5 : Helping Hand

204 7 3
                                    


Bumibwelo pa lang ako para kumanta ng chorus part nang pumalakpak ang manager ng bar, kaya natigilan ako. At natigilan rin 'yung banda na sumasabay sa kanta ko. "Okay, thank you, Miss..." Hinanap niya ulit ang pangalan ko sa mga papel na hawak niya. 



"Meilin po." Sagot ko tapos binalik ko na ang microphone sa mic stand. It looked like the manager isn't interested with the song I sang so I just anticipated yet another rejection. 



Mabilis akong bumaba sa mini-stage nila at lumapit sa manager na abalang mag phone at parang may binabasa sa papel. Kinuha ko na ang bag ko at ready na akong umalis, hinihintay ko na lang itong decision ng bar manager.



She looked up at me. "Ilan taon ka na, Meilin?"



"I'm twenty five." Sabi ko habang nakangiti. Smile pa rin kahit na alam kong hindi ako tanggap. Pangatlong audition ko na ito sa iba't ibang bar para um-extra bilang singer sana. Kailangan ko ng sideline at extra income. Itong Lumiere bar ang huli kong pinuntahan bago ako pumasok sa online tutoring job ko mamaya.



Matagal ang tingin sa akin ng babaeng manager. She's in her mid forties, with tons of make up on her face and gold around her neck. "Maganda ka at mukhang bata para maging twenty five." Pinaikutan niya ako at parang na-conscious naman ako bigla. "Gusto mo bang mag-entertain rin ng mga VIP guests?"



Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. "Singer lang po ang---"



"Wala namang malisya. Tatabihan mo lang naman sila at kakausapin." Pinutol na niya ang gusto kong sabihin. "Pwede ka nilang bigyan ng malaking tip, actually, depende sa galing mo makipagbolahan. So far wala namang problema sa mga entertainers ko at sa mga VIP guests namin. Mahina ang limang libo isang gabi kapag entertainer ka rin. Gusto mo ba?"



Hindi ko pinansin ang sinabi niya at umiling. "Singer lang po."



Tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw bahala. Bibigyan kita ng spot para kumanta, alas nuebe kada sabado at linggo ng gabi hanggang madaling araw. Kaya mo ba 'yon?"



"T-tanggap na po ako?"



Nagkibit-balikat siya. "Maganda ang boses mo kaya tanggap ka na. Malumanay ang style ng mga kanta mo, pero may mga ipapakanta ako sa'yo ha. Para maiba naman ang aura ng bar ko sa mga pa-sexy na kanta ng mga nagdaang mga singers dito." Napailing siya. "At hindi ibig sabihin magma-manang ka ng suot ha?" Tinuro niya ang suot ko. "Para makatanggap ka rin ng tip, magpakita ka ng balat."



Bumaba ang tingin ko sa suot kong white blouse at black slacks. "Yes po, papasok lang ako sa part-time ko kaya ganito ang suot ko eh." Nginitian ko siya nang maluwag. "Salamat po Ma'am--"

None the Wiser (Flavors of Love #2)Where stories live. Discover now