"ANG BOSS KONG MASUNGIT"

65 1 1
                                    

Panibagong araw, panibagong sermon.

Dali-dali akong nag-ayos ng sarili at agad na sumakay sa taxi.

"Manong, pakibilisan po. Nagmamadali ako. Baka nag aapoy na sa galit ang boss ko, huhu." mangiyak-ngiyak kong saad.

Tumingin ako sa relo ko. "Fuckshit naman oh, pwede bang bagalan mo ang oras!" galit kong sambit sa relo ko.

Huhu, lagot na talaga ako nito.

Nang huminto ang taxi ay agad naman akong nagbayad at patakbong pumasok sa building papunta sa opisina ni boss.

Halos matanggal ang ugat ko sa ulo dahil sa pisting elevator na sobrang bagal.

"Oh panyo, late ka na naman. Pawisan ka pa, lagot ka ni boss," saad ng kasabay ko sa elevator. Mapakla ko siyang nginitian at tinanggap ang panyo.

'Pinapaalala pa eh, alam ko naman na lagot talaga ako' sigaw ko sa isip ko.

Nang bumukas ang elevator ay dali-dali akong lumabas. Bago ako pumasok sa opisina ni boss ay inayos ko muna ang nagusot kong damit at ang kalkag kong buhok.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pintuan.

"Ms. Arneouvich! You're fucking late!" bungad na bungad.

Ngumiti ako sa boss kong nagsasalubong ang kilay.

"Actually sir hindi po ako late, late lang—"

"At namimilosopo ka pa!"

"Kasi boss, nasanay lang ako sa masu—"

"Keep quiet, will you?!" Agad namang tumikom ang madaldal kong bibig dahil sa pagtaas ng boses nito.

Umupo siya sa swivel chair niya at napahilamos ng makha dahil sa frustration, I guess?

"Alam mo bang dalawang meeting ang nakalimutan kong puntahan dahil sa'yo?" He said while looking at me.

Tumango-tango ako.

"At alam mo ba kung gaano ka-importante ang mga meeting na yun?"

Tumango-tango ulit ako.

"So ano na ang gagawin ko sa'yo ngayon? Parati ka na lang late." may diin na aniya.

"Magsalita ka babae!" Akala ko hindi na nya ako pagsasalitain.

"According to my paranormal abnormal critical illegal authentic synthetic genetic magnetic electric researcher institution with combination of transaction transformation mix in solar skill you can't fire me sir, 'cause I'm your favorite secretary," I said and winked at him.

"At hindi ko po kasalanan kung bakit ako nalalate, baka po nakakalimutan niyong 11 pm tayo umuuwi kaya kaunti lang ang tulog ko lagi, kasala—" he cut me off.

"Whatever, whatever." walang ganang anito at nagsasalita pa na hindi ko naman naririnig. Kinakausap nya ba sarili nya?

"What's my schedule this hour?" he then asked.

"Meeting with Mr. Hernandez about the transportation. 10 minutes more and the meeting will start," I said.

He sighed. "Go get me some coffee," utos nito.

Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan ang isang taong kilala kong malapit sa bilihan ng coffee ngunit hindi ko natuloy ang pagtawag nang magsalita si boss.

"Ikaw. mismo. ang. kukuha. ng. coffee. ko." Sabi ko nga ako kukuha. Sungit.

_____

Nasa cafeteria kami ng building, lunch break na kasi.

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now