"Kung ayaw mong mag worry ako let me help you.  Dahil kung hindi baka mabaliw ako sa pag aalala sayo." sagot ko ng medyo mabilis.

Napatigil ako nung mapansin kong may mali, parang tumaas ata ang boses ko kumapara kanina. But I guess I didn't shout. Right?

Nabigla ko ata siya dahil natulala lang siya at natahimik. I didn't raise my voice at her. Dang! Sana di niya maisip na tinaasan ko siya ng boses. I'm just really worried and not mad.

"I.. I'm sorry." sabay angat ko ng kamay to touch her. Pero bigla kong nanigas at piniglan ang kamay ko. Pansin ko ang pagbabago ng mukha niya, para bang mas nagulat pa siya.

I'm becoming a strange person. Baka isipin niyang weirdo na ako at baka matakot ko siya sa mga kinikilos ko. Stupid! My brain is not functioning well right now.

"I'll help you okay." I composed myself again. Bumalik na sa normal ang boses ko.  But still, she looks not okay.

I smiled at her to ease her worries. " Aalamin natin pareho ang totoo. Don't worry, hindi 'to malalaman nila Uriah. Tsaka na natin ipapaalam kapag nalaman na natin ang totoo."

Kinuha niya ang baso niya at mabilis na ininom ang kape. She looked away after that then look at me again without saying a word.

"You suffered a lot Alexis, let's end it. We will find out what really happened. Trust me."


ETHAN'S P.O.V.

"The fck, baso muna... baso."

"Hoy ! nagmumura ka na naman ah! Sumbong kita kay tita."

Tindi ng pandinig nitong babaeng 'to.

"Ui alis na ko kami, kaw na bahala dito Ethan," –Chin

"Sige bekla alis ka na, kami na bahala ng baby ko dito." sabat ni Nicolo . Agad kong iniwas ang mukha ko nung nilalapit niya 'yong kamay niya sa mukha ko.

Tinignan ko siya ng masama.

"Pinagpapawisan ka na baby!" hindi padin niya inaalis ang kamay niya. Putulin ko kaya 'to. "Ahahaha!" inilayo na niya ang kamay niya sabay tawa,parang tanga. "Walangya ka Chin lumayas ka na nga nahihiya kasi si baby e. Di siya sanay sa PDA. Gusto niya kami lang dalawa..."

Padabog kong binaba sa lababo yung mga kutsara. Tumigil siya agad at tumakbo palayo sakin.

"HAHAHAHHA! Ano ka ngayon bekla! Umalis ka na nga malalate ka pa sa klase. Nakuha mo na kailangan mo diba!? Halika na sabay na tayo lumabas." –Chin.

 "Wala pa si Mars papasok ka na." sabat ko.

"Ui si papa E. Pinipigilan tayo umalis. Siguro gusto pa niya talaga ko makasama haha!" –Nicolo.

Tss!

"Mukha ba kong papasok? Ha Ethan? Sa suot kong 'to?"  -Chin

'Di ko siya sinagot ni nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paghugas. Mag cucutting siguro 'to,

"Kung iniisip mo mag cucutting ako di 'no!  Wala kaming meeting ngayon kasi may seminar prof namin. At alam na ni tita 'yon."

Nilingon ko siya.

"Oh bakit ka nakatingin?" habang siya nakataas ang kilay na nakatitig sakin.

"Para di ka naman magmukhang tangang nagsasalita dyan. May sasabihin ka pa ba?"

"HAHHAHAH! boom basag! I love you for that Papa E."

"'Letche ka talaga." sabay kuha niya ng bag at lumabas habang hila hila si Nicolong siraulo.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Where stories live. Discover now