Chapter VI

74 20 15
                                    

Dalawang araw na lumiban si Thiago sa mga klase niya. Nagkulong lang siya sa kanyang kwarto at nagbasa ng nagbasa ng mga libro. Lumalabas lang siya para kumain at para bumili ng panibagong babasahin. Wala namang naghanap sa kanya kaya malaya niyang nagawa ang gusto niya. Napakaraming nangyari sa unang araw pa lang ng klase at nang dahil doon ay mas lalong nawalan siya ng gana na pumasok. Isa pa, parang ayaw na niyang makita pa si Paisley. Nag-iisip na nga siya kung magpapalipat ba siya ng klase kahit na alam niyang magiging pahirapan ang proseso n'on.

Ilang gabing gumulo sa isipan ni Thiago ang mga sinabi ng dalaga. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito at niloloko siya. Pero kung ganoon ang kaso, bakit naman iyon gagawin sa kanya ng isang tao na hindi naman talaga niya kilala? Walang maisagot si Thiago sa mga tanong niya. Naiinis siya, ngunit nang dahil din sa pag-iisip niya sa mga sinabi ni Paisley ay tila nakalimutan niya ang masasamang alaala. Ilang gabi na rin kasi niyang hindi napapanaginipan ang bangungot na palaging dumadalaw sa kanya.

"How in this freaking world did I change her life?" biglang tanong ni Thiago na biglang natigil sa pagbabasa. "She looks familiar, but... ah! Dang it! Why am I even bothered by what she said?"

Ibinaba ni Thiago ang hawak na libro at tumayo siya para kumuha ng maiinom na tubig. Napatingin na rin siya sa labas at nakita niyang papalubog na ang araw. At isang araw na naman ang sinayang niya ng walang ginagawa.

Matapos uminom ay kinuha ni Thiago ang cellphone niya. Titingin sana siya ng ilang libro online nang biglang lumabas sa screen ang pangalan ng kuya niya. Tumatawag ito.

Napapilantik ng dila si Thiago. "Malamang nakarating na sa kanya ang hindi ko pagpasok. Nakakainis."

Ngunit sa halip na sagutin ang tawag ay hinayaan lang niya itong mag-ring at nang tumigil ay mabilis niyang pinatay ang kanyang cellphone. Babalik na sana siya sa pagbabasa nang makarinig siya ng tatlong malalakas na katok mula sa labas. Akala niya noong una ay sa ibang kwarto nanggaling ang tunog. Wala naman kasing kakatok sa kwarto niya, at wala naman siyang hinihintay na bisita. Ngunit bago pa mabuksan ni Thiago ang kanyang libro ay muli niyang narinig ang pagkatok. Mas malakas ito kaysa noong una at sigurado na siya ngayong sa pintuan niya galing ang tunog.

May pagtatakang tumayo si Thiago para tignan kung sino ang nasa labas. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay wala namang kahit na sino ang naroon. Lumingon siya sa kaliwa't kanan ngunit talagang malinis ang hallway. Isasara na sana ni Thiago ang pintuan nang mapansin niya ang isang kulay dilaw na pack ng juice sa gilid ng pintuan. Kinuha niya iyon at tinignan. Iyon ang paborito niyang mango juice at sa likod nito ay may isang maliit na note na may napakagandang sulat kamay.

Sorry... I really am... - Paisley

Dismayadong ibinalik ni Thiago ang juice sa pwesto nito kanina. At pagkatapos ay isinara niya ang pinto. Pabalik na sana siya kanyang upuan nang muli na naman niyang narinig ang katok. Hindi na niya ito pinansin. Ngunit naging mas malakas ang bawat katok hanggang sa naging nakakairita na ito. Kaya naman muling tumayo si Thiago at binuksan ang pinto. Inihanda na niya ang sarili na sigawan si Paisley sa oras na bumungad ito sa kanya, ngunit pagbukas niya ay wala na naman siyang dinatnan.

"Damn it! Hanggang dito ba naman?" sabi ni Thiago. Isasara na sana niya muli ang pinto nang mapansin niyang nadagdagan ang mango juice na nasa gilid ng pintuan niya. Katabi na noon ang isang pack ng paboritong niyang oatmeal cookies. Muling inilibot ni Thiago ang kanyang mga mata sa hallway. Sigurado siyang nasa paligid lang ang dalagang nanggugulo sa kanya.

At hindi nga siya nagkamali. Sa dulo ng hallway sa may elevator ay may nakita si Thiago na pares ng mga sapatos sa likuran ng isang malaking halaman.

Kinuha ni Thiago ang mga pagkain at nilapitan niya ang malaking halaman. At tama ang kutob niya. Si Paisley nga ang nasa likod ng halamang iyon.

"T-Thiago?" bulalas ni Paisley nang biglang sumulpot sa harapan niya ang binata.

