Chapter 3

368 25 0
                                    

Jade's POV

Andito pa din kami sa labas ng operating room. Hindi pako tumitigil sa pag iyak. Marami pa ding katanungan ang umiikot sa utak ko.

Diba wala na si Gio? Sino naman kaya ang posibleng gumawa nito sa amin? Isa pa, bakit ang anak ko ang pinuntirya this time?

Nag aalala ako para sa kaligtasan ng kambal. Kung nagawa nila kay Zayn yun, maaaring isunod na ng taong yun ang kambal.

Tumayo ako sa upuan at naglakad. Putangina. Nanggigigil ako. Sa sobrang galit ko, sinuntok ko yung pader hanggang sa dumugo ang mga kamao ko.

Pinipigilan naman ako ni Bonget pero ayokong paawat. Nag aagaw buhay ang anak ko sa loob kaya manhid nako.

'wife, calm down please! Nurse! Kindly get me some bandages. My wife needs it' rinig kong sabi nya

Nung nagsawa nako sa pagsuntok sa pader, napaupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak. Sana makaligtas ang anak ko.

Ginamot naman nila ang mga kamao ko. Pero nakatulala pa din ako. Yakap yakap naman ako ni Bonget.

'please be strong wife, our Zayn needs you. Please..' umiiyak nyang sabi

Tama sya. Kaya kumalma ako kahit konti at naghintay. Pero kabado pa din ako. Pag nakarecover ang anak ko, hahuntingin ko ang may pakana nito.

Maya maya lumabas na yung doctor na nagoopera sa anak ko. Agad namang lumapit si Bonget.

'doc? How's my son? Is he okay?'

'we're doing all our best that we can, Sir to save the boy. Masyadong maraming nawalang dugo sa bata. Kailangan po nyang masalinan agad para makaligtas po sya'

Ano? Eh paano yun? Hindi kami magkamatch ni Zayn. Type AB ang anak ko, O positive naman ako.

'what is his blood type, doc? Maybe I can transfer my blood to my son' rinig kong sabi nya

'AB' sagot ko kay Bonget

Napatingin naman sya saken saka nagulat. Oh anong ibig sabihin nyan?

'take mine, doc. Im an AB. Let's go. Wife, stay here. Please' sabi ni Bonget

Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang magkablood type sila. Kung hindi, baka nahimatay nako dito.

Umalis na sila at kinuhanan na nga ng dugo si Bonget. Pero nag aalala pa din ako para sa anak ko. Tangina talaga. Mukhang kelangan ko ng pairalin ang ugaling kalye ko ah.

Makaraos lang kami dito, hahanapin ko talaga ang may pakana nito. Kamuntik nya nang mapatay ang anak ko ah?

After 2 hours or so, bumalik na si Bonget. He sat beside me and rested his head on my shoulders. Marami yatang nakuhang dugo sa kanya kaya hinayaan ko na lang.

'wife, everything's gonna be alright. Makakaligtas na ang anak natin' he said while holding my hand

Lumingon ako sa kanya and I smiled a little. I hugged him and gave him a kiss.

'thank you, asawa ko. Hindi mo man kadugo si Zayn pero ginawa mo yun. Maraming salamat'

'shush. Zayn is my son the moment I asked you to marry me. Natural lang na gawin ko yun. How's your hand?'

Nakaramdam ako ng kirot sa mga kamao ko. Nakita ko din na magang maga yung mga kamay ko.

He grabbed my hand and kissed it. Ouch ha?

'tsk, grabe ka. Look at the wall. Ang daming blood stains. Wag mo nang uulitin yun ah?' he said

Tumingin lang ako sa kanya. Ganun talaga ako pag sobra na yung galit na nararamdaman ko. Kaya hindi ko maipapangakong hindi ko mauulit yun.

Fell in Love with the President (Book 2)Where stories live. Discover now