"Thanks for accepting my friend request..." nakangiting sabi ni Paisley kay Thiago bago tuluyang makaupo. "Nice to meet you pala."

Hindi pinansin ni Thiago ang pagbating iyon ng dalaga. Gusto niyang malaman kung sino ito at sigurado rin siyang hindi lang basta nagkataon ang friend request ng dalaga at ang bilang pagdating nito. Pero ayaw niyang magsimula ng usapan. Isa pa, iba-block rin naman niya ito mamaya. Kaya naman matapos magbuntong hininga ay muli na lang tumingin si Thiago sa labas ng bintana.

Unti-unti ng nalilibang si Thiago sa panunod sa mga ibon sa labas nang bigla niyang marinig ang pangalan niya na tinawag.Kaya naman nabaling na naman ang atensyon niya sa propesora.

"Mr. Villaruz, you'll be the one responsible for touring Ms. Astor here in School of Music and Arts. Make sure that she'll be familiar with all the facilities here."

"Excuse me?"

"You heard it, right? This is the punishment given by the dean. We heard about the incident in the dorm this morning from the disciplinary office. If you have any complaints, then talk to the dean yourself. You'll be watched on the CCTV just to make sure you'll finish the punishment or else, you already know what could happen."

Isang malakas na buntong hininga ang tanging naisagot ni Thiago sa sinabi ni Ms. Mendoza. Sasagot pa sana siya nang magtinginan na sa kanya lahat ng mga kaklase niya. At mukhang nahusgahan na naman siya ng mga ito ng walang kalaban-laban.

"Huwag mo silang pansinin," bulong ni Paisley kay Thiago. "Just don't look at them."

Ngunit sa halip na gumaan ang loob ay nainis si Thiago sa pakikialam ni Paisley na para bang matagal na siyang kilala nito "Shut up! Sino ka ba?"

"Me? An admirer of yours," nakangiting sagot ni Paisley.

"What the hell? Get lost! And don't give that stupid smile. Annoying," inis na balik ni Thiago sabay baling uli sa labas ng bintana.

"Whatever... I'll smile at you whenever I want,"

Parang nagpanting ang mga tainga ni Thiago nang marinig ang sinabi ni Paisley. Muling ibinaling ni Thiago ang mga mata sa dalaga at binigyan niya ito ng isang matalim at malamig na tingin. Ngunit hindi pa rin nawala ang magandang ngiti nito na lalo lang ikinainis ni Thiago. Sigurado siyang bibigyan siya nito ng sakit ng ulo. Ayaw na ayaw pa naman ni Thiago sa madadaldal at feeling close na mga tao.

Nagpatuloy ang klase at pilit na ibinaling ni Thiago ang atensyon niya sa iba. Kahit ayaw niya ay nakinig na lang siya sa sinasabi ng propesora para lang hindi niya mapansin ang dalaga sa tabi niya. Naiilang kasi siya dahil panay ang tingin sa kanya nito kahit sa kalagitnaan ng klase. Ngiting-ngiti pa ito sa tuwing titignan siya. Ilang beses niya itong tinignan ng masama, pero wala itong naging epekto sa dalaga. Parang isang batang manghangmangha ang hitsura ng dalaga habang tinititigan si Thiago. Mabuti lang at sa dalawang subjects lang sila magkaklase, sa una at pang huling subjects lang. At tatlong beses lang sa isang linggo. Kaya naman nagawang makatakas ni Thiago sa malalagkit at nakakainis na tingin ng bagong kaklase.

Matapos ang mga klase ay kaagad na dumeretso si Thiago sa dean's office para umapela at hilingin na baguhin na lang ang parusa niya. Baka kasi ano pa ang masabi at magawa niya kapag nainis siya ng tuluyan sa makulit na si Paisley. Isa pa, parang bumibilis kasi ang tibok ng puso niya kapag nakikita niya itong tinitignan siya. Hindi niya maintindihan, pero magkahalong hiya at inis ang nararamdaman niya doon.

