Chapter Seven

534 37 0
                                    

A
***
POV




Kinaumagahan ay nagising ako ng mga alas dose. Late na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil noong pumunta kami ni Celine sa Gside ay halos mag-uumaga na nang umuwi kami, pero bago kami pumunta doon ay bumili muna siya ng iced coffee at ipinabigay niya sakin kay Reinalyn na siya rin namang sinunod ko. Sabi niya ay para daw magkaroon ulit kami ng ugnayan ni Reinalyn, dapat nga daw ay nilalapit lapitan ko na siya ngayon pa lang para maging magkaibigan kami agad at mas mapapadali na sakin ang ligawan siya. Ewan ko ba sa kaibigan kong 'yan, hindi naman siya ganiyan kasupportive noon pero ngayon ay todo suporta niya ako sa kapit-bahay ko.

Pero aaminin kong may punto siya.
Ang problema, mukhang hindi pumapatol sa katulad niyang babae ang kapit-bahay kong ubod ng ganda. Tsaka sa ganda niyang 'yon? Imposibleng wala siyang manliligaw.


Suot pa ang pantulog kong pajama, lumabas ako dala dala ang supot ng basura ko. Friday kasi ngayon kaya mamaya o kaya naman bukas ay dadating na ang truck ng basura.


Humihikab ako habang naghihintay na bumukas ang pinto ng elevator. Nakikita ko pa ang repleksyon ko mula rito, mukha akong ewan. Kung gaano kasi ako kaayos at kapresentable sa trabaho ay siya rin namang kabaliktaran kapag nasa bahay lang ako. Palagi ang suot ko ay puro malalaking damit at joggers, puro panlalaki kumbaga, pati pag lumalabas ako kasama si Celine ay hindi na ako naglalagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha.



Nang dahan dahan itong bumukas ay namukhaan ko agad sa loob si Reinalyn na deretso ang tingin kaya nagtama ang mga mata namin. Mabilis ko namang tinakpan ang bunganga ko dahil humihikab ako. Oh my gosh!


Oo nga pala't may kapit-bahay akong ubod ng ganda kaya dapat ay nag-aayos ako!



Nakakahiya!




“Morning” mahinahon niyang bati, nakita ko naman na pinasadahan niya ng tingin ang itsura ko. Napapatakip nalang ako ng mukha dahil sa hiyang nararamdaman ko.

“Go- good morning...” bati ko sakaniya pabalik. Pinilit kong umakto ng normal.


Paglagpas niya sakin ay naamoy ko agad ang alak sa katawan niya kaya sinundan ko siya ng tingin.


Uminom nanaman ba siya?




Bumuntong hininga nalang ako at sumakay na ulit sa elevator. Bumaba ako sa underground parking lot dahil doon nakapwesto ang lagayan ng mga basura. Iniligay ko na ito sa loob at akma na sanang babalik sa elevator nang mamataan ko naman si Mang Tomas na mukha ulit problemado dahil pakamot kamot ito sa likod ng ulo niya.


“Oh, Mang Toms. May problema ho ba?” tanong ko sakaniya nang makalapit ako sakaniya.


Huminga siya ng malakas bago itinuro ang mga bote ng alak sa gilid ng poste, “Meron nanaman kasing nag-iwan ng mga bote ng alak dito gayong napakalapit lang naman ng pagtatapunan.” problemadong sabi niya, may bahid ng inis ang tono nito. Marahil ay napapagod na siya dahil paulit-ulit itong nangyayari.

“Hindi niyo po ba nakikita kung sino ang naglalagay ng mga yan? May cctv naman ho.” saad ko naman.


Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora