"Bye baby! I love you! Kiss moko!"




"Ma ano baaaaa"




"Ang arte mo ha! Nakakainis ka na!"




"Ugh!" He groaned pero kiniss pa din ako. Umalis na ako ng unit at dumiretso sa parking lot. I am so proud to say na marunong na ako mag drive ngayon. Ha! Humanda ka sa pagbalik ko Daniel Jacob.




Nakarating ako sa office niya. Katulad pa rin ng dati, matayog at walang kupas ang gold na mga salamin. Sinuot ko ang aviators ko at ang puting blazer ko.





"Good morning, ma'am!" Ngumiti sa akin yung guard. Siya parin yung guard noon. So i smiled back. Habang naglalakad ako ay sinita ako ng receptionist. Aba, peste. Dapat ay kilala niya na ako. She must be a newbie.




"Any appointments, ma'am?" Tanong niya. Tinanggal ko ang aviator ko,




"Do i still have to set an appointment for my husband?" Nanlaki ng bongga ang mga mata niya,




"Candice Suarez?!" At napa-nganga. Ha, ang ganda ko talaga! I winked at her at pumasok na sa elevator. Nakaramdam ako ng kaba when i reached there. Maghaharap ulit kami ng haliparot niyang mistress. Cheska Barretto, i wonder kung anong itsura niya ngayong nanganak na siya? Is she as hot as me? Agad akong nalungkot nang maalala ang baby ko. Ugh.




"Excuse me ma'am pero wala pa po si Sir. Jacob. If you want ma'am you could wait sa cafe this way po." Sabi ng matangkad at mestisang babae. Anong sabi niya? Tinanggal ko ulit ang aviator at tinitigan ang babae. Nagbabo ang expression niya, mula sa pag ngiti ay napalitan ng gulat at pagkabigla.





"C-candice Suarez???" Napatakip siya sa bibig niya. Ngumiti ako ng sarcastic para damang dama niya ang kagandahan ko.




"Ma'am alam kong labag po ito sa trabaho ko pero pwede po ba magpapicture?" Nilabas niya ang cellphone niya. I was being kind kaya ngumiti na din ako.




Kaya after that ay pumasok siya sa elevator nang hindi mapakali. Napairap ako sa kawalan at pumasok sa office ni Jacob. Mas modernized at organized ang office ng mokong. The last time i checked ay hindi na siya nagpipiloto, siya na ngayon ang nagma-manage ng Airlines. Hmm. That's good. Lumapit ako sa malaking salamin na kitang kita ang view ng Manila. I, somehow, missed everything here. And i'm glad to be back.




Narinig ko ang pamilyar na tawa na nagmumula sa labas. I know it's him. Napakagat ako sa labi ko when the door opened. I stayed still. Medyo hindi pa ako handa sa kung ano ang makikita ko pag lingon ko.





"Excuse me, Miss?" Ayan na. Nagsalita na siya. It feels good to hear his voice after 2years! Hinarap ko siya at tinitigan. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Nilingon ko naman ang babae na nasa likod niya. Who's that shit? Napatigil ang babae sa pag tulak ng stroller nang makita ako. Nanlaki ang mata niya at parang huminto ang buong mundo niya nang makita ako. Seriously?




"Candice." Pormal na sab ni Jacob sa akin.




"Jacob." Ganti ko at ngumiti sa kanya.




"Romi, lock the door and dun muna kayo ni Gem sa cafe." He said nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi kumilos si Romi, instead ay nakatitig lang siya sa akin.




"Huy romi!" Pinalo niya ng mahina sa noo si Romi at saka lang ito bumalik sa katinuan at agad na umalis. Binalik niya ang tingin niya sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin, sa lakas ng impact ay napasandal ako table niya. He was hugging me at napangiti ako. I think he's still inlove with me.




"I missed you so fucking damn much baby." Bulong niya sa akin.





"I missed you too, babe." Sabi ko sakanya. Humiwalay siya sa yakap and cupped my face. My god! Ang gwapo pa din ng asawa ko!




"Pwede ba kitang halikan, mahal ko?" Malambing niyang tanong.





Ngumiti ako at ako na mismo ang humalik sa kanya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nauhaw sa halik. At kay Jacob iyon. Sa taong pinaka mamahal ko, na kahit ilang beses ko sukuan, sa kanya't kanya parin ang bagsak ko.

EternalWhere stories live. Discover now