DLMG [19]

9 1 0
                                    

Riella's POV

Bakit ganito?

Bakit ang unfair?

Simula nung una syang nagsalita kanina, bumalik lahat. Lahat-lahat. At yung mga pinaghirapan ko? Nawala din. Lahat-lahat.

Anong gagawin ko?

Eto na naman yung dating ako. Yung babaeng baliw sa kanya. Bakit ba naman kasi ang daya nya eh. Haaaayy

Yung mga salita nya, yung mga galaw nya. Para tuloy gusto ko ulit na umasa. :/


Nakarating kami dito sa place na pupuntahan namin. Falls. May batis pa.

Inexpect kong sa resort or beach kami pupunta pero dito kami napadpad. Okay lang, since first time ko lang maka-experience ng ganito.

Pagkadating namin dito, agad kaming nagsikainan. Simula makababa kami sa jeep, palagi ko nang kasama si Kyle. Si Bam kasi kasama si kuya Wilsen kaya no choice ako. Di ko naman ganoon kaclose yung mga kapatid nya. Ayoko rin naman maging masyadong fc. Ugh

Kumain kami ng share sa isang plato. Hindi ko alam kung nananadya ba yung tita ni Kyle o ano eh.

"Share nalang tayo sa pinggan, okay lang ba?" Hindi.

"Ah. Oo sige." Ugh. Bwiset.

Doon kami sa may likuran ng jeep kumain. Naka-upo kami sa sahig. Since wala namang ibang mauupuan (mainit pa man din), yun na rin yung pangsswimming namin na damit kaya okay lang na madumihan.

Nagulat pa nga sya nung nakita nya kong umupo sa sahig eh.

"Hindi ka naman pala maarte eh." Bakit naman ako magmama-arte? Tsk. Ikaw lang naman tong maarte eh. Tss.

Habang kumakain kami, kinukulit nya ko ng kinukulit. Ang daming napapansin ng loko sakin.

"Ang haba pala ng pilikmata mo."

"Ang liit naman ng subo mo pag kumakain."

"Bakit kulay pink yung labi mo?"

"Ang tangos ng ilong mo."

Ugh. Mababaliw na yata talaga ako sa lalaking to eh. Kung pwedi lang upakan to, para maalala nya yung sinabi nya sakin.

Tsk. Di pala interesado sakin ah?


Pagkatapos naming kumain, naglakad na rin kami papunta dun sa batis. Pababa kasi yun eh, mabato at mabuhangin pa. Yung falls naman, sa kabila pa kaya nauna na kami dito.

Medyo marami ngang tao eh pinagtitinginan din nila kami.

Nagulat naman ako ng hawakan nya yung kamay ko.

"Mga malalaking bato kasi yung dadaanan natin. Delikado."  Magpapakipot pa ba ko? Kesa naman gumulong-gulo o mahulog ako dito. Di ako pasimple ah. Hep di rin ako defensive. Tss

Inalalayan nya ko hanggang sa makarating kami sa mismong batis. Ang linaw ng tubig. Mga bato din yung nasa ilalim. Mainit yung panahon pero malamig yung tubig. Malakas din yung agos nito. Nakakarelax.

Tahimik lang si Kyle sa tabi ko. Mukhang nageenjoy ang mokong ah.

Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng family nya. Yung tingin na uy-may-something-talaga-kayo-no-look. Kaasar.

Readers, do I deserve these? Aish.



Don't Let Me GoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang