Tuluyan ng ibinaling ni Thiago ang pansin sa labas ng opisina. Ayaw na niyang makinig sa mga pagtatalo sa loob. Nagkasagutan si Mr. Alejo at Eli, pero hindi na iyon inintindi ni Thiago. Ang iniisip na lang niya ay kung kailan siya makakalabas at makakalayo sa mga hoodlum na kasama niya ngayon. At sana ay hindi siya mabigyan ng mabigat na parusa lalo na at hindi naman siya ang nagsimula.

Maya-maya pa ay napunta na sa dorm leader ang usapan ng dalawang bagong dating. Sinimulang alaskahin nila Eli at ng kasama nitong tinawag na Zeus ang dorm leader. Tinawag nila ito sa pangalang Xian, at tinawag na sipsip. Matagal ng nakikita ni Thiago ang dorm leader na siya ring SSG president, ngunit ngayon pa lang niya nalaman ang pangalan nito. Pangatlong taon na ni Thiago sa dorm pero wala siyang kilala ni isa kahit sa mga naroon. Wala naman kasi siyang pakialam sa kanila at hindi mahalaga sa kanya kung sino sila.

Nagsimula ng umingay sa opisina at unti-unti na ring naiirita si Thiago sa mga kasama niya doon. Mabuti na lang napatilgil sila ng isang na namang malakas na sigaw ni Mr. Alejo.

Isa-isang tinignan ni Mr. Alejo ang lahat ng naroon na parang sinusuri ang mga ito. Sinigurado muna ni Mr. Alejo na tahimik na lahat at pagkatapos ay saka siya nagsalita para sa parusa ng mga naroon.

Two weeks of detention and two weeks of individual punishment. Iyan ang ipinataw ni Mr. Alejo sa kanila maliban kay Xian. Sila Eli at Zeus ay naparusahan na maglinis ng soccer field, pagkatapos ng bawat practice session ng soccer team. Magrereklamo pa sana ang dalawa, pero wala na silang nagawa ng muli silang sigawan ni Mr. Alejo. At sunod naman ay bumaling ang Disciplinary Officer kay Thiago.

"Mr. Villaruz, I will inform the Music and Arts Department about this. Hahayaan kong sila na lang ang mag-decide ng punishment mo since this is your first offense here. To be honest, I am disappointed in you and I hope this will never happen again. Do you understand?"

Tumango si Thiago bilang tugon at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa labas. Wala rin siyang balak na magpaliwanag. Alam niya kasing hindi naman siya pakikinggan. Isa pa, kilala siya sa School of Music and Arts kaya umaasa siya na bibigyan siya ng mas magaan na parusa lalo na at hindi naman siya ang pinagmulan ng away. Wala rin naman siyang masyadong pakialam sa parusa, basta't hindi makarating ang nangyari sa kuya at sa uncle niya.

Sunod na tinawag ay si Thunder. Napangiwi na naman si Thiago na pinigilan ang pagtawa nang muling marinig ang pangalan ng nakalaban.

Matapos sermonan at pagalitan dahil sa gulong sinimulan ay pinarusahan siya ng community service sa isang animal shelter na hawak ng university. Papalag pa sana si Thunder. Ngunit nang sabihin ni Mr. Alejo na makakarating ang lahat sa guardians niya sa oras na hindi siya sumunod, ay nabahag bigla ang buntot nito. Isang bagay na muling ikinatawa ni Thiago.

"Akala mo kung sinong matapang. Takot naman palang masumbong," bulong ni Thiago habang nakatingin at nakangisi kay Thunder.

"Alright. Now, before I let you all go, everyone must shake hands sa mga naka-alitan ninyo. Thiago, shake hands with Thunder," sabi ni Mr. Alejo sabay tingin sa dalawa.

Napailing naman si Thiago sa inis. Tinitigan niya si Thunder at tumitig naman ang isa sa kanya pabalik. Talagang kumukulo ang dugo niya kay Thunder at parang gusto na naman niya itong pagsisipain. Pero gusto na rin ni Thiago na matapos ang lahat ng ito. Kaya naman tumayo na siya at inabot ang kamay ng aroganteng binata. Hinigpitan ni Thiago ang pagkakahawak sa kamay ng nakaaway, ngunit iyon din ang ginawa ng isa. Nasaktan si Thiago pero hindi niya iyon ipinahalata. Ngayon ay sigurado na siyang kahit kailan ay hindi niya makakasundo ang lalaking iyon.

Sunod na pinagkamay sila Eli at Zeus kay Xian, at pagkatapos ay si Xian naman at si Thunder. Hindi na tinignan pa ni Thiago ang mga eksenang iyon at pumwesto na siya sa may pinto para unang makalabas. At matapos ang ilang pangaral at paalalang magiging under surveillance sila, ay hinayaan na sila ni Mr. Alejo na makalabas ng opisina.

"Hoy," tawag ni Thunder kay Thiago na nagsimula ng maglakad papalayo.

Pero hindi lumingon ang isa at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hoy! Kinakausap kita!"

"What?" malamig na tanong ni Thiago kay Thunder matapos tumigil at humarap sa aroganteng lalaki.

"Hindi pa tayo tapos..."

"Whatever... But if I were you, I'd take care of that bike of yours. You don't know... baka... alam mo na... Baka lang naman.

"Don't you ever try to..." gigil na tugon ni Thunder na susugod pa sana uli kay Thiago.

"Tama na!" agad na awat ni Xian sa dalawa. Sina Eli at Zeus naman ay nasa gilid lang at pinipigilan ang pagtawa. "Tumigil ka na, Thunder! Don't start again! Subukan mo uling manggulo at sisiguraduhin kong makakarating sa guardians mo ang magaspang mong ugali rito!"

Natigilan si Thunder sa sinabing iyon ni Xian. Napangisi naman si Thiago nang makita ang gusot at dismayadong mukha ni Thunder. At pagkatapos ay nagsimula na uli siyang maglakad papabalik sa dorm. Hindi na rin niya muling nilingon ang mga lalaking ayaw na niyang makasalumuha pang muli.

Nang maramdaman niyang muli ang cellphone niya sa bulsa.

"Ah! Ano na naman kaya 'to?" inis na tanong ni Thiago matapos magpilantik ng dila. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at sinalubong siya ng isang mensahe.

Thank you for accepting my friend request. See you soon, Thiagobels.

Napamura ng malutong si Thiago nang mabasa ang mensahe. Sa halip kasi na decline ay hindi niya namalayan na accept pala ang napindot niya sa friend request na natanggap niya kanina. Iba-block na sana niya ang dalaga nang bigla namang namatay ang cellphone niya dahil wala na itong baterya.

Pakiramdam ni Thiago ay umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya. Akmang ihahagis na sana niya ang cellphone sa inis. Mabuti na lang at nagawa pa niyang pakalmahin ang sarili.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now