May dalawang lalaki akong nakitang paakyat sa hagdan kaya nagtago muna ko sa likod.

"Kailangan buhay nating makuha si Keisha at Zach." Guy 1.

"Eh pano kapag nakipaglaban sila tapos tayo ang dehado?" Sabi nung guy 2.

"Basta ang kailangan buhay sila. Yun nga yung utos ni Padrino diba." Sagot na naman ni Guy 1.

Sinong Padrino?

Napansin kong may mga tao sa baba na parang nagtatago din. Inaninag kong mabuti kung sino sila at wala ng iba kundi ang gwapo kong asawa.

Mabilis kong binaril dalawang lalaking paakyat sa kamay. Kamay na may hawak ng mga baril nila.

Nakita ko naman agad sila Blake na tumakbo papunta sa pwesto naming tatlo.

Kinuha ko yung mga baril na hawak nila kanina para nama wala na silang panlaban samin diba.

"Dalin niya sa hide-out." Maawtoridad na sabi ni Zach.

"Yes boss." Jade.

"W-wifey are you okay?" Yumakap bigla sakin si Zach. How I missed his hug.

"Oo naman. Ako pa!" Pagmamalaki ko pa.

"Sure ka? Teka nga bakit ba gising ka pa?" Paktay.

"Inaantay kase kita." Wag kang magalit please.

"Hindi na dapat. May inaasikaso lang kase talaga ko." Hinalikan niya ko sa lips. "Magpahinga ka na wifey."

"Ako lang?" Di ba siya magpapahinga?

"Kailangan ko pang makausap yung assholes na yun. Tsaka ipapalinis ko pa yung kalat dito." Tinuro niya yung mga patay na taong nakahiga sa sahig namin.

"Sama ko Zach." Pupunta sila sa hide-out diba?

"No wifey."

"Please hubby. Please please please." With matching beautiful eyes pa yan ha.

"Aish. Stubborn wifey. Tsk." Sabi niya bago ako binuhat pasakay sa sasakyan niya.

Naabutan naming nakagapos ying dalawa sa upuan habang nakabantay si Val at Jade.

"Matigas boss. Ayaw magsalita e." Sabi ni Val.

"Dapat diyan tinutuluyan na e." Biglang sabi ni Chris na kakapasok lang sa kwartong pinuntahan namin.

"Pwede bang ako ng bahala sa kanila?" Singit ko sa kanila.

Parang may nagu-urge kase sakin na malaman kung sino ang nag-utos sa kanila e.

Hindi naman kumibo si Zach pero ngumiti siya kaya alam kong pumapayag na siya.

"KAYONG DALAWA HINDI BA TALAGA KAYO AAMIN?" Sigaw ko. Pero waley effect sa kanila.

Lumapit ako sa isang table na naglalaman ng rifle. Alam niyo yung malaking baril na gamit sa mga ROTC firing? Ganun.

Nilagyan ko ng bala yung rifle habang papalapit sa dalawang "hostage" namin.

"Parang gusto kong bumaril ng nakapikit." Biglang sabi ko.

"Maganda yan Keisha! Game!" Gatong pa ni Kane.

"Go Miss Keisha!" Sabi naman ni Blake.

Aba't may supporters pala ko noh?

Pumikit ako pero alam alam ko na kung saan nakaasinta ang baril. Tatamaan ko talaga yubg left leg nung isang guy.

BOOM.

"A-aray!" Atungal nung natamaan.

"Ay natamaan?" Nang-aasar na sabi ko na kunwari ay nabigla.

"Yes! Asintado ng tumira si Miss Keisha." Tuwang-tuwang sabi ni Val.

"AAMIN NA BA KAYO?" Umiling lang sila.

"Ay matapang! Isa pa Keisha dali!" Tila nag-eenjoy si Kane.

"Okay." At pumikit pa ulit ako at bumaril. This time, wala akong piniking tamaan. Kung ano na lang ang matamaan.

"ARAAAAY! AHHHH!" Napadilat ako sa sumigaw. Natamaan ko pala yung isang lalaki sa balikat.

"Uh-oh! Sa balikat lang? Bull's eye ko kaya sa ulo ha hubby?" Baling ko kay Zach.

"Ako na wifey. Just watch." Kumindat pa siya sakin kaya umupo na ko sa swivel chair na inuupuan niya kanina.

"3 counts okay." Sabi niya habang naglalagay ng bala. "One." Kinasa na niya yung dalawang baril. "Two." Hinawakan na niya sa magkabilang-kamay yung baril at itinututok ang tig-isa sa kanila.

"Th-"

"F-fALLON!" Halos sabay na sigaw nilang dalawa.

Fallon na naman?!

Ano ba talagang atraso namin sa kanila?

Sino ba talaga ang boss nila?

May pagkakasala ba ko sa grupo nila para pagtangkaan ang buhay ko?

"Three." At nakakita na lang ako ng dugong dumadaloy mula sa dalawang lalaking binaril ni Zach.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon