"Ma, it's not that po. It's just that...we can't." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean you can't? May nangba-blackmail ba sa inyo? Is somebody threatening my treasures?" Hindi na talaga ako magugulat kapag ganitong usapan ay napapa-english ang kabahayan. Lalo na si Rehan na kaya nang makipag sabayan sa akin sa pag-e-ingles, mas magaling pa nga eh.

"No, Mama. Not that. It's not the right time po kasi. We promise, Ma and we will fulfill our promise. I know you'll gonna be hurt when we tell you what we know so as long as I can-as we can, we'll keep it from you. We want your happiness Ma, but it's not really the good and right time. We're still looking for the right timing. I hope you understand, Mama. I promise to you, it's not about watching mature contents, naked man and woman, it's not, I promise. Once we have the time right, you'll be the happiest Ma. Your kids wants your happiness so please, trust us on this."

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango. Ayoko na masyadong magtanong, alam nila kung anong tama at hindi, kaya magtitiwala na lang ako sa kanila.

Ibinuka ko na lamang ang aking mga braso at tinanggap ang kanilang mga yakap hanggang sa inaya ko na silang matulog lahat.

Ilang oras na ang dumaan at naramdaman kong tulog na silang lahat pero iyong kaluluwa ko ayaw akong patulugin. Parang may kung anong sikreto ang mga bata na alam kong may koneksyon sa kanila pero hindi din ako sigurado.

It makes me feel uneasy.

Kaya tumayo ako at dahan-dahang lumabas sa kuwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Tahimik na ang gabi at madilim ang paligid. Tanging paglalakad ko at paglipat ng upuan para makaupo ang maririnig.

Muntik na akong atakihin sa puso nang mapansin kong nakaupo na si Rehan sa katapat kong upuan.

"Ang lalim ng iniisip mo Ma." Tumango lamang ako at muling uminom ng tubig.

Hindi na naman namalayang nakatunganga ako hanggang sa narinig kong hinugasan ni Rehan ang baso niya bago nagsalita.

"Would you be mad Ma...if we've been talking to him?"

"BAKA MAY RASON SILA. Alam naman ng mga bata kung gaano mo kagusto na makausap siya, kasi sino ba namang hindi? Kung kailan na sana kayo nagkakamabutihan, doon naman nangyari iyong aksidente... Nanggaling na din sa'yo noon na may tiwala ka sa mga bata. Hayaan mo muna silang mag-explain."

Nagtutupi ako ng mga nilabhan ko nang mapasok sa usapan namin ni Nemesis ang nakwento ko sa kaniya tungkol doon sa naging usapan namin ni Rehan ilang buwan na ang nakaraan.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga oras na 'yon, kaya ang nangyari ay matapos niyang sabihin 'yon, dumeretso ako sa kwarto ng walang salitang nilalabas mula sa bibig matapos ko marinig ang mga 'yon. Halos kalahating oras din ang dumaan bago ko naramdaman ang halik ni Rehan sa noo ko bago siya bumulong ng patawad, siguro na din sa pag-aakala niyang tulog na ako nun kahit hindi. Hindi na din namin napag-usapan ni Rehan iyon kinabukasan. Tila parang walang nangyari sa gabing 'yon kaya hinayaan ko na lang at hindi na ako nagpumilit na may malaman pa.

"Ewan ko ba. Kung totoo man 'yon ay talagang tampo ang aabutin sa'kin ng mga bata. Sa tingin ko kasi ang mga bagay na gano'n dapat alam ko din. Kasi sa tingin ko may karapatan naman ako kahit papaano...'di ba?" Tumingin ako kay Nemesis na abala din sa pagtutupi ng nilabhan niya.

"Hindi ko alam. Kasi kahit ako kay Draco, pinakilala nga niya ako sa pamilya niya, kinausap naman ako ng Ate niya. Sabi niya siguro nga daw iniisip ko na may karapatan ako na sarilihin si Draco pero ang totoo ay wala. May Anak pa din ako sa ibang lalaki, nakuha pa din daw ako ng iba bago si Draco kaya anong karapatan ko sa kaniya? Dinagdag pa niya na hindi ko naman daw boyfriend si Draco." Natahimik ako at napaisip din sa sinabi ni Nemesis.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now