ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2

Start from the beginning
                                    

"Bagong asignatura ba yan?"

Napanganga naman silang dalawa sa tanong ko.

Pshhhh!!

Ano na naman bang probleme nila at parang mga butete na naka nganga sa aking harapan.

Inirapan ko nalang sila at iniwan nalang upang pumunta na sa susunod na klase.

Ang bagal-bagal kasi at may panganga-nganga pa silang nalalaman.

.

.

.

.

.

"Ahhh. Prinsesa Zemiragh, bulaklak po hindi po bulati."

Sinamaan ko agad ng tingin ang babaeng nilait ang aking burdang bulaklak.

Pakealam ba niya kung ganito ang estilo ng aking bulaklak na mukhang kinatay.

Ang ganda kaya nito, gusto ba niya na nguso niya ang buburdahan ko ng ganito?

"Hehehehe. Sabi ko na po bulat- bulaklak po ang ginawa niyo at napakaganda po ng estilo."

"Yan. Ganyan nga. Dapat marunong ka kumilatis kung ano ang magandang bulaklak."

Kita ko ang pagngiwi niya habang tinatapik-tapik ko ang kanyang ulo pero agad din siya napangiti ng samaan ko siya nang tingin at medyo nilakasan ang aking pag tapik.

Huwag siya mag reklamo dahil isang Dyosa ang tumatapik sa kanya.

Dapat nga ay magpasalamat pa siya dahil baka mahawaan ko siya ng aking kagandahan at katinuan.

"Bukas ko ibibigay ang inyong maging marka sa ginawa niyong pag burda ngayon at kung sino yung hindi naka tama sa pinapagawa ko ngayon ay uulitin niyo bukas."

Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at tumatalon-talon sa tuwa nang matapos na rin sa wakas ang nakaka bagot na el'kiti-kiti.

"Hehehehe. Masaya pala kayo na ipapaulit sa iyo bukas ang ipinaburda sa atin ngayon Prinsesa Zemiragh. Hanga po ako sa inyo dahil hindi agad kayo nawalan ng pag-asa."

Agad ako napa tigil sa aking kakatalon at gusto ko na talaga sakalin ang babaeng temang na malaki ang ngisi na naka tingin sa akin.

Anong uulitin? Diba sabi naman niya kanina ay maganda ang pagkaka gawa ko?

"Ginagago mo ba ako Jelliene?"

Napalitan naman ng pagngiwi ang kanyang ngisi ng mag mura ako sa kanyang harapan.

Sino ba naman kasi ang hindi makapag mura kung dahil sa kanyang papuri kanina ay lumakas ang loob ko na maganda ang pagka gawa ko.

"Hindi po Prinsesa Zemiragh. Paalam na po at una na ako dahil baka kanina pa po nag hihintay ang kapareho ko sa pag sasayaw. Hehehe"

Kumaripas naman siya ng takbo palabas ng silid ng sinamaan ko siya ng tingin at balak na siyang sakalin dahil sa kanyang kagagohan.

Pinapaasa lang pala ako ng gaga.

Pshhhhh!!! Sana sinabi nalang niya na pangit yung pagka burda ko para masipa ko siya sa mata.

Inis ko nalang na kinuha ang aking mga gamit at nilisan din ang silid ng el'kiti-kiti naming klase.

Binabaliwa ko nalang din ang tumatawang Farina na naka sunod sa akin dahil sa ayaw kung mahawaan sa kanyang kabaliwan.

.

.

.

.

.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now