"ANG BOSS KONG MASUNGIT" (Part 2)

31 0 0
                                    

Buong byahe wala kaming imikan. Pabalik na kami ngayon sa kompanya.

It's already 4 in the afternoon.

Nang makarating sa building ay agad kaming bumaba, wala pa ring imikan. Sumakay kami sa elevator. This is awkward!

Bigla itong bumaling sa'kin kaya naalerto ako, magsasalita sana ito nang biglang hindi nya itinuloy. Problema nya?

Hindi pa rin mawala sa utak ko yung pinagsasabi nya kanina.

-Flashback-

"And who's this lucky girl?" his mother asked.

"She's here beside me." Agad akong tumingin sa kanya, nanlalaki ang mga mata ko.

"I love Maxine Arneouvich, my secretary."

"Are you serious, son?" Mrs. Salvero asked.

"I am, mom."

"I think I should go." The girl in Mrs. Salvero back said tsaka nag walk out ito.

Na-offend ba siya?

Nabigla ako nang hawakan ng boss ko ang isang kamay ko.

"I'm going to marry Maxine, so stop pushing mo to the other woman whom I don't like and I don't love."

Ha? Is this pakening true?

Nabalik na lang ako sa ulirat nang hilahin ako ni boss palabas.

-End of Flashback-

"Boss!" Tawag ko sa kanya.

"W-what?" Tila gulat nyang tanong.

Tumingin ako sa kanya, nandito pa rin kami sa loob ng elevator.

"Ano bang pinagsasabi niyo kanina sa mommy niyo?" I asked.

"D-don't mind that, sinabi ko lang yun para tigilan ako ni mommy na ipagtulakan at ipakasal sa mga babaeng hindi ko naman kilala," sagot nya.

Ahh gano'n?

Tumango-tango ako.

Akala ko seryoso siya kanina.

Bumukas ang elevator at sinalubong kami ng mga empleyado. Bumati sila sa amin, bumati naman ako pabalik pwera sa boss kong masungit.

Kaunti na lang ang tao sa building kasi hapon na, ang iba nagsiuwian na. Yung mga hindi pa tapos sa mga ginagawa nila ay nandito pa.

Bago pumasok si boss sa opisina nya ay nagtanong muna ako sa kanya.

"Magpupuyat tayo ngayong gabi?" Tanong ko.

"Hindi," sagot nya at pumasok na sa opisina nya.

Okay?

_____

Sumapit ang umaga at dahil hindi ako puyat, maaga akong pumasok sa trabaho. Walang sermon kasi wala pa si sir.

Tumatawa-tawa ako habang inaayos ang mga gamit sa table ni boss Atlas. Ang ganda ng araw ko ngayon kasi hindi ako puyat, kahit papaano nabawasan ang eyebags ko.

Umayos ako ng tuwid nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si boss. Base sa mukha nya, iritado ito.

"Tila hindi maipinta ang iyong mukha, sir?" Tanong ko.

Tiningnan ako nito ng masama. Ngumiti lamang ako sa kanya.

"Schedule for today?" he asked.

Sinabi ko sa kanya ang schedule nya ngayong araw.

Lumabas ako sa opisina nya at tiningnan ang maingay na mga empleyado. Anong nangyayari? Ba't ang ingay yata nila ngayon?

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin.

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now