DLMG [4]

20 1 0
                                    

Continuation


Riella's POV

Ano pa nga ba guys? Edi natalo ang kawawang si ako. Alam ko talaga sa sarili ko na magaling ako sa game na yun eh. Ang mayabang na lalaking to. Ugh.


"Pano ba yan miss? Mukhang pagod ka yata ah. Di ka man lang nangalahati oh." Sabi ni yabang. Ugh. Ang yabang nya putek.


"Oh. Don't state the obvious. Alam ko. E anong gusto mong gawin ko?" Sagot ko naman sa kanya.


"Hm. Wala naman. Maybe seeing your face so red like that is enough." Sabay kindat pa ng bwiset na lalaking yun na akala nya naman eh bagay nya pero sa totoo lang e bagay talaga. Ugh.


Pagkaalis nya, dun ko lang napansin na dumami pala yung mga tao dun sa part na yun kung san kami naglaro. Karamihan naman mga babae. Mga may crush siguro dun kay yabwiset.


"Shet rie. Ang swerte mo. Omg." Inalog-alog ako ng mga kaklase ko pati na rin yung baklang kasama namin.


"Swete ng baklang to. Kainis." (-.-)

"Oo nga. Ikaw na. Ugh. Yung honeybabes ko." (*^*)

"Omg. Ang pogi nya talaga." \(*m*)/

"Hindi. Ang hot nya." (*_*)


Baliw na tong mga taong to. Hayst. Sino ba yung lalaking yun? Bakit parang kilala yata sya masyado?


"Sino ba yun?" Tanong ko sa kanila.

"Riella?! Are you even a human?"-Kristel. What the heck?

"What the f guys. Pag di ko kilala yun, alien ako ganun? Seryoso. Sino ba yun?"

"Seriously. You don't know Kyle Garcia?"-Baklang Jake.

"Nah. Tatanungin ko ba kung alam ko? Hayst. Gulo nyo guys."

"He's like the most popular and handsome guy in the province kaya no." Monica.

"Nope. Pati sa ibang lugar kilalang-kilala sya."-Baklang Jake.

"Owww. Famous? Eh bat di ko sya kilala?" Sagot ko. Hm. Pano kaya naging famous yun. Sus.


"E hindi naman kasi imposibleng hindi mo sya kilala eh masyado ka naman kasing tutok dyan sa pagba-volleyball mo at idagdag pa na taong bahay ka."-Kristel.


"O e ano naman ngayon? Ugh. Kalimutan nyo na nga lang yung bwiset na mayabang na yun. Umiinit ulo ko." Sabi ko sa kanila dahil naaalala ko na naman si yabwiset.


"Hayy. Oo na. Sana makasama ko rin si Kurtybabes ko. Okaya kahit tagapunas lang ng pawis nya. Hihi." Sabi ni Monica na parang nagdedaydream pa. Baliw na to.


"Edi sayo na. Iyong iyo na. Uwi na nga tayo." Basag ko naman sa pangangarap nya. Hahahaha.


Pag-uwi ko sa bahay, di ko alam kung anong naisipan ko pero sinearch ko sa fb yung name ni yabwiset. At dun ko nalaman na sobrang famous pala talaga nya. Page lang yung nakita ko pati yung mga facebook accounts na puro poser naman pala. Grabe ah. Kilalang kilala nga talaga sya. Edi sya na. Sya na talaga.


Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now