"Alam kong malaki ang possibility na hindi mo matatanggap kung sino ako. Kung ano ang pinanggalingan ko kaya maiintindihan ko kung hihiwalayan mo-" Hindi ko na siya pinatapos dahil hinalikan ko na siya sa labi.

I don't care kung sino pa siya. Wala akong pakialam kung Mafia boss pa siya. Kung kinakatakutan siya ng mga tao. Kung nakapatay na siya. Basta ang alam ko, mahal ko siya at handa akong tanggapin kung sino siya.

Inihiwalay ko na yung labi ko sa kanya.

"Tanggap mo na ba ko?" Nag-aalangang tanong niya. Tumango lang ako. Ayokong magsalita. I just want to hug him tight.

"Oo nga pala hubby, alam mo ba kung anong symbol yung triangle na may letter F sa loob?" Tanong ko ng maalala ko.

"Bakit mo natanong?" Gulat na tanong niya sakin.

"Nakita ko yun kanina e. Nasa bala ng baril na naapakan ko."

"Isa siya organization na gustong magpabagsak sa akin. Wag mo ng intindihin yun. Onga pala, anong napanaginipan mo?" Tanong niya sakin.

Napanaginipan? Si daddy. Nakita ko na naman kung paano siya pinagbabaril ng tatlong taong nakasuot ng mask. Tatlong taong may tig-dadalawang baril sa kamay at pare-parehas na may.... tattoo?

"H-hubby. Yung symbol na nakita ko sa pinuntahan natin kanina, nakita ko na yun dati pa." Umiiyak na kwento ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat niya.

"Ha? Saan naman?"

"Meron nun yung pumatay kila mommy at daddy. Kagayang-kagaya yun ng tatto ng nagtutok sakin ng baril." Pagsusumbong ko.

"Teka wifey ha. Nalilito ako." Kinwento ko sa kanya yung napanaginipan ko kanina.

Nakita ko naman na sumeryoso na yung mukha niya at tutok na tutok sa kwento ko.

"And then? What happened to your mom?" Tanong niya ng matapos akong mag-kwento.

Naiyak na naman ako ng maalala yung ginawa nila sa mommy ko.

"It's okay if you're not yet ready to retell your story." Niyakap na ulit ako ni Zach.

"S-si mommy. Ni-rape nila si mommy sa harap ko. Silang tatlo din. Paulit-ulit nilang ginawa yun sa kanya. Iyak ng iyak si mommy nun pero para silang nga bingi. Mga wala silang naririnig basta sila natutuwa sa ginagawa nila." Umiiyak na kwento ko kay Zach. Patuloy lang siya sa paghimas sa likod ko.

"Gustong-gusto kong lumabas nun para ipagtanggol yung mga magulang ko pero paulit-ulit kong naaalala yung bilin ni daddy na wag daw akong lalabas at wag mag-iingay." Pagpapatuloy ko.

"Paano ka nakatakas?"

"May narinig aking mga pulis na paparating. Next thing I know, andun na si ninong. Simula nun siya na ang nag-alaga sakin. Siya na ang tumayong ama ko."

"Sa pagkakaintindi ko, may nagtangkang pumatay sa pamilya mo sa hindi ko maintindihang dahilan." Ako naman ang nakikinig sa kanya.

"May kinalaman ba yung symbol na nakita ko kanina sa nangyari samin dati?" Biglang tanong ko.

"Sa palagay ko, meron. Isa silang hindi mabuwag-buwag na grupo sa mafia. "

"Bakit sila sumugod sa lugar niyo kanina?"

"They want me dead." Sabi niya.

"Bakit?" Naguguluhan ako. Sino ba sila? Bakit nila pinatay ang magulang ko? Bakit pati si Zach?

"Gusto nilang maghari sa Mafia. Their boss wants to be the so called Mafia Boss." He shrugged.

"Eh bakit pati pamilya ko damay?" Nagtataka pa din talaga ko e.

"May alam ka bang trababo ng daddy mo?" Biglang tanong niya.

"I don't know. Ang alam ko lang businessman siya. So bakit sila pinapatay?"

"That's for us to find out wifey." He said habang nag-aayos na pahiga sa tabi ko.

Humiga na din ako ulit. Nakakapagod tong araw na to. Andami kong nalaman.

"Sleep ka na wifey." He kissed me on my forehead at niyakap nako.

"Good night hubby. I love you." Sabi ko sa kanya.

"I love you too." Hinalikan na naman niya ko.

"Sino nga pala sila hubby?" Pilit kong tanong kahit antok na antok nako.

"Fallon." Rinig kong sabi niya bago ako tuluyang makatulog.

Fallon.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Where stories live. Discover now