Hindi kumibo si Thiago. Tinitigan lang niya ang dalaga at padabog niyang inilapag ang mga pagkain sa harap nito at agad din siyang naglakad pabalik sa kanyang kwarto.

"Thiago. Please. I'm sorry na." Tumigil si Thiago sa paglalakad ngunit hindi ito tumingin sa dalaga. "I know sumobra ako sa kakulitan. I crossed the line, yes, pero ang totoo, masaya lang talaga ako na nakausap na kita," patuloy ni Paisley.

"Then, I want you to know na naiirita na 'ko sa ginagawa mo."

"I'm sorry," malungkot na sabi Paisley na hahakbang na sana para lapitan si Thiago.

Ngunit natigilan siya nang sigawan siya nito.

"Get lost! And don't even bother me again!"

"I-I know it's my fault kaya hindi ka pumasok ng dalawang araw. Talagang sumobra ako. I didn't know na ganito ang magiging epekto ng ginawa ko," sabi ni Paisley na halatang pinipigilan ang maiyak. "Kaya kung ako ang dahilan ng hindi mo pagpasok, bukas na bukas din magshi-shift ako ng course. Para hindi mo na ako makita rito."

"Do whatever you want. I don't care," sabi ni Thiago sabay harap sa dalaga. "And don't assume that you're the reason why I locked myself in my room. Pakialamera ka na, feelingera ka pa!"

Pagkatapos noon ay iniwan na ng tuluyan ni Thiago ang dalaga at padabog siyang pumasok sa kanyang kwarto. Halos umalingawngaw pa sa buong palapag ang lakas ng pagkakasara ni Thiago sa pintuan.

Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Ngunit hindi iyon gumana at biglang sumakit ang ulo niya ng dahil sa labi na pagkainis. Kaya naman tumakbo siya papunta sa lamesa sa tabi ng kanyang kama at kinuha doon ang kanyang gamot. At matapos ang ilang minuto ay naramdaman na niya ang paggaan ng kanyang pakiramdam.

Kinuha niya ang cellphone at binuksan iyon. Ikinabit doon ang headset at sinimulan niyang makinig ng isang audio book. Tuluyan ng umepekto ang gamot, pero hindi pa rin siya mapakali. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng pagka-guilty sa ginawang pagsigaw kay Paisley. Lalo na nang pumasok sa isip niya ang malungkot na hitsura nito nang sigawan niya at nang sabihin nito na magshi-shift ito ng course.

"Damn. Why do I feel this way?" tanong ni Thiago sa sarili sabay tanggal ng earphones mula sa kanyang mga tainga. "No. As if she'll do that because I was annoyed. I doubt that she'll shift. But why? Why am I thinking about her? Damn it!"

Tumayo si Thiago para uminom ng tubig at pagkatapos ay tinignan niya ang social media niya para tumingin ng mga balita at posts mula sa mga paborito niyang writers. Nang biglang nakita niya ang isa sa mga posts ni Paisley. Hindi pa pala niya na-block ang dalaga. Nabasa niya sa isang post nito kung gaano ito kasaya na nakapag-enroll sa School of Music and Arts. Binati rin ito ng napakaraming mga tao sa comment section, na malamang ay mga kaibigan nito.

Biglang na-curious si Thiago kung sino ba talaga ang nakakainis na dalaga. Kaya naman pinuntahan niya ang profile nito. At dito niya nalaman na si Paisley ay isang amateur singer. Hindi lang basta amateur dahil halos lahat ng sinalihan nito ay naipanalo niya. Pinanuod ni Thiago ang isa sa mga video nito at sa unang pagkakataon, matapos ang napakaraming taon ay may nakapagpahanga kay Thiago.

"I see. This is the reason why Mr. Calderon called her the future of School of Music and Arts," sabi ni Thiago matapos panoorin ang video. "And this is the reason why her eyes sparkled when we were in the auditorium."

Bilang isang musikero ay kitang-kita ni Thiago sa mga video at larawan ni Paisley kung gaano nito kamahal ang pag-awit at musika. Ngunit hindi maiwasan ni Thiago na itanong kung bakit hindi pa ito diretso sa Music and Arts sa umpisa pa lang. At kung ano ang ibig sabihin nito noong nakaraan na nabago niya ang buhay nito.

Ibinaba ni Thiago ang cellphone at dumeretso siya ng higa sa kama. Nakaramdam na siya ng antok at pananakit ng mga mata. Ngunit naglalaro pa rin sa isipan niya ang napakalamig at napakagandang boses ni Paisley. Ganoon din ang nangungusap nitong mga mata at napakagandang ngiti. At ang mala-anghel nitong ganda habang umaawit.

"Shit! Ano ba 'to?! Why am I thinking of that brat?! I didn't do anything wrong to her, did I?" inis na sabi ni Thiago sabay hampas sa katabing unan. At kahit inaantok na ay halos madaling araw na rin siya nakatulog ng gabing iyon. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon