DLMG [20]

5 1 0
                                    

Riella's POV

Buong araw kaming magkasama ni Kyle. Pano, si Bam busyng busy sa paliligo. Sobrang close nya pala yung family ni Kyle, pati na rin si kuya Wilsen.

Naka-upo kami ngayon sa may batis. Nagpapaagos pa sya sa tubig. Ang liwanag tignan ng mukha nya, I mean, pag tinignan mo sya, parang mapapangiti ka na rin. Sya kasi yung tipo ng lalaki na carefree tignan. Yung tipong kapag masaya sya, pweding madala ka nya na makakagaan din sa loob. Natural eh.

Simula kanina, binabalik-balikan ko yung mga times na baliw na baliw pa ako sa kanya. Inaamin ko, well, hanggang ngayon ganun pa din pala.

Akala ko nakalimutan ko na sya. Akala ko galit ako sa kanya. Akala ko ayoko sa kanya. Pero hindi eh. Kasi puro akala lang pala yung mga yun. Yung mga oras kasi na iniisip kong galit ako sa kanya, hindi ko alam lalo ko pala syang minamahal. Yung mga araw na akala ko limot ko na sya, iniisip ko lang pala yun.

Kasi ang totoo, hanggang ngayon, mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal.

Ako mismo, sa sarili ko, gulung-gulo ako eh. Ngayon ko lang kasi narealize ito.

"Manliligaw ako sayo ha." Random na sinabi nya sakin. Hindi sya tanong eh. Parang utos pa nga eh.

"Ha?"

"Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo."

Iniwan nya ko. Napansin ko naman yung pulang pula nyang mukha bago sya umalis. Tss. Bahala na.

Tinawag naman ako ng tita nya. Si tita Janine. Sinabi nyang gusto nya daw akong maka-usap ng masinsinan. Bumalik nga si Kyle agad nun eh. Patakbo pa. Sinabi nya kay tita na sa kanya lang daw ako. Argh. Bakit kinikilig ako? Ugh.

Binatukan naman sya ni tita Janine. Yung batok na pabiro? Bwahaha. Buti nga. Pagkaalis ni Kyle, tsaka naman sya nagsalita.

"Yung totoo, kayo ba ni Kyle?"

"Ha? Hindi po."  Wish ko lang. Bwahaha

"Seryoso? Kasi alam ko, pag-uwi ako yung tatanungin ng parents nya about sayo. Sa lahat kasi ng mga tito nya, ako yung pinaka-close sa kanya. Yung tipong pinagtatakpan ko sya pag may nagawa syang mali, pero eventually itatama ko rin yun. Ako din yung sinasabihan nya kapag may mali syang nagawa or kailangan nya ng makaka-usap. Ganun."

"Hindi nga po. Pero sinabi nya po kanina sakin na manliligaw daw po sya."

"Ah ganun ba? Sige. Kapag kayo na, balitaan mo ko ha?"

Kapag kami na? Ugh. Ang bait ng tita nya. Seryoso. Marami pa kaming pinagkwentuhan eh. Nakikita ko nga si Kurt na parang gusto ng lumapit samin na halata nya yatang sya yung pinag-uusapan naming eh.

"Riella? May sasabihin kami sayo ni Bam" Ang random naman nila. Bigla nalang sumusulpot. Ugh

"Oh? Osige. Kuya."

Nagtinginan naman silang dalawa na parang nag-uusap, na hindi ko naiintindihan.

"May sasabihin sayo si kuya Wilsen." Sabi ni Bam. Nanlaki naman yung mata ni kuya Wilsen tsaka nag-iwas ng tingin. Hm. I smell something fishy.

"Nagseselos sya wale." Oh. What?!

"Nagseselos ako." Ulit naman ni kuya Wilsen nung nakita nyang di ko sila maintindihan.

Nagseselos?


Don't Let Me GoOnde histórias criam vida. Descubra agora