"Sige sagot ko na ang lupa!" Jade.

"Tama na nga yan! Maglaro na lang tayo." Nilagay ko sa gitna ng table yung maliliit na paper na ni-roll ko tsaka yung powder.

"Ano ba to?" Kane na naman.

"Wait lang kase. Atat e." Nagtawanan na naman sila. Siguro ang saya nilang nababara si Kane no? Hihi. "Bubunot tayo ng tig-iisang paper. Pag nakuha mo is killer kikindatan mo yung gusto mong patayin." Kumindat pa ko sa kanila. "Pag police naman babarilin mo yung killer kapag nalaman mo na kung sino siya." Nag-act pa ko na parang may baril at siyempre kay Kane nakatutok. Haha.

"Ang corny naman niyan!" Angal na naman ni Kane. Corny? Ang saya kaya laruin nito!!

"Gusto mo ba talagang barilin na lang kita diyan?" Nababadtrip na ko ha. Kanina pa yan kontrabida e.

"Sinong babarilin mo wifey?" Biglang dating si Zach. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Patay kang bata ka!" Rinig kong tumawa si Chris.

"Sabi ko na e. Dapat umorder na tayo ng kabaong. hahaha." Si Jade naman ang nang-asar.

Kitang-kita ko naman yung mukha ni Kane na namumutla na. Takot talaga siya kay Zach? Psh.

"Wala hubby! Lika. Sali ka muna saming maglaro." Pag-aaya ko.

"What? No."

"Maglalaro lang e." Naka-pout na sabi ko.

"Marami pa tayong gagawin." Sabi pa niya.

"Please Zach. Isang game lang. Please?" Puppy-eyes, umeffect ka please.

"I said no Keisha. Let's start the meeting." Bumaling na siya kila Blake.

Badtrip. Minsan lang mag-aya tinanggihan pa. Ayoko na nga! Tumayo na ko. Lalabas na lang ako. Bahala silang magpaka-busy sa buhay nila. Kairita.

"Where do you think you're going?" Biglang nagsalita si Zach. Napahinto ako nung una kase naman nakakatakot yung boses niya e. Huhu. Pero nagtatampo ako sa kanya kaya naglakad pa ulit ako. Bahala ka sa buhay mo!!

"Aish. Fine! We'll play that game of yours!" Waaah!! Tama ba yung narinig ko? Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Hihi.

Nabuksan ko na yung door e. Akala ko talaga hahayaan niya kong lumabas.

Inexplain ko na ulit yung sinabi ko kanina.

"Tapos yung doctor naman didila sa mga napatay na." Nag-belat ako sa kanila. "The rest citizen na, sila yung papatayin ng killer. Once napatay na sila, sasabihin nila 'I'm dead'.

"Tapos pag nahuli ng police yung killer, talo yung killer. Kapag namatay yung doctor, wala ng manggagamot. Kailangan magaling yung police okay?" Excited na pagpapaliwanag ko.

"What's the powder for?" Zach.

"Pag natalo lalagyan ng powder." Ngiting-ngiting sabi ko.

"Hell no!" Rinig kong sigaw ni Kane.

"Hubby o.. ayaw ni Kane." Malungkot na sabi ko kay Zach. Kj din nitong kane na to e.

"Kane." Madiing sabi ni Zach.

"Eto na nga e. Bubunot na boss." Nauna pa siyang bumunot ng papel sa aming lahat .

Hihi. I'm excited to play thia with them!! :)

Citizen yung nabunot ko. Sino kayang killer? Hihi. Dapat maiwasan, ayokong mamatay no.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon