Chapter Nineteen

608 50 11
                                    


A
***
POV



"Jellybells?" mahinang tawag ko kay Jelly habang sinusundan ko siyang maglakad.

Saktong tumigil siya sa harap ng cabin, "Bakit?"

"May sunflower ka ba riyan? Ang sakit kasi ng ulo ko." saad ko habang hinihilot ang sentido.

Kasalukuyan kaming nasa flight pabalik ng Pilipinas kaya kahit gaano ako kasanay sa byahe ay sumasakit pa rin talaga ang ulo ko gawa ng kakulangan sa tulog.

Bahagya niyang kinapa ang bulsa saka umiling, "Wala eh, pang sipon lang itong dala ko... saglit check ko sa bag" aniya at pumasok ng cabin

Akma na sana akong papasok nang biglang bumukas ang pintuan ng comfort room dahilan para lingunin ko ito. Lumabas ang isang magandang babae- hindi ata sapat ang salitang maganda lang dahil mukha talaga siyang anghel. Mahaba ang straight at kulay itim niyang buhok, bilugan ang parehong mata at sobrang tangos rin ng ilong niya. Parang kaedad lang namin siya, o baka mas bata pa?

Ngumiti ako sakaniya at babatiin ko na sana nang bigla kong maramdaman ang pagkirot sa ulo ko na siyang ikinangiwi ko habang napapahawak sa sentido.

"Miss? Are you okay?" may himig pag-aalala ang tinig ng babaeng nasa harapan ko. Pilit akong ngumiti at tumango sakaniya.

"Y-yes, uhm, I'm sorry- just a bad headache." kunwari'y natatawa akong sumagot ngunit iyong utak ko ay parang pinipisil na sa sobrang kirot.

Tinignan niya ako na para bang sinisiguro kung maayos lang ba talaga ako. Maya maya ay nagsalita na ang piloto mula sa speaker na maglaland na kaya naman agad kong inihatid ang babae sa upuan niya at ginawa na ang trabaho ko sa pagwalk-round na para bang walang sakit na iniinda.

Alas onse na ng gabi nang makarating kami sa Pinas. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko kaya naman gusto ko na agad ang makauwi kay Ward. Habang naghihintay ng taxi sa entrance ng airport ay nagtext muna ako kay Ward, pero dahil hindi siya nagrereply ay sinubukan kong kontakin si Mahal, kagaya ni Ward ay hindi rin ito sumasagot. Marahil ay nagsasaya pa ang mga ito. Kung sana lang ay hindi masakit ang ulo ko, siguro ay sumunod na rin ako roon dahil sa kagustuhan na makasama sila, lalong lalo na si Ward. Miss na miss ko na rin siya. Speaking of Ward, akma ko na sanang tatawagin ang numero niya nang may biglang tumigil na sasakyan sa harap ko at bumusina.

Lumingon ako rito at hinintay na bumukas ang bintana ngunit nanatili lang ito sa harap ko, akala ko ay wala akong kinalaman sa kung sino man ito kaya bumalik akong muli sa selpon ko. Hanggang sa marinig ko nalang ang pagbukas ng sasakyan.

Dahan dahan na umangat ang tingin ko dahilan ng bahagyang pagkagulat at pagtataka nang aking mamukhaan ang babaeng nasa eroplano kanina- na ngayon ay naglalakad palapit sakin. Nakangiti ito at parang isang modelo kung maglakad.

"Hey... Do you need a ride?" tanong niya pagkalapit niya sa harap ko. Medyo may kalaliman ang boses niya na parang may pagkapaos ng kunti. Pati ang amoy niya ay sumakop agad sa buong paligid ko

Natutulala akong itinuro ang sarili, "A-ako ba?"

She smiled, showing her perfect white teeth, then she nodded her head.

"Matatagalan ka pa kapag naghintay ka, come on-"

"Ah hindi na!" bulalas ko dahil sa gulat, gulat rin gawa ng pag-alok niya.

Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Where stories live. Discover now