"What you're doing with Sage... Naiisip mo na ba ang pwedeng mangyari kapag nalaman niya ang totoo? Worse case scenario is that he'll end up hating you-and that'll hurt you because you love him." Avis sighed. "This whole thing was a ticking time bomb and it's about to blow up right in your face."

My night ended with a text from Sage bidding me goodnight. I texted him back with the same thing, even adding a smiley in the end. Wala akong pasok the next day and I was grateful for it.

I stayed in my room the whole day. Lumabas ako para kumain ng breakfast pero nagpadala na lang ng pagkain pagdating ng lunch dahil ako lang ang nasa bahay. My parents were both at work. Samantalang si Avis ay hindi ako sigurado kung nasaan. Nasa trabaho siguro.

I could have called Luke and ask him to hang out, but I wasn't in the mood for anything. Ang tanging gusto ko lang ay humiga sa kama at tumititig sa kisame.

Dinner came. Tatlo lang kami dahil wala si Avis. Ang sabi ni mommy ay nasa bahay nila Savion si Avis at balak doon mag sleep over. I was preoccupied the whole time. Si Mommy at Daddy lang ang nag-uusap hanggang sa tinawag ni Mommy ang atensyon ko.

"We're going shopping one of these days, Celestine, okay?" lumingon ako kay Mommy. Wala ako sa mood na makipag-usap kaya hindi na ako nagtanong pa at tumango na lang sa kanya.

Naisipan kong maligo muna bago matulog. I wasn't sleepy and I wanted to keep myself busy. It became a quick shower because different thoughts began to flood my mind as soon as I stepped inside the shower stall.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay narinig ko ang pagtunog ng isang phone na ginagamit ko bilang si Maria Celestine. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. I only have four people in my contacts but a part of me already knew who the recent sender was.

Lumapit ako sa ibabaw ng desk para kunin ang phone na nakapatong doon. Pagkaangat ko ay para akong naagawan ng hininga dahil tama ang hinala ko. It was Sage.

My heart fluttered like a butterfly's wings.

I bit my lip, my body trembling slightly as I opened his text message for me. Ngayon lang ako makakatanggap ng text sa kanya ngayong araw at hindi ko alam kung ano nilalaman nito. Maybe it's another goodnight text.

Sage Savellano:

Where are you?

Napalingon ako sa orasan at nakita na lampas ten o'clock na. Napakunot ang noo ko. Saan naman pupunta si Maria Celestine sa ganitong oras?

Me:

Nasa bahay ako. Bakit?

Mabilis ang naging sagot ni Sage na parang inaabangan niya talaga ang pagsagot ko. Napangiti ako doon at binasa ang susunod niyang text.

Sage:

Let's meet at the clubhouse.

Me:

Kailan?

Sage:

Right now.

Napauwang ang labi ko. Gabi na at may pasok pa kami pareho bukas. Ano naman kaya ang plano nito at gusto niyang makipagkita sa clubhouse ng estate nila?

Me:

Ngayon? Sigurado ka?

Sage:

Yes.

In the end, I agreed and asked him to give me thirty minutes. Kailan ko pang magpapangit kung makikipagkita ako sa kanya. Nagmamadali ako sa pagbibihis dahil ayaw kong paghintayin si Sage. Gusto ko rin malaman kung ano ang plano niya at naisipan niyang makipagkita sa akin.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن