Ayy, babe! Eksayted ako. Kasi sabi nila mommy ay pupunta kami riyan sa Maynila. There's a chance that we can meet in person. Matagal na kitang gustong makita, babe.

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya. Tumikhim ako bago humugot ng malalim na buntong-hininga.

Umpisa pa lang ay hindi na tama ang mayroon tayo. Kaya pinuputol ko na ang anumang ugnayan na mayroon ako sa iyo. Sinungaling ka! Manloloko! Hindi ka nararapat sa pagmamahal ko.

Matapos kong sabihin iyon ay pinutol ko ang tawag. I removed him as my friend on fracebuk. I also blocked him.

Matapos niyon ay nahiga ako sa kama. Buong gabi akong umiyak. Nag-isip. Nag-overthink at nasaktan.

Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi soundproof ang kuwarto ko. Kaya umiyak na lang akong nakatakip ang unan sa aking buong mukha. Ibinuhos ko lahat sa gabing iyon.

Napakadaya! Bakit ba ganito na lang palagi? Hindi ba ako nakatakdang maging masaya?

Nagising akong mabigat ang talukap ng aking mga mata. Alam kong namamaga ang mga iyon. Sinipat ko ang aking phone para tignan kung anong oras na.

Hindi na ako nagtakang tanghali na. Ala-una na ng tanghali.

Bumangon na ako't inayos ang aking sarili. Nakita ko ang aking mukha sa salamin. Namamaga ang ilalim ng aking mga mata. Na akala mo'y may kumagat na kung ano roon.

Dahan-dahan akong naghilamos ng aking mukha.

Hindi ko na sinubukan pang itago ang pamamaga sa pamamagitan ng paglalagay ng concealer dahil alam kong hindi ko iyon maitatago.

Mabuti na lang at ngayon ay Sabado. Walang pasok kaya siguro hindi muna ako ginising ni mama at hinayaan akong matulog muna.

Pagkababa ko'y ang mama ang unang hinanap ng aking mga mata. Naaamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain na niluluto ng kung sinuman kina mama at ate Cenna.

Ngunit hindi iyon ang gusto ko. Gusto kong makita ang mama at mayakap siya. I need the comfort and warmth of the embrace of my mother.

"Ma-mama..." nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata. Patakbo akong nagtungo sa kaniya at walang anumang niyakap siya.

"Ma-mama. I-it hurts, mama. I was hurt again," tila batang pagsusumbong ko sa aking mama.

"Anak, anong nangyari? Sinong poncio pilato ang nanakit sa iyo?"

"Kasalanan ko, mama. Ka-kasalanan ko. Hi-hindi ko na-naprotektahan ang puso ko." Patuloy pa rin ako sa aking paghikbi habang sinasabi ko ang nangyari.

Sinumbong ko lahat ng sakit at pighating nararamdaman ko sa kaniya. Wala namang ibang ginawa si mama kung hindi ay aluin ako. Tahimik niya lang akong yakap habang ang kaniyang kaliwang kamay ay masuyong hinahaplos ang aking likod.

"Ang tanga ko, mama. Ang bobo ko. Ang tanga tanga ko. Hindi na ako natuto. Dapat alam ko na eh. Dapat hindi ko na hinayaan ang puso ko. Alam ko na eh. Alam ko na na masasaktan ako pero nagpatuloy pa rin ako. Hinayaan ko pa rin ang sarili ko, mama." Pagpapatuloy ko pa rin.

"Shh... Anak, hindi kasalanan ang magmahal. Hindi mo kasalanan na muli kang sumubok. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli kang nabigo. Anak, huwag kang tumigil magmahal dahil lamang muli kang nasaktan. Tandaan mo, anak. May iba't ibang klase ng pagmamahal. Iba't iba man ang klase ng pagmamahal. Lahat iyon ay pagmamahal. Siguro'y hindi pa ulit ito ang tamang panahon para sa iyo, anak. Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. Lahat ng iyon ay makukuha mo sa tamang pagkakataon. Hindi ka dapat mainip. Bagkus ay sumubok ka palagi. Huwag kang tumigil dahil lamang nasaktan ka ng dalawang beses."

"Eh, bakit ikaw, mama? Bakit naging madali para sa iyong makuha ang pag-ibig ni papa. Bakit hindi ka na pinahirapan ni kupido?"

Mama caressed my hair. "Anak, hindi lahat ng pagmamahal ay agad-agad nakukuha. Pero may mga pagmamahal din naman na matagal mo nang nakuha ngunit hindi mo iyon napapansin dahil nga nakuha mo na iyon. Simula pa lamang. Alam mo ba kung ano iyon?"

Umiling ako. Kahit alam ko kung ano ang tinutukoy ni mama. Ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan. Iyon ang mayroon ako.

"Our unconditional love for you. Ang pagmamahal nina Rai sa iyo. It was called friendship and sister love. Hindi ba't kahit hindi naman kayo magkakapatid ay mahal na mahal niyo ang isa't isa?"

Tumango ako sa sinabi ni mama. Mahigpit ko siyang niyakap bago kumalas sa yakap namin.

"I love you, mama!"

"Ang pagmamahal na mayroon ako para sa iyo ay hinding-hindi mapapantayan ng kung sinuman at kung anumang bagay. Ikaw ang nagbigay liwanag at kasiyahan sa buhay ko, anak kaya hindi ako papayag na ikaw ay mawawalan ng liwanag at mawala sa landas. Hanggang nabubuhay ako ay gagabayan kita, anak. Hindi mo man ako kailanganin sa lahat ng pagkakataon ay nandito lamang ako sa iyo, anak."

Tumagos sa puso ko ang bawat salitang sinasambit ni mama. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasabi mo ang mga bumabagabag sa iyo.

Ganito pala ang pakiramdam niyon. Hindi ko lubos makita ang sarili kong wala si mama sa tabi ko. Paano na lang ako kung wala si mama? Paano pa ako mabubuhay?

Hindi ko kakayanin iyon.

Hindi ko kaya.

Fight to StayWhere stories live. Discover now