"ANG BOSS KONG MASUNGIT" (Part 😎 𝗧𝗵𝗲 𝗟𝗮𝘀𝘁 𝗣𝗮𝗿𝘁)

30 1 1
                                    

3 months have past and I am here infront of the company building. Sasabihin ko ngayon kung anong nararamdaman ko para sa kanya.

Kinakabahan ako, bakit nga ba ako kinakabahan?

'Relax, Maxine.'

Nang makapasok sa building ay agad akong sumakay ng elevator.

Pagbukas na pagbukas pa lang ng elevator ay may biglang nagbigay ng isang pirasong bulaklak sa'kin. Gulat ko itong tinanggap.

Tumingin ako sa harapan ko, ang mga empleyado ay may hawak na bulaklak.

Anong meron?

Binagay nila ito sa'kin isa-isa, tinatanggap ko naman.

Hanggang sa wala na akong natanggap na bulaklak galing sa mga empleyado at nagulat ako nang makita si boss sa harapan ko.

Tila tumigil ang paligid at focus na focus lang ako sa kanya. Shit! Ba't ang gwapo nya.

Nakangiti ito habang may hawak na bulaklak. Lumapit siya sa'kin.

"Anong meron, boss?" tanong ko.

Binigay nya sa akin ang flower bouquet na agad ko namang tinanggap.

"Well, it's been three months. And I think it works... right?" He looks cute saying that.

"Well..." Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita nang mapansin ko itong parang kinakabahan.

"Three months dating and I can say that every time I'm with you, every time that you hold my hand, kiss my cheeks, my forehead and hug me tight it feels like I'm in heaven. I like it when I'm with you, I feel safe in your arms..."

"That means?"

I smiled. "That means I love you..."

Para itong nag-loading sa sinabi ko.

"W-what? What did you say?"

Nabingi na ba siya?

"I said, I love you."

Tumalikod ito at nang humarap ay biglang sumigaw.

"You all heard her, right? She said she loves me!"

Natawa ako.

Ang mga tao sa likod namin ay naghihiyawan.

Bigla na lang akong niyakap ni Atlas.

"I love you, I love you more!" masayang aniya.

Akmang hahalikan ako nito sa labi nang pigilan ko siya.

"No, no, no. We're in office, baka masapak kita."

Ngumiti siya. "Pero ibig sabihin no'n, tayo na?"

Tumango ako.

Nagulat na lang ako nang halikan nya ako sa labi ng sobrang bilis kaya 'di ko ito napigilan.

"You!"

"No more rules, Maxine. You're officially mine, now."

_____

Ang sarap-sarap ng tulog ko nang may gumising sa'kin. Pagdilat ng mga mata ko sumalubong sa'kin ang nakangiting mukha ni Atlas.

"Wake up, sweet cupcake."

"Maaga pa, Atlas," sabi ko at tinakpan ng kumot ang mukha.

Hinila nya ang kumot at nagulat ako nang kargahin nya ako papunta sa banyo.

"Ano ba! Inaantok pa ako, eh!" reklamo ko.

Binaba nya ako. "It's already 7 am in the morning."

Kinuha nya ang toothbrush ko at pinaharap ako sa salamin. "Water first," aniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now