tumingin ako sa paligid hinahanap kasi ng mga mata ko si ken,alam kong walang wala ang dinadanas naming pag aalala kay gab dahil siya ang pinaka lubos na apektado,nasa sulok pala siya katabi si daniel at ryan na pareho ding tahimik at nawala ang pagkakulit,tinitigan ko lang si ken,hays grabe ang pag iiba ng itsura nya,nawala ang tikas at dating nya ngayon dahil sa payat at mukhang pagkaproblemado nya,hindi nya maalis ang paningin nya kay gab kahit na segundo lang,sa araw araw na pagdalaw at pag iistay dito sa ospital ay kahit minsan ay hindi ko pa nakitang nilapitan nya si gab,palagi siyang malayo dito at nakamasid lang,siguradong sarili nya nanaman ang sinisisi nya dahil sa mga nangyari,hays may sakit din si ken kaya sigurado sumasabay pa ang symptoms non dahil sa nangyari.

tumabi ang lahat sa pinto dahil dumating si josh,agad siyang lumapit kay gab kasama ang tatlo pang nurse para icheck ang vital signs ni gab,hinawakan nya ang kamay ni gab at pinisil pa yon,hindi na kayang maitago ni josh sa harap ng lahat ang pagmamahal nya kay gab,grabe din ang ginawa ni josh,siya ang nag opera kay gab,siya ang gumamot,ang nag alaga,siguro kung hindi kumilos si josh nung time na nasa resort nya pa kami ay wala na si gab ngayon,dahil pagkatapos mabaril ni gab ay walang ginawa ni ken kundi ang umiyak lang habang yakap yakap ito,parang nawala siya sa sarili,si josh ang natarantang dalhin si gab sa ospital at kahit hindi handa ay agad nyang ginamot at inoperahan si gab,sigurado naman kasi akong natrauma din si josh dahil isa siya sa harap harapang nakakita ng lahat,pero nakaya nyang gamutin si gab.

parang himala ang nangyari dahil walang kahit na anong komplikasyon si gab,minor lang din ang tama ni gab at walang kahit na anong organ ang natamaan sakanya,nakaoxygen lang siya palagi dahil hirap siyang huminga,kapag natutulog siya ay endotracheal tube ang ipinapasok sa bibig nya,dahil hindi nya kayang makahinga sa sarili nya,may machine na nakakabit don na tinatawag na respirator at yun ang tumtulong magpasok ng oxygen sa katawan nya.

yumuko si josh at may binulong kay gab,lahat kami ay nakatitig lang sakanila,umawang ang bibig ko ng dahan dahan siyang lumingon kay josh,kitang kita kong nagulat din si josh dahil sa ginawa ni gab pero nanatili siyang nakadikit dito,napakatagal na pagtitig ang ginawa ni gab kay josh pero walang kahit na anong reaksyon ang mukha nya,basta nakatitig lang siya dito.

lumingon ako para tingnan si ken,may naramdaman akong kirot sa dibdib ko nang makita kong natulo ang luha nya habang nakakuyom ang kamao nya habang nakatitig kay gab at josh na magkatitigan,pinunasan nya ang luha nya ng padabog at agad na tumayo,napatingin sakanya lahat ng padabog siyang naglakad palabas at binagsak ang pintuan,napalunok ako at agad na humabol sakanya.

nakatayo siya sa gilid habang panay ang suntok sa pader kaya huminga ako ng malalim bago ko siya hinawakan sa balikat,napahinto naman siya at agad akong nilingon,umatras ako dahil sa paraan ng pagtingin nya sakin,kakaiba iyon at parang nakakatakot,nilibot ko ang paningin ko sa mukha nya,napakadami din nyang sugat at pasa dahil nabugbog din siya ng tauhan ng h*yop na magkakapatid.

bumaba ang mga mata ko sa kamao nya,panay ang pagtulo ng dugo doon kaya kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at iniabot sakanya,tiningnan nya yon at agad naman ding kinuha.

binuka nya yon at agad binalot sa kamao nya,nakatingin lang ako sa ginagawa nya,halatang alam na alam nya ang ginagawa nya,naupo siya kaya sumunod ako sakanya at naupo din ako sa tabi nya,bumuntong hininga ako at agad siyang nilingon.

panay ang pagtulo ng luha nya habang nakatulala lang,naglakas loob akong haplusin ang likod nya,bigla siyang nagsalita kaya umawang ang bibig ko.

nasasaktan ako queenie,sobrang nasasaktan ako.

nasasaktan din naman ako ken e,lahat tayo nasasaktan,pero diba dapat tatagan natin ang loob natin?kailangan tayo ni gab e.

hindi mo ako naiintindihan queenie,ni hindi ko nga kayang lapitan si gab,ni hindi ko siya magawang hawakan at kausapin,hindi ko kaya.

Unang BesesWhere stories live. Discover now