"Ahh, may trabaho ako hanggang eleven ng gabi eh." Sabi ko. Mukha naman siyang nadismaya sa sagot ko kaya nahiya ako. "Saan ba?"



"Sa Medora, pinsan kasi ng boyfriend ko ang may-ari non kaya nakapag-reserve ng pwesto para mamaya. Diba malapit lang naman ang trabaho mo doon?"



No, not that cursed bar where I met that perverted man! 



Hindi ako makapagsalita. Stephanie looked like she really wanted me to come. Well, after the noises I heard every night, it's actually weird to be invited for a drink. 



"Please, sama ka na? Kasama sina Kuya Jorge saka ibang mga friends niya. Ngayon ka lang makakasama sa bonding ng mga tenants." 



Say no! It's healthy to say no!



"O-okay." Sabi ko. "Sunod ako after work."



She smiled and waved goodbye before I turned to leave. I was scolding myself on the way to work after that.



----



"NEXT WEEK KO babayaran ito ha." Ang lapad ng ngiti ko pagkakuha ko ng tatlong jars ng mango jam kay Merielle. Marami siyang dala ngayon dahil ilang araw siyang namahinga at nagkasakit siya ng dalawang araw. 



"No problem." Sabi niya habang busy siyang magsulat sa notepad niya ng listahan ng mga orders. As always, raketera ng taon talaga itong si Merielle. 



"Parang gusto ko rin mag-sideline. Ano kayang pwede, for another source of income?" Tanong ko, at napatigil naman siya sa pagsusulat tapos nagisip sandali. 



"Maglako ka ng peanut butter, and jams! Tapos sakin ka kumuha, porsyentuhan mo na lang kahit konti." Napangiti siya sa naisip niya. "Diba bet naman ng mga friends mo, wala pa ba silang orders ulit?"



Naalala ko 'yung sampung jars ng mango jam na binili ko kay Merielle. I bit my lip as I felt guilty for lying. They were not actually for my friends--I don't have friends. Kalahat kasi ng jams ay dinala ko kina Dad noong bumisita ako nung nakaraan. Nagpalusot lang ako kay Merielle na para sa mga friends ko ang orders.



Now that I think about it, I don't really have friends. Meron akong mga workmates pero hanggang inuman lang ang bonding at shallow ang mga usapan. So far, si Merielle pa lang ang nakaka-gaanan ko talaga ng loob kahit anim na buwan pa lang siyang nagtatrabaho dito sa amin. 

None the Wiser (Flavors of Love #2)Where stories live. Discover now