Chapter 06

120 8 0
                                    

Chapter 06

Habang tinititigan ko ang mga isdang lumalangoy ay naramdaman ko ang pag vibrate ng aking phone.

Narito ako ngayon sa Ocean Park. At hindi ko rin alam bakit ako narito. Basta naisip ko lang na magpunta rito dahil gusto ko lang.

Minsan talaga ay ganito ako. Kung ano lang ang maisip ay iyon ang gagawin kahit wala namang dahilan. Nakakatawa hindi ba?

I saw on the notification that it was a message from Rai. I unlocked my phone to fully read her message.

Mama Rai:

Thyra Luane, where are you? Nagpunta kami ni Lyne sa bahay niyo para sana yayain kang manood ng bagong labas lang na movie sa Nitzfliz pero wala ka naman doon sa inyo.

I immediately typed my reply.

Thyra Luane:

Mama, it's my me time. Did you forgot about it?

Hindi ko muna ibinalik ang phone ko sa sling bag. Hinintay ko ang reply ni Rai sa akin.

Ibinalik ko ang atensiyon sa mga isda. Dalawang minuto ang lumipas ng muli kong maramdaman ang vibration ng aking phone.

Mama Rai:

Oh! I'm sorry, Thyra. Nakalimutan kong Sabado nga pala ngayon. Bukas na lang ba natin panoorin ito o panoorin na namin ito ni Lyne?

Thyra Luane:

Kayo ang bahala, ma! But it's okay for me if you'll going to watch it. No hard feelings! I'm not going to tell you where I am, right now. I'll just tell it as I got home, later. Enjoy, ma!

Hindi ko na inaantay ang reply ni Rai sa akin. Itinago ko na ang phone ko at ang inilabas naman ay ang kulay pink na digital camera na iniregalo sa akin ni Lyne noong nakaraang taon na kaarawan ko.

Masiyadong bigatin ang mga kaibigan ko samantalang cookies naman ang madalas kong iregalo sa kanila.

I took some shots. In every places inside the Ocean Park. Basta lahat ng maganda sa paningin ko ay kinukuhaan ko ng litrato.

Sinubukan ko rin ang fish spa kung saan ay ang mga doctor fish ay nagsisilapitan sa aking paa para kagat-kagatin iyon. Those doctor fish that nibbles on my feet made me relax. It's really worth trying.

I also watch the sea lion show wherein I was so amaze to watch the sea lion to do some tricks.

Hindi nakakapangsisi na magkaroon ng sariling oras para sa sarili. Dahil doon ay nahahanap ang kapayapaan ng utak. Nakakatulong din iyon upang hindi masiyadong mag-isip ng mga bagay na hindi naman gaanong importante.

Sa isang fast food chain ako kumain matapos malibot lahat ng bahagi ng Ocean Park. Nakakapagod pero sobrang saya.

Para akong pitong taong gulang na akala mo'y hindi pinalabas ng ilang taon sa kaniyang hawla.

Matapos makakain ay nagtungo naman ako sa bookstore na nasa loob ng isang mall. Hinanap ko roon ang kalalabas lang na libro na may titulong "Dayloh". Tuwang-tuwa ako ng mahanap ko iyon. Nag-iisa na lang iyon at hindi na ako nag-isip pa na kuhain iyon.

Noong una pa nga ay nag-imagine pa ako na may aagaw niyon sa akin pero nagkamali ako dahil wala namang nangyaring ganoon. Nakapagbayad na nga ako't lahat-lahat ay wala man lang humablot sa libro ko.

Binili ko ang libro na iyon dahil libro iyon ng hinahangaan kong manunulat. Isa siyang manunulat na kabilang sa LGBTQ plus community. Matagal tagal din ang panahong hinintay ko para lamang maging libro iyon. Sa isang writing platform ko lang kasi iyon binabasa kaya laking tuwa ko ng inanunsyo ng manunulat na magiging libro na ang kaniyang akda.

Fight to StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon