ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4

Start from the beginning
                                    

"Balak ko sanang sa susunod ko nalang sisingilin ang mga utang mo pero namimisaha kana eh."

Mas lalo nanlaki ang mata ko sa pagkagulat nang makita kong nakatayo na si Prinsesa Zemiragh sa tabi ni Prinsipe Zaire na gulat na gulat rin sa pangyayari.

Hindi ko alam kung saan siya dumaan dahil hindi ko siya nakita na isa sa mga estudyanteng nakapalibot kanina.

"P-papaano ka nawala bigla kanina at bigla nalang din sumulpot ngayon?"

"Dahil isa akong kabuti."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o matatawa sa isinagot ni Prinsesa Zemiragh dahil tila ipinagmamalaki pa talaga nito ang salitang kabuti habang taas noong naka tingin kay Prinsipe Zaire na siyang nag tanong.

"B-BWESIT KA!! ANO ANG GINAWA MO SA MUKHA KO!!!"

Napatingin naman ako kay Prinsesa Quintang naka upo sa lupa habang umiiyak at hawak-hawak ang kanyang mukhang itim na itim na ngayon.

"Huwag ka mag alala dahil hindi ka naman papangit, kasi matagal ka namang pangit."

"Hehehehe"

Napatingin naman ako sa babaeng humagikhik at kita ko ang saya sa mukha ni Prinsesa Nexzia habang naka tingin kay Prinsesa Zemiragh at kay Prinsesa Quinta na umiiyak.

Nagsasaya pa talaga sa kabila nang kaguluhan na nangyari sa paligid?

Pambihira, kapatid ba talaga ito ni Prinsipe Lawrence?

Bakit tila magka ibang magka iba sila.

Napailing nalang ako at lalapitan na sana ang dalawang babaeng upang awatin nang tumayo si Prinsesa Quinta at pinailaw nito ang kanyang mga kamay habang nakatingin ng masama kay Prinsesa Zemiragh na tinignan lamang siya ng pagka bagot.

Kinabahan ako sa maaring mangyari dahil alam kong hindi lang isang manggagamot ang mahika ni Prinsesa Quinta kundi may asido din siyang mahika.

"PRINSESA QUINTA, HUWAGGG!!!!"

Halos magka sabay naming sigaw ng mga kasama ko sa Ūníc estudyante pero parang huli na ang lahat nang makita naming pinakawalan nito ang kanyang asidong mahika patungo kay Prinsesa Zemiragh.

Pero sa halip na matakot ang isa ay nginisihan lamang niya si Prinsesa Quinta at ipinitik nito ang kanyang daliri at hindi ko alam kung paano nangyari dahil bigla nalang nawala na parang bula ang mahikang asido na pupunta sana sa kanyang mukha.

"P-papaanong-..."

"Matulog ka nalang muna ampangit mo na eh."

Hindi na naituloy ni Prinsesa Quinta ang kanyang sasabihin nang bigla nalang napunta sa kanyang likod si Prinsesa Zemiragh at binigyan siya ng isang napakalakas na hampas sa kanyang leeg na ikinabagsak niya at ikinawala niya ng malay.

"Tapos na ang palabas at pwede ba UMALIS KAYO SA PINTUAN NANG CANTENA KUNG AYAW NIYONG KAYO ANG PAGSISIPAIN KO!!!!"

Bigla naman nahawi ang mga estudyanteng nakaharang sa pintuan ng Cantena at ngiti-ngiti namang nag lakad papasok si Prinsesa Zemiragh na para bagang walang nangyari kanina lang.

Nagkatinginan naman kaming mga naiwan sa labas at hindi alam kung ano ang sasabihin namin o ikikilos dahil sa pagkagulat sa mga nangyari lalo na rin sa ginawa ni Prinsesa Zemiragh sa mahika ni Prinsesa Quinta.

Kahit ang pamilyang Devilvevoeun at ang priestess na siyang pinakamalakas sa lahat sa buong kaharian ay hindi nila kayang gawin iyon sa mahika ng iba.

.

.

.

.

.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now