"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ko si Uriah. Wala ka ng klase?" I asked and sound clueless.

"Vacant ko na... si Uriah, mamaya pa klase n'yon baka mamaya padin 'yon darating."

"Oo nga e, katatawag lang niya sabi niya dadaan muna daw siya kina Agatha. Hintayin ko nalang siya dito."

"Okay." sabay tingin niya sa mata ko pero agad na nag iwas at natahimik. Medyo awkward. Ngayon nalang ulit kasi kami nagkita after that night. "If you don't mind... samahan nalang muna kita maghantay."

Ilang segundo lang ako natulala. Until I realized mukha na akong siraulong nakanganga habang nakatitig sa kanya.

"Yeah sure." I answered while nodding.

"Let's have some coffee." she said then starts walking towards the main gate.

I just followed her while looking at her back. Napangiti ako at di ko na napigilan. She initiates, that's new. Ngayon ko lang ulit 'yon naranasan sa kanya after a year. But that's weird. May sasabihin kaya siya?

"So... how are you?"  parang ang panget ng tanong ko. Napainom tuloy ako bigla ng kape. Habang siya ay biglang napainom din.  Baka isipin niya tinatanong ko siya tungkol doon sa nakwento niya sa akin.

"I'm fine..." sabay baba niya ng baso sa mesa. "Mas okay na ako ngayon."

Napatitig lang ulit ako sa kanya nung sabihin niya 'yon. Kahit di na namin ielaborate sa isat isa kung ano ang pinpunto namin, we both know that we understand each other.

"It's nice to hear that."

Napayuko siya at iniikot ang daliri sa paligid ng ibabaw ng baso niya. Tinignan ko din ang expression ng mukha niya. Her face looks pale.

Ng dahil doon ay napainom ulit ako ng kape, ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganyan.

"Tell me what bothers you."

Tumingala siya at tinignan ako, yung titig na para bang kunwari ay wala siyang dapat sabihin at di niya nagets ang sinabi ko.

Kaya binaba ko ang tingin ko sa baso niya. Nung mapansin niyang ginagawa niya 'yon ay agad siyang tumigil at nilagay ang kamay niya sa lap niya.

That's her habit when she is getting nervous or wanted to say something. 'Yong mga daliri niya hindi napapakali.

Ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng mesa and lean forward to make her feel that I'm willing to listen to her. Her body movement tells me that she was shocked. Napasandal siya sa upuan. Gusto kong malaman niya how  I really wanted to know what's bothering her.

Through exchange looks with her I encourage her to speak.

"Pwede bang..." she said with hesitation then she looks at me straight to my eyes. "Pwede bang kalimutan mo na lahat ng sinabi ko nung nakaraang gabi."

'Yong titig niya ngayon para bang gusto akong hikayatin na kalimutan ko nga ang mga sinabi niya.

"No." I answered without changing my facial expression.

"Doms..."

"Alexis," I interrupted her. "Tingin mo hahayaan ko lang 'yon after kong marinig 'yon sayo? No."

"Please... I shouldn't tell you that. Madadamay ka lang..."

"So what?" I asked very calmly then sip my coffee.

Kita ko sa mukha niya how depressing she is para sundin ko ang gusto niya.

"You're being stubborn. I don't want to give you worries..." she sounds like irritated.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon