, wala masyadong makakakita o makakarinig.

Ngumiti ito at tumango. Matapos nun ay natahimik kaming dalawa. Hindi alam kung saan sisimulan. Walang lakas ng loob na maunang magsalita.

"Anyway how's your day?"

"Kamusta ang araw mo?"

Natawa ako nang sabay kaming magsalita. "Okay you go first," natatawang saad niya na ikinailing ko.

"Ikaw na mauna."

"Come on---"

"Ikaw na."

"Fine... So yeah, my day was great. Especially you're in front of me now." Naiangat ko ang tingin ko sa kaniya at hindi mapigilang hindi matawa sa ka-corny-han niya at sa ngiting nasa labi niya.

"Joker ka ba."

"Bakit?" Ha. Akala niya ba babanat ako? Iyak.

"Ay hala tanga. Hindi ako babanat hoy." Napakamot siya sa batok niya kaya natawa ako ng ilang segundo.

"I'm sorry, assuming kasi ako eh." Awit, same.

"Okay lang," sagot ko at tumikhim kaya naging seryoso muli ang awrang nakapalibot sa amin hanggang sa magsalita siya.

"Let me speak first. I'll explain everything. Like everything that has happened. I'll answer all your questions once you're choose to stay after I explain." Napakunot and nuo ko sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now