Chapter Thirty One

533 58 12
                                    

AG
***
POV


I can't help but smile as I watch her from afar. Angge is really beautiful. Kakaiba ang charisma niya, para siyang magnet kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi dumikit sakaniya.

Nasa flower shop kami ngayon, ang sabi niya ay gusto niyang bilhan si Ward ng bulaklak kaya hinayaan ko siyang mamili. Nasasaktan ako pero pinili kong samahan siya... I don't know why, maybe I just really want to spend more time with her.

"Angel!" pagtawag niya at sinenyasan ako na lumapit. I compose myself before I make a step towards her.

"What is it?" I asked and just crossed my arms against my chest.

"Kung ikaw ang pipili, ano rito ang gusto mo? Red roses, tulips, or sunflowers?" nakangiting tanong niya habang tinuturo ang bawat bulaklak.

"Kahit ano lang. They're all good."

Sumimangot siya ng bahagya tila ba mas naguluhan siya sa sinabi ko.

"Ganito nalang, kung ikaw ang pagbibigyan ko nito. Anong bulaklak ang magugustuhan mo?" she asked and turned to look at me.

For a second, parang bumagal ang takbo ng oras at lumabo ang paligid and Angge is the only thing that's clear in my eyes. My heart skipped a beat when she smiles at me.

"Angel?" she called pulling me out from my fantasy.

What's happening? Ramdam ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko.

I cleared my throat, "Uhm, I, I'd pick the red roses...it symbolize love and passion... I'll choose that." I stuttered and pointed to the bouquet of red roses.

"Woah, really? Eh anong sinisymbolize ng sunflower at tulips?" she asked in amusement.

"Hmm, sunflower is for adoration while tulips is for true love, hope and royalty."

Lumiwanag ang mukha ni Angge at nakangiting kinuha ang pulang rosas, "Ward will love this, right?"

Idiot. Why do you have to ask me that.

I faked a smile and nodded my head. "Sure."

"All right, ito nalang ang bibilhin ko." aniya at iniwan ako para magbayad sa counter.

Napatingin ako sa sunflower, should I give her one of these?






A
***
POV


After namin makabili ni Angel ay nag-aya na rin akong umuwi. As usual ay hinatid nanaman niya ako, dapat na yata akong masanay na sa tuwing lalabas ako mag-isa ay nariyan si Angel, like out of nowhere susulpot nalang siya bigla tapos aayain akong ihatid.

Ang sabi rin niya ay siya na ang bahala sa gastusin para sa damit na gagamitin ko dahil siya naman daw ang nag-aya at pinagbibigyan ko lang siya. Minsan napapatanong ako kung bakit hanggang ngayon single pa rin ang babaeng 'yon. Parang imposible naman na walang nanliligaw sakaniya, hindi ba?

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Where stories live. Discover now