DLMG [8]

15 1 0
                                    

Riella's POV

"Batugaaaaan." Aga-aga pa eh.

"Be." Istorbo.

"Gising naaaaa." Sino ba tong yumuyugyog na to? Urgh.

Dahan-dahan kong minulat yung mata ko kasi antok na antok pa kasi talaga ako. Nakita ko naman si Kuya Ren na nangangamot pa ng batok. Kakaligo lang ata.

"Bakit ba kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Maligo ka na. Enrollment mo ngayon. Sasamahan kita sa school mo." Sabi nya naman sakin.

"Ahh. Sige." Sagot ko naman sabay hikab pa.

Lumabas naman agad si kuya. Kakain daw eh. Grabe. 4 hours lang yata tulog ko eh. Namamahay kasi ako. Anong oras na rin akong nakatulog kagabi. Ugh. Makaligo na nga.


Wait. Whaaaaaat? Dito na ko mag-aaral? Omg. Pano ko sasabihin to kay gf. Ugh. Bahala na.



Nandito kami ngayon ni kuya Ren sa school. Ugh. Antok na antok pa ko grabe. Nagbike nalang kami ni kuya since malapit lang yung school ko. Di naman ako maarte. Outfit ko? Pambahay na damit, short at tsinelas. Naka-ponytail din buhok ko. Tss. Di ko naman kailangan magpaganda. Bakit? Nandito ba si Kurt? Bwahaha.


After namin mag-enroll ni kuya umuwi na din kami agad. Ano pa nga ba gagawin namin dun? Ang daming estudyante grabe. Pinagtitinginan nga ko eh. Pano, ako lang yata yung nakapambahay dun. Eh halos mga nakaporma sila. Tss. Mageenroll ka lang naman eh. Di ba? Di ba?


Section A nga pala ako. Yun kasi gusto nila mommy at daddy. Sila kuya kasi, silang tatlo pare-parehas graduate ng section A dito kaya nageexpect din sila sakin. Since galing din naman ako sa isang international school eh okay lang naman siguro. So yun.


Buong araw akong wala ginagawa. Internet, fb, twitter, ask.fm, youtube lang buong araw. Syempre kain din. Pero walang tulog. Haha. Di kasi ako natutulog ng hapon. Ewan ko lang kung bakit. Pero matangkad naman ako. Kay.


"Be. May shoot ako bukas. Screening din. Gusto mong sumama?" Tanong sakin ni kuya Ren. Ow. Di ko pa nga pala nasasabi sa inyo. Professional model si kuya Ren. Nagstart syang as freelance model nung First year college sya. So yun.

"Sure. Anong oras ba?" Interested ako bakit ba. Haha. Mahilig din kasi ako sa mga shoots since nung bata ako. Pati, gusto ko rin maging famous model paglaki ko. Malay natin diba? Haha

"9 am. Sabay na tayong pumunta dun, may sasakyan naman tayo."

"Sige kuya."



Magte-ten am na ng nakarating kami dito sa studio. Madami akong kasamang mga model. Ang pinagkaiba lang is, feeling ko ako yung pinakabata dito. Mga 18 and above na yung mga nagtry sa screening. Expected ko na na nagulat sila nung sinabi ko yung age ko. Masyado kasi akong matured tignan eh. Pati yung height ko, medyo mas matangkad din ako sa mga babae dito na graduating na, samantalang high school student palang ako.

Nung ako na yung next sa screening, binigyan lang ako ng instructions ng photographer. Gawin ko lang daw kung ano yung sa tingin kong maganda poses. Be natural daw. Ginawa ko naman yun.

Natapos yung photoshoot namin ng pagod na pagod ako. Haaayy. Nilibre rin pala ako ni kuya Ren ng starbucks since good girl daw ako ngayon. Pinagtitinginan pa nga kami sa mall eh. May mga naririnig pa ko na pinagkakamalan kaming magboyfriend. Medyo matured din kasi outfit ko eh. Long sleeves na red, black na high-waist na palda and black high wedge. Sabay pa yung make-up ko na lalo akong pinamatured. Red lipstick at kinulot yung buhok ko kaya ayan. Haaay. Sana lang maging successful yung pagscreening ko. Malay natin di ba? :')

Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now