Chapter IV

124 23 11
                                    

Hindi na nagawang mag-charge pa ni Thiago ng cellphone. Ilang minuto na lang kasi at magsisimula na ang klase. Kaya naman nagpalit na lang siya ng uniform at pagkatapos niyang ilagay sa bag ang mga kakailanganing gamit ay dumeretso na siya sa classroom. Ngunit napabalik pa siyang muli sa dorm nang mapansin na hindi niya naisuot ang navy blue knitted sweater na may golden line design at golden crown brooch niya. Parte kasi iyon ng uniporme nila at ilang beses na siyang naista noon dahil sa hindi pagsusuot ng mga iyon.

Maingay at magulo ang classroom pagdating ni Thiago, ngunit nang makita siya ng mga classmates niya ay biglang tumahimik ang mga ito na para bang may dumaang kung anong nakakatakot. Lahat ng mga mata ay napatingin sa kanya at sa pasa na nasa gilid ng labi niya. At pakiramdam niya ay para bang binabalatan siya ng mga ito ng buhay.

Mayabang, suplado at arogante. Iyan ang pagkakakilala ng mga kaklase ni Thiago sa kanya. At dahil ang binata ang laging unang naaanyayahan sa mga musical competitions, na lagi naman nitong tinatanggihan, ay kinaiinggitan siya ng karamahin. May mga nagsasabi pang hindi naman talaga siya magaling, na nadadala lang siya ng pangalan ng kanyang ama. Naiinis at nasasaktan si Thiago tuwing naririnig niya ang mga sinasabi sa patungkol sa kanya at ng dahil doon ay lalong nawalan siya ng gana sa mga tao sa paligid niya.

Sa pinakalikod, sa tabi ng bintana ang palaging pwesto ni Thiago. Hindi lang dahil sa matangkad siya, kung hindi dahil doon siya komportable. Walang lumalapit sa kanya doon at nakikita niya ang bawat lingon ng mga kaklase niya. Wala na ring pumupwesto doon. Alam na ng mga nakakakilala sa kanya na sa kanya ang pwestong iyon. At dahil na rin sa ipinapakita niyang ugali kaya walang gustong tumabi sa kanya.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell bilang hudyat ng pagsisimula ng klase at sakto pagkatapos noon ay pumasok ang isang matangkad at balingkinitang babae na nakasuot ng eleganteng itim na bestida. Kaagad namang umayos ang lahat ng kanilang upo maliban kay Thiago na itinuon na ang mga mata sa mga lumilipad na ibon sa labas.

"Okay, class. I'm Ms. Caroline Mendoza, your professor in Asian Music this semester. I'll also be your professor in Applied Music," pakilala ng eleganteng propesora sa klase. "But before we officially start, I would like to introduce your new classmate. She is from the School of Business. Alright! You may come in now."

Napatingin ang lahat sa pintuan nang bumukas ito. Pati na rin si Thiago. At mula doon ay pumasok ang isang maputing dalaga na may katamtamang taas, at may mahaba at umaalon na buhok. Kapansin-pansin ang kanyang mapupulang labi at mahahabang pilik mata. Wala itong kahit anong make-up, ngunit sapat na ang ganda nito para mapahanga ang lahat, maging ang mga babaeng estudyante na naroon. At higit sa lahat ay nakakahawa ang napaganda nitong ngiti. At makikita sa kaliwang dibdib nito ang isang silver crown brooch.

"Hello, good morning," masiglang bati ng bagong dating na estudyante sa lahat. Nagliwanag naman ang mukha ng lahat lalo na ng mga lalaki nang marinig ang boses nito, maliban kay Thiago. "My name is Paisley Eve B. Astor. You can call me Paisley. I hope we can get along," patuloy nito.

"No way..." bulalas ni Thiago nang marinig ang pangalan ng dalaga at nang mapagmasdan ang mukha nito. Hindi siya maaaring magkamali. Sigurado siyang ito ang dalagang nagpadala ng friend requests sa kanya kani-kanina lang.

"Mr. Villaruz, is there a problem?" tanong ni Ms. Medoza nang marinig si Thiago. Napalingon naman ang mga kaklase niya sa kanya. "Do you know each other?"

"Ah! N-No!"

"Well, it seems you know each other."

"No, we don't," mabilis na tutol ni Thiago na iniwas ang tingin sa propesora.

"Okay then, if you say so. Alright, Ms. Astor you can sit beside Mr. Villaruz," sabi ng propesora sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ni Thiago.

Masigla namang lumakad si Paisley papunta sa tabi ng binata. Napatingin naman muli ang lahat kay Thiago na para bang may gagawin itong masama sa bagong dating na kaklase. Pero hindi na iyon pinansin ni Thiago. Abala na kasi siya sa pag-iisip kung sino ang bagong dating na dalaga. At hindi na niya napansin na nakatitig na pala siya sa maamong mukha nito.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now