"Excuse me. I'd like to talk to the dean," bungad niya matapos kumatok. Agad naman siyang tinignan ng isang may kalakihang babae na abala sa kung ano sa harap ng computer.

"Sorry, but the dean is in a meeting right now. Isa pa, you don't have an appointment, do you?" tugon ng babae na muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"No, I don't. But I have to talk to her."

Muling tinignan ng babae si Thiago at inayos nito ang suot na salamin sa mata.

"Oh, it's you Mr. Villaruz! Is this about the competition?"

" "No. I'm here to talk about the punishment."

Halatang nadismaya ang babae sa sagot ni Thiago at bumalik itong muli sa pinagkakaabalahan.

" If you're here because of the punishment, well, you're just wasting your time, Mr. Villaruz. The dean's decision is final. No ifs no buts. Hindi maganda para sa department ang pakikipag-away mo. Kasiraan iyon sa School of Music and Arts lalo na at kilala ka sa buong building na ito. If you do not comply, we'll have no choice but to tell your guardian about this and there will be additional sanctions. You're an adult now, Mr. Villaruz. Learn how to face the consequences of what you've done," tuloy-tuloy na sabi ng babae.

"I just want the punishment to be cha...

"Why?" sabat ng babae kay Thiago "Ayaw mo mag-tour? Buti nga hindi ka nilagay sa mga freshmen. The dean is actually very lenient, Mr. Villaruz."

Hindi naman na kaagad na nakasagot si Thiago. Nag-isip siya ng maaaring idahilan para makumbinsi ang babae na baguhin ang parusa sa kanya. Iniisip pa lang niya na makakasama niya ang bagong dalaga sa klase nila sa paglalakad sa buong building ay naiinis at naiilang na siya. Pero sinasabi ng mukha ng sekertarya ng dean na wala na talaga siyang magagawa.

"Please..."

"If there's nothing else, Mr. Villaruz, you may already leave," putol sa kanya ng babae. "Marami pa akong kailangang gawin."

At tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Thiago nang umayos na ng upo ang babae sa harapan ng computer nito. Napabuntong hininga na lang siya bahang lumalabas ng opisina. Ibabalibag sana niya ang pintuan sa inis nang may biglang humawak sa pulsuhan ng kanyang kaliwang kamay at hinila siya nito papalayo sa opisina.

Nagulat si Thiago, ngunit mas nagulat siya nang makita kung sino ang humila sa kanya. Kaagad siyang tumigil at binawi niya ang kanyang kamay mula rito.

"What the hell are you doing, brat?!" galit na sigaw ni Thiago.

"It's not brat, it's Paisley!"

"The hell I care! At pwede ba, iwas-iwasan mo 'yang pagiging close mo?!"

"What? Bakit mo ako sinisigawan?" nakangiti namang tanong ni Paisley sabay tingin deretso sa mga mata ni Thiago. "You're supposed to tour me here, right? Come on, umaandar ang oras. I have to be familiar with the rooms and facilities here."

"Go around on your own. Malaki ka na! The rooms and facilities have names. Hindi ka ba marunong magbasa?"

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at nanliit ang mga mata nito. Buong akala ni Thiago ay magagalit na ito sa kanya at lalayuan na siya nito, ngunit muli itong ngumit. At hindi maikakala ni Thiago na talagang napakaganda ni Paisley lalo na kapag nakangiti ito, o kahit noong nagmukhang galit ito. May ilang segundong napatitig si Thiago sa mala-anghel na mukha ng dalaga bago niya ibinaling sa iba ang paningin niya.

"Marunong akong magbasa. And I can read how sad you are, Thiago." Muling naibaling ni Thiago ang kanyang mga mata sa dalaga nang marinig ito. Napatingin siya sa tila nangungusap na mga mata nito na biglang humakbang papalapit sa kanya. Biglang uminit ang pakiramdam niya, at hindi niya maintindihan kung bakit biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon