Nagpunas na ako ng kamay matapos siyang tulungan sa paghuhugas ng plato.
Matapos kong magpunas ay hinablot ko na ang bag ko at kinuha na rin niya ang maliit nitong sling bag.

Sabay kaming lumbas ng Apartment at naglakad papunta sa elevator para bumaba.

"Sa Lotte Mall ba kayo mamimili?".

Tanong ko naman sakanya habang nasa elevator parin kami.

Daine: Oo...can we have a discount? Tutal mall mo naman yun.

Aniya habang nakangiti saakin.

"Na magiging Mall mo na rin."

Pagwawasto ko sakanya at bigla naman siyang umiwas ng tingin saakin at napayuko.

Daine: Sige na! Madami kasi kaming bibilhin atsaka baka hindi kakasya yung budget namin.

Pangungulit naman siya,bagay kong saan sobrang galing niya.

"Malulugi kami."

Sabi ko naman hoping na makumbinsi ko siya.
Manghihingi pa ng discount eh may pera naman siya.

Daine: Parang hindi future asawa ah! Sige na! Ang kuripot mo talaga.

Pang-aasar ulit niya saakin.
I was getting used of her being consistent in teasing me na kung minsan ay imbis na ikainis ko ay ikinatutuwa ko na dahil para siyang hindi bente anyos.

"Those dumbo's are rich why don't you ask them for extra budget instead of asking me discounts?".

Saad ko naman at tinutukoy ang dalawang tukmol na makakasama niya.
Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
She looks cute when she's upset.

Daine: Baka lang naman kasi makalusot.

Pagdadahilan naman niya and i just can't help but smile because of it.

Nang huminto ang elevator ay agad kaming lumabas at dumeretso sa parking area.
Magkatapat lang ang nga sasakyan namin sa parking lot.

"Dederetso ka sa Mall?".

Tanong ko sakanya matapos ipasok ang bag ko sa loob ng kotse ko.

Daine: Oo doon kami magkikita eh,hindi na muna ako papasok ngayon... exempted naman daw kami sa klase.

"Okay, since hindi naman ako makakasama sayo dahil kami daw ang mag-aasikaso ng mga tents na gagamitin ninyo."

Humarap naman siya saakin ng nakangiti na ipinagtaka ko naman.

"O bakit?".

Ang creepy niya kasi.

Daine: Ay weh? Talaga? Akala ko kasi kami pa yung mag-aayos nun eh...pero thank you in advance.

Natutuwang saad niya at napangiwi naman ako.
Hindi naman kasi literal na kami talaga ang mag-aayos ng tents nila,tutulungan kami ng mga estudyanteng classroom officers.
Bale ang gagawin lang namin ni Catherine ay mag utos at tutulong if needed.

"Kung pwede nga lang samahan kita ngayon."

Pag-amin ko naman kasabay nun ay ang pagbuntong hininga ko.

Daine: You don't have to worry about me,i can handle myself well.

Pagmamalaki naman niya sabay paslak ng susi sa Ducati niya.

Love Over A Thousand QuarrelsWhere stories live. Discover now