Akala ko 'yung horoscope lang ang pwedeng makaalam ng kapalaran sa pamilyang ito. Sabagay, dati ko pa napapansin na may abilidad talaga si Kuya. Lalo na sa mga bagay na iniisip ko.

Meron siyang tele-keneme.

"Hindi naman masyado. Siya kasi ang dating President ng Section E tapos medyo ano din...hehe." Hindi ko masabing pinagselosan siya ng Hari ng mga Ulupong. "Pero mahaba ang pasensya ni David kaya madalang sila magsagupaan."

Explain madalang.

"Paano ka niya tratuhin?"

"Madalas niya kaming ilibre ni Ci-N. Magaling din siya magpayo. Lagi din niya ko pinapakopya ng notes, minsan pati sagot sa test or quiz," sagot ko habang nakangiti pero napalitan ng ngiwi ng makita ang tingin sa 'kin ni Kuya. "A-ano din... pinagtatanggol din ako kapag may mga nang-aaway sa 'kin."

"Did he flirt with you?" tanong niya na pinagtaka ko.

"Ano? Anong flirt?"

"You know what flirt is."

Alam ko pero yung tanong niya tungkol sa flirt ang hindi ko maintindihan. Bakit naman niya natanong 'yon tapos kay David pa?

"Alam ko. Ibig ko sabihin ay si David. Bakit mo natanong kung flirt siya sa 'kin?"

"Just answer."

"Hindi no! Mabait si David pero ni minsan hindi ko binigyan ng ibang meaning mga ginagawa niya," sagot ko.

Hindi nga ba?

Minsan. Hindi ko naman itatanggi pero mas mabuti ng isantabi ko na lang. Pinakita naman niyang malinis talaga intensyon niya. Pagkakaibigan lang talaga...yata. Pero yung trato niya sa 'kin hindi naman nalalayo sa kung paano ako tratuhin ng mga Ulupong, kaya walang dahilan para pag-isipan ko pa siya ng iba.

Tsaka baka ako lang pala talaga nag-iisip ng ganon, edi kawawa naman si David. Ang ganda ng intensyon pero minasama ko.

Wala rin naman siyang sinasabi sa tagal naming magkasama. Partida maraming pagkakataon na kaming dalawa lang ang magkausap. Kaya niniwala naman akong hindi siya nakikipag-flirt sa 'kin.

Kahit hinalikan niya ko non.

Napataas ang isang kilay ni Kuya. "Yeah, right."

"Bakit?" tanong ko pero umiling lang siya.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Pakiramdam ko meron na naman siyang iniisip tapos damay si Dabid. Kung ano man 'yon sana hindi masama. Bait-bait kaya ng kalaban ni Gulayat na 'yan.

Lumapit si Kuya sa lamesa at nagsimulang magpulot ng kalat na iniwan ng magagaling na Ulupong. Nilagay niya 'yon sa isang plastic.

"Aries is looking for you," sabi niya habang patuloy sa ginagawang pagliligpit. "Hindi ko pa nasasabi sa kanila na nasa ospital ka."

Napayuko ako habang pinaglalaruan ang kuko ko. Tama lang na hindi niya sinabi. Hindi rin magandang malaman nilang nagkaganito ako. Ayokong isipin ng kapatid kong nagpapaawa ako matapos ang kalokohan ko sa kanila. Pero pwede naman niyang isipin na karma 'tong nangyari sa 'kin.

Baka nga karma talaga to.

Napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pinto. Sabay pa kaming tumingin ni Kuya at inabangan kung sino ang papasok.

Sinalubong kami ng pagod na muka ng Hari ng mga Ulupong.

"Hey..." bati niya sa 'kin at nilagpasan ang pinsan ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon