DLMG [6]

17 1 0
                                    

Riella's POV


Simula ng araw na yun, di na naalis sa isip ko si Kyle. Hanggang sa dumating yung oras na palagi ako sa arcade at playground. Expecting to meet him again. Pero wala.


Ewan ko. Sabi ko dati sa sarili ko. "I would never ever ever ever fall for a famous yet stubborn guy." Si Kyle. Ewan ko rin kung anong nangyari at napabilang ako sa mga so-called 'die-hard fans' nya.


Simula kasi nung makita ko sya sa playground ayun, naisipan yatang guluhin ang buhay ko at tumambay sa isip ko. Wala. Di na umalis. Korni ko ba? Wala eh. Ganyan talaga.


Dumating kami dito sa Korea, pero di na ako ganun nanibago. Hindi naman kasi ako friendly at sanay akong mag-isa. Independent ba. Dito ko nakilala si ate Riella. Coincidence, magkapangalan pa kami. Lalo na't magkaugali pa kaya magkasundung-magkasundo kami eh.


Hanggang sa nagstart yung klase dito sa Korea, stalker pa rin ako ni Kyle. Hayy. Ang mundo talaga. Umiikot no? Parang kailan lang sobrang nayayabangan ako sa kanya. Galit na galit pa ko nun kasi natalo nya ko sa basketball. Pero ano ko ngayon? Eto. Baliw sa kanya.


Ni hindi na yata ako kilala nung ugok na yun eh. Sabagay. Sino nga ba naman ako para matandaan nya? E baka akalain pa nga nun na tomboy ako eh. Pano ba naman, mahilig ako sa fitted jeans at maluluwag na damit. Ayaw ko kasing maging katulad ng karamihan na wala nang ginawa kung hindi magpaganda ng magpaganda. Sus. Simplicity is beauty. Period. Haha


Bago nga pala ko magkwento ng magkwento, gigisingin ko muna si ate Riella. May pasok kami, Friday kaya ngayon. Kung nagtatanong kayo kung anong oras ako sumigaw kanina? :) 3am. 8am na ngayon at 9am magsstart yung klase kaya kailangan ko ng gisingin si Riella batugaaaan. Nalulunod pa man din to sa banyo.


"Riella Sae Magallaneeeeeeeees!!!" Sigaw ko sa tenga nya sabay hila sa paa nya. Hihihi. Tignan ko lang kung di ka magising.


"Anak ka naman ng pating o gf. Huhu. Eto na babangon na. 5minutes pa please?" At ang magaling binigyan pa ko ng puppy eyes.


"Nope. Di pwede. Malelate na naman tayooooo."-Ako


"Oo na. Eto na nga wo."-Gf


"Good dog-este girl."-Ako. Sabay pat sa ulo nya. Pang-asar lang. Haha. >:D


Maiba pala ako. Habang naliligo yung batugan. Uuwi kami ng pinas sa Monday. Vacation na kasi namin. Baka dun na rin ako magsstay ulit dahil uuwi na rin naman sila daddy next year. Di pa alam ni ate Riella to. Haayy. Ayoko syang iwan huhu. Pero kasi. Baka mameet ko ulit si Kyle ko.<3


Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now