DLMG [23]

23 1 0
                                    

Riella's POV


Pagkatapos kong naligo, nagyaya gumala sa labas sina kuya Wilsen. Ililibot daw nila ako sa place. Ginawa din daw kasi nila yun kagabi ng nakabike. Pero since di kami kasya sa dalawang bike, naglakad nalang kami.


Magkakasama kaming apat, ako, si Kyle, si Bam at kuya Wilsen. Nauuna kaming maglakad ni Kylethen sa likod naman sila. Bagay nga silang dalawa eh. Hihi


"Hoy tabachoooy buhat mo ko."  Sabi ko kay Kyle. Di naman sya ganun kataba pero matakaw sya. As in.


Nagulat naman ako ng bigla syang nagsquat sa harapan ko. Pinagtitripan ko lang sya eh. Sinusubukan ko lang kung papayag sya.


"Dali na, nangangawit ako oh."


"Eto na nga oh. Demanding."


Pagkasakay ko sa likod nya, naglakad na sya ulit. Sa totoo lang nakaka-self conscious tong ginagawa nya. Nahihiya ako kasi feeling ko ang bigat bigat ko. Ugh


"Takte. Kayo na sweet sige." Pang-aasar ni Bam at kuya Wilsen. Naramdaman ko naman agad ang pamumula ng mukha ko. Tss



"Ang gaan mo naman. Kumakain ka ba?"


"Ano naman akala mo sakin? Tse." Sabi ko sabay sakal ko sa leeg nya. Bumaba na rin naman ako pagkatapos nun. Baka sabihin nya masyado kong ineenjoy kahit totoo naman. Hmp



Nung napagod kami kakalakad, nagyaya na rin silang bumalik. Pabalik na kami ng naka-isip ng kalokohan si Bam. Eto siguro yung sinasabi ni tita Janine na ayaw nya sa kanya. Hm. Playful kasi talaga sya. Pero para sa akin di naman bad thing yun, wag lang talagang sosobra.



"Sa totoo lang, ayoko si Bam para maging kaibigan ni Kyle. Because whenever she's around? The childish Kurt appears. Masyado syang isip bata." -Tita



Bigla nyang pinagpipindot yung switch sa mga ilaw sa poste kaya namatay yung mga yun. Bigla namang may lumabas dun sa isang bahay at sinubukan kaming tignan para habulin or baka sermunan.


Hinawakan bigla ni Kyle ang isa kong kamay at nagsimula na syang tumakbo. Muntik na nga akong madapa sa gulat ko eh. Bigla-bigla ba naman maaghawak ng kamay at tumakbo pa. Ugh. Habang tumatakbo kami, tumngin ako sa likod para tignan sina kuya Wilsen na tumatakabo na rin pala.


Pagdating namin sa bahay, tawanan kami. Grabe. First time kong na-experience yun. Ang saya. Sobra


"Ehem." Sabay na pag-ubo kuno ni Bam at kuya Wilsen ng nakatingin pala sa kamay namin.


"Ugh." Sabay din naman naming sabi ni Kyle na nagbitiw ng kamay. Hindi namin napansin na magkahawak pa pala kami ng kamay hanggang sa makarating sa loob. Intertwined pa, nakakahiya grabe.


"Oh bat namumula tong dalawang to?" Nagtatakhang tanong ni tita Janine ng lumabas sya sa terrace. May hawak syang drinks. Iinom yata sila. Alcohol. Ugh. Kakasuka.


"Ewan ko ba dyan." kuya Wilsen


"Baka iniisip ang isa't isa. Yieeeee." Pang-aasar ni Bam samin. Aish. Di ko na nga alam kung paano aalisin ang pula sa mukha ko eh. Sheez.



Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now