Chapter 36: Finale, Part 2

358 18 6
                                    

Jade's POV

Eto na nga ang mga kapatid kong maiingay. Jusko, dipa ko nakaka recover pero parang mauubos na yung energy ko sa tatlong to.

'bunso, I was so worried. Hindi ba, delikado kasi CS ka before tapos naging normal ka?' ate

'good thing, malakas ang katawan mo sis. Kung ako yan, baka bumigay nako' Irene

'kamusta naman pakiramdam mo, ading? Dika ba nanghihina or what?' Manang

Di ako sumasagot. Nakatingin lang ako sa kanila. Maya maya, pumasok yung nurse. Dala dala yung bunso namin. And guess what? Sila ang sumalubong.

'oh my God! Ang gwapo gwapo ng pamangkin naten!' sabay sabay na sabi nila

'bunso, nakuha yung mata mo. The rest, kay Bongbong na..'

'wait, parang mas kamukha ni Simon, girls..'

'halaaaa, oo nga no? Napaglihian mo ba si Simon, sis?'

This time, nagsalita nako. Gusto ko na makita yung bunso ko no? Diko masyadong nakita nung nanganak ako kasi nga pagod ako, diba?

'baka gusto nyong ipakita saken ang anak ko?' sabi ko sa kanila

Natawa naman ang asawa ko sa gilid. Palibhasa nakita nya na sa delivery room si bunso eh.

Ibinigay naman nila saken si Marty. Halaaa, ang puti puti ng bunso namin. Tapos, pinaghalong Bonget at Simon ang mukha. Jusko, fake news ang ate ko. Hindi nakuha ni Marty ang mata ko, mukhang mukha ni Bonget at ni Simon lahat!

'hi Marty.. Im your mom.. kainis naman bunso eh.. bakit kamukha ka na naman ng papa mo?' pagkausap ko sa baby namin

'iba ka talaga Bonget.. mga anak nyo ni Jade, puro ikaw ang kamukha! Wala man lang tayong little Jade?' Irene

'problema ba yun? Eh di gumawa ng kamukha ng asawa ko! Hahaha!' sagot nya sa kapatid nya

Tiningnan ko naman sya ng masama. Ano daw? Eh kung tadyakan ko sya palabas ng kwartong to?

'ano kamo? Eh kung ihagis ko sayo tong anak mo? Tigilan moko Bonget ah?'

Natawa lang silang lahat. Nakakainis talaga mga mars. Lord, pangit bako? Bakit wala akong kamukha sa mga anak ko? Lahat sila kamukha ng lalaking to, jusko.

Maya maya, lumapit saken ang asawa ko. Nakatitig lang kami sa bunso namin.

'seriously love, okay lang saken kahit diko kamukha mga anak natin. It just shows kung gaano kita kamahal.. I love you, hubby' sabi ko sa kanya

Hinalikan nya lang ako sa ulo. Naramdaman ko ding umiiyak na sya. Napaka emotional nitong asawa ko talaga.

'thank you love.. for giving me our children.. mahal na mahal ko kayong lahat..' he said

Pinunasan ko lang ang luha nya. Naiiyak na din tuloy ako! Hahaha

Nagpaalam na yung tatlo. Magmomall pa daw sila para ibili ng gamit si Marty. Ibibili pa nila eh madami pang gamit sa bahay? Sayang pera na naman tong tatlong to.

Pumasok na yung nurse para kunin samin si Marty. Ipapa new born screening pa daw nila. Kaya kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa kwarto.

Kinuha nya naman yung pagkain saka ako sinubuan. Nakatingin lang ako sa kanya. Parang pagod din ata to ah?

Naaawa nga ako jan nung nanganganak ako, nasigawan ko ng nasigawan. Hay, bakit kasi lagi akong ganun pag nanganganak? Warfreak eh hahaha

'thank you for everything love..' naiiyak na sabi ko sa kanya

Fell in Love with the President (Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora