"ANG BOSS KONG MASUNGIT" (Part 3)

23 1 0
                                    

Anong oras na at hindi pa rin ako makatulog. Buset kasi si sir Atlas, grrrr. Kasalanan nya 'to!

Tatlong oras lang ang tulog ko kaya inaantok akong gumising. Darn, may pasok nanaman.

Agad akong nag-ayos ng sarili pagkatapos kumain sa kusina, sumakay ng kotse at diretso sa kompanya.

Habang naglalakad papunta sa opisina ay may bigla akong narinig.

"Alam niyo bang ang lapad ng ngiti ni boss nang pumasok siya kanina rito?"

"Napansin ko nga rin 'yon."

"Balita ko pa nga bumabati siya pabalik sa ibang empleyado."

"Ang weird ni boss ngayon."

Minsan lang yun ngumiti ng malapad kaya nakakapagtaka talaga sa ibang empleyado. Maganda araw nya ngayon?

Kumatok ako at pumasok sa opisina.

"Good morning boss," bati ko.

"Good morning."

Wow, bumati pabalik. Maganda nga araw nito.

Inilapag ko ang mga papers na kailangan nyang pirmahan. Habang nilalapag ito ay napansin ko siyang nakatingin sa'kin.

"May dumi ba sa mukha ko, boss?" Tanong ko.

"Meron," aniya.

Ahh gano'n. Akmang kukunin ko ang maliit na salamin nang bigla itong lumapit sa'kin at hinawi ang hibla ng buhok ko sa tenga.

"I'm just kidding, you're just too beautiful," aniya.

Anyare sa taong 'to? Ngiti ng ngiti, parang baliw.

"Malapit na birthday mo boss ah. Ano balak mo? Party again?" Pag-iiba ko ng usapan.

Bumalik ito sa upuan nya. "I hate parties. This time, walang party. Pinilit ko na si mom. Hindi ako magpaparty, sa bahay lang ako," sagot nya.

Ang mommy nya kasi lagi ang nagpaplano sa birthday party nya. Ano naman kaya ang ginawa nya at napilit si Mrs. Salvero na 'wag siyang mag-paparty?

Tumango-tango na lamang ako at sinabi ang schedule nya for today.

Babalik na sana ako sa table ko nang magsalita si boss.

"Yung kagabi, you know that I'm ser—" I cut him off.

"I know, boss."

Seryoso naman talaga siya kagabi. Pinag-iisapan ko pa kung anong gagawin ko tungkol sa nararamdaman nya sa'kin.

_____

Days have passed at bukas na ang birthday ni boss Atlas. Ano bang magandang regalo?

Nasa mall ako ngayon.

Ang mga regalo ko noon sa kanya is necktie, relo, perfume kahit marami na siya nun, tapos I give him last year a painting at nakita ko yun na dinisplay nya sa bahay nya.

Wala na akong maisip na regalo para sa kanya.

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko nang mag-ring ito.

"Hel—"

"Maxine! Busy ka ba ngayon? Nandito lahat ng barkada, nag-aya ng inuman." Kaibigan ko, si Astrid.

"Talaga? Hindi naman ako busy ngayon kaya pupunta ako diyan," nakangiting sabi ko.

Sinabi nya sa'kin ang address kung nasaan sila. Tanungin ko kaya sila kung anong magandang regalo para kay boss?

Nakarating ako sa kinaroroonan nila.

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now