Chapter 5

40.7K 959 263
                                    

Chapter 5: Soft heart


Abala ang lahat sa mga sumunod na linggo. Natatagalan din ang uwi ko dahil malapit na ang closing namin at bilang Grade 10 student, kailangan naming mag-practice para sa martsa. Sa umaga nag-papractice ang mga Grade 12 habang kami naman sa hapon. May limang section ang Grade 10 at mag tig 40 o higit na estudyante kada section kaya marami kami at natatagalan palagi tuwing practice.

Ngunit hindi ko naman kakalimutan na sa gubat dumadaan dahil naghihintay roon si Ruhan. Nandahil sa sunog na nangyari sa bodega, tumutulong si Ruhan doon sa Papa niya pero hindi pa rin niya nakakalimutan na pumunta sa gubat. Ganoon ang nangyari sa mga nagdaan na linggo.

"Kaya pala hindi ka namin nakitang sa Baryo dumadaan, dito ka lang pala, ah."

Napatalon ako sa gulat dahil may umakbay sa akin.

Malakas na tumawa si Manman dahil sa pamimigla ni Conner sa akin. Naninigas ako sa kinatatayuan at hindi na nakagawa pa ng isang hakbang. Kahit hindi ko nakita ang mukha nila, sila lang naman ang grupo na may ganang harangan ang aking daan para lang mang-api. Kadalasan apat sila, Manman, Conner, at dalawang kaibigan nila mula sa ibang section.

"Habang tumatagal, gumaganda ka, Amara." tawa ni Conner.

"Dito ka dumadaan sa gubat dahil aswang ka talaga, no? Hindi ka totoong anak ng magulang mo ngayon dahil aswang ka at inampon lang."

"Hala, nakakadiri!"

Tumawa sila ng napakalakas at tinulak ako. Kinuyom ko ang aking kamao at yumuko na lamang. Mag-isang buwan na noong huli akong hinaharangan nila ng ganito, kahit sa paaralan hindi ako nakapag katuwaan nila ng ganito, pero ngayon, nangyari ulit. Akala ko ba tapos na ang mga araw na ganito.

May nangyayari naman na biruan kapag nakita nila ako tuwing practice ngunit hindi 'yong ganito, pinagtatawanan na may kasamang tulak na nakakasakit na ng pisikal.

"Uy, naiiyak na siya!"

"Sino ang sinusumbungan mo, Amara?"

"O, baka may ginagawa kang gayuma sa gubat."

"Tingnan natin! Tara, Man!"

Hinila ako ni Conner sa braso ng marahas. Nanunuot ang kuko niya sa aking braso at sinubukan ko itong alisan.

"Bitawan mo ako," mahina kong sambit.

Hindi siya nakikinig sa akin at marahas akong hinila patungo sa gubat. Wala akong nakita na Ruhan sa daan kaya naiiyak na talaga ako. Hindi lang dahil sa ginagawa nila ngayon kundi wala si Ruhan. Siguro tama nga ang sinabi ni Papa na sobrang abala nila sa PBMC dahil tag ani na ng palay at mais.

"Huwag doon, Conner, may kubo ang mga Buenavista riyan." apila ni Manman nang hinila ako ni Conner sa direksyon ng kubo.

"Ay oo."

Hinila ni Manman ang aking kabilang braso at nagpupumiglas ako. Hinihila ako ng marahas kahit na mabundol ako sa bato, wala silang pakialam. Naiiyak na ako at muling binalikan ang sinabi ni Ruhan. I don't deserve this. I don't deserve to be treated like this.

"Bitawan n'yo nga ako. Hindi ako aswang!" singhal ko dahil nasasaktan na ako.

"Lumalaban ka na ngayon, ah!"

Tinulak ako ni Manman at napadpad ako sa bato. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang mga luha sa aking mga mata na nagbabadya na.

"Saan ka tumutuloy bago mag-transform na maging aswang?'

Umiyak ako at kinuyom ang kamao sa lupa. "Hindi nga ako aswang, ilang ulit ko ba iyan sasabihin? Hindi ko naman kayo inaano!"

"Hala, nanlalaban na siya, Conner." tawa ni Manman.

Sand of the Past (Isla de Vista Series #3)Where stories live. Discover now