"ANG BOSS KONG MASUNGIT" (Part 4)

Start from the beginning
                                    

Ayon, rinig na rinig ko mga bulungan nilang hindi ko gusto.

Pumasok si boss sa opisina nya at ako naman naupo sa table ko sa labas ng opisina ni boss.

Biglang lumapit sa'kin si Reiven, isa sa mga empleyado dito sa kompanya na close ko.

"Ma'am, bakit ho kayo sabay pumasok ni boss?"

Bigla namang lumapit din si Edith, close ko din dito sa kompanya.

"May birthday party po ba sa bahay nila boss?"

Ngumiti ako. "Sabay kaming pumasok kasi galing kami sa isang party. Yes, may birthday party si boss. Pero sa isang resort ang celebration, doon kami natulog ni boss kaya sabay kaming pumasok." Ang galing kong magsinungaling.

"Wow, ma'am. Madami po bang dumalo sa birthday party ni boss?" Reiven asked.

"Syempre," sagot ko.

"Sayang, sana nakapunta kami kaso may pinagawa samin si boss eh," Edith said.

"Sinadya talaga yun ni boss, ayaw nya tayong dumalo sa birthday party nya," sabi naman ni Reiven.

"Tama na 'yang daldalan, bumalik na tayo sa kanya-kanya nating trabaho. Baka maabutan tayo ni boss, mananagot tayo," Heaven said, sumunod din pala ito kina Edith at Reiven.

"Pasensya na po Ms. Arneouvich, babalik na po kami sa kanya-kanya naming trabaho."

"Naki-chismis lang, hehe."

"Nako, okay lang. Sige, pagbutuhin," saad ko.

Makalipas ang ilang oras ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Unknown calling.

Sino naman 'to?

"Hello?"

"Maxine!" Nabosesan ko ito.

"Kyle! Saan mo nakuha ang number ko?" I asked. Kyle is my classmate since elementary.

"Somewhere, hahaha. Kamusta?"

"Okay lang naman, ikaw ba?" tanong ko pabalik.

"I'm fine. By the way, nasa labas ako ng kompanya ng boss mo," aniya.

"How did you know our company?" I asked.

"Sasabihin ko sa'yo mamaya, pupunta ako diyan sa taas."

"Wait—" pinatay na nito ang tawag.

Ano naman ang gagawin nya dito? May appointment ba siya kay boss?

Bigla akong pinatawag ni boss Atlas sa opisina nya.

"Retype this, daming error," utos nito.

"Yes boss," sagot ko naman.

Bigla namang bumukas ang pinto.

"Atlas, dude!"

Biglang tumayo si boss.

"Kyle! Kailan ka pa naka-uwi?" ani boss at nagyakapan sila.

Kilala nila ang isa't-isa? How come?

"Kahapon lang, ikaw ang una kong pinuntahan kasi alam kong miss na miss mo na ako," wika ni Kyle.

"You're like a gay, lunatic. Sa pagkakaalala ko ikaw ang mahilig mangulit sa'kin at mahilig mag text na miss mo na ako," boss Atlas said.

Tumawa si Kyle. "Fine, inaamin ko. Pero hindi mo ba talaga ako na-miss?" tanong nito.

"Hindi," sagot ni boss.

"Asus, ayaw pa umamin eh."

Para silang mga bata.

"ANG BOSS KONG MASUNGIT"Where stories live. Discover now