Chapter Twenty Seven

417 40 5
                                    





"I'm sorry, Angge, pero hindi ko kaya."

Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi niya nang marinig ang sinabi ng dalaga. Heto na nga ba ang sinasabi niya, sana hindi nalang siya umasa.



Angge swallowed and bit her lips, trying not to let her tears fall. "I-it's okay... sinubukan mo naman siguro, hindi ba?"


Malungkot na ngiti ang isinagot nito sakaniya, hinawakan ni Ward ang mga kamay niya at marahan itong hinaplos, "Magkaibigan pa rin tayo, di ba? Please, sabihin mong walang magbabago satin?" may pag-asam nitong sambit.

Napapikit na lamang siya at tumango, pagmulat niya ay unti unting nagsilaglagan ang mga luha niya. Kunwari'y natawa na lamang siya, "Ano ka ba? Syempre naman, 'no! Tsaka sa totoo lang, ineexpect ko na rin naman 'to kaya h'wag kang mag-alala okay lang ako, magiging okay lang ako." Angge lied.



Ward smiled and pulled her into a hug, "Salamat, Angge. I know you'd keep your words."


Napakagat siya ng labi at napapikit na lang sa sakit na nararamdaman niya, pigil-pigil ang hikbi na yumakap siya rito, "O-oo naman... "

"Angge?" tawag nito habang nakayakap pa rin.

"Hmm?"

"Meron pa akong hindi nasasabi sayo..."





"Ano yun?"



"Nagkabalikan na kami ni Ken."


"Whaaaat?!"











"ANGGE, GISING!" rinig ko ang malakas na boses ni Celine habang tinatapik ang pisngi ko.

Agad akong napabalikwas dahilan para magkauntugan kaming dalawa.

"OUCHHH/ARAY!" daing namin pareho

"Ang sakit. Bakit bigla kang bumabangon?" nakangiwing saad ni Celine.

Napahawak ako sa noo at sinamaan siya ng tingin, "Bakit kasi ang lapit ng mukha mo?!"

Mahinang natawa si Cyd dahilan para ilibot ko naman ang tingin... nasa sasakyan pa rin ako?

"We're here." ani ng binata dahilan para magdiwang ang puso ko sa saya nang marealize ko na hindi totoo ang pangyayari kanina.

"Fuck!" napamura nalang ako at walang anu-ano'y hinila si Celine para yakapin, "Thank you! Thank you!" masayang sigaw ko at hinalik halikan siya sa pisngi.

"Anong- kadiri ka, lumayo ka nga!" kunwari'y pagalit na sigaw nito pero hindi ko iyon pinansin at nginitian na lamang siya.



Lintek na panaginip ka!



Pagbaba ko ng sasakyan ay nanatili akong nakatayo sa harap ng building. Napahawak ako sa dibdib dahil sa malakas na kabog nito. Parang totoo ang panaginip na yun pero salamat sa Diyos dahil walang totoo roon.



Hays, ano ba kasing ginagawa ni Ken dito? Anong plano niya? At bakit niya ako gustong makausap?





"Oh, Angge? Nakauwi ka na pala, anong ginagawa mo riyan sa labas?" hiyaw ni Mang Toms, napangiti naman ako nang makita siya kaya't pinawi ko nalang ang isiping iyon.












Nakatayo si Ward sa harap ng salamin habang sinusuri ng mabuti ang kaniyang itsura. Ang haba na pala ng buhok niya at ang laki na rin ng pinagbago niya kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan. She looks healthier, prettier, and more confident.

Parang kailan lang noong hirap na hirap siyang tanggapin ang sarili dahil sa mga nangyari. Parang kailan lang noong poot at galit pa ang namumuo sa puso niya. Parang kailan lang noong nangako siya sa sarili niyang hindi na siya iibig muli... pero heto siya ngayon at nasasabik sa pagbabalik ng taong bigo niyang hindi maisip.

Although one week is not enough to remove all her fears- she don't think she can, parang natural na yun na may takot talaga siya. But one week is enough for her to realized that she indeed likes Angge. Hindi lang gusto, Angge is special. Honestly, she almost don't want to believe herself na siya? Magkakagusto sa babae? Ngunit hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng kilig sa tuwing naiisip ang dalaga. Para bang patagal ng patagal ay nagkakaroon ng ibang epekto si Angge sakaniya.


Nakangiti niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Angge? Napapaisip siya kung paano niya sasabihin ito, pero bahala na sa timing.















Hinawi ni Ken ang buhok habang pinapanood si Angge na nakikipag-
kwentuhan sa matandang lalaki. Kakastalk niya sa account ng dating nobya ay napunta siya sa account mismo ng babaeng palaging kasa-kasama nito, si Angge. Hindi naman naging mahirap para sakaniya na hanapin siya dahil hindi naman ito pribadong tao, hindi gaya ni Reinalyn.





Nang matapos ang pakikipag-usap ng dalaga sa security guard ay saka siya bumaba ng sasakyan. Agad siyang tumawid sa kalsada dahilan ng sunod sunod na busina ng mga ito ngunit hindi niya ito binigyan pansin pa at nagpatuloy sa pagsunod.






"Magandang hapon, Sir!" galak na bati ni Mang Toms sa kakapasok lang na si Ken.






Tumingin ito sakaniya at tumango lamang, ipinagpatuloy niya ang pagsunod kay Angge nang hindi nagpapahalata. Alam niyang mas matatakot ito dahil sa ginagawa niyang pagsunod, wala rin naman siyang balak sundan ito o di kaya ay takutin, ang gusto niya lang naman ay makausap ito upang alamin kung saan nakatira si Reinalyn. Hinintay niyang makasakay ito sa elevator bago siya lumapit, tinignan niya ang floor na titigilan niya kaya't naghintay muna siya sa labas.





Maya maya ay may tumabing matabang lalaki, pareho silang naghintay hanggang sa bumukas ito muli. Naunang sumakay ang lalaki at pinindot ang sariling floor, nang makita naman ni Ken na pareho lang sila ng pupuntahan ay nagthumbs up nalang siya rito.






Maingay ang sapatos niyang kumakatok sa kinatatayuan nila. Hindi siya mapakali gayong maaring hindi niya maabutan ang dalaga. Ilang segundo pa ay tumunog ang elevator hudyat na nakarating na sila kaya't inunahan niya agad ang lalaki sa paglabas.





Agad niya namang nakita ang likod ni Angge sa di-kalayuan, akma niya itong hahabulin nang biglang bumukas ang isang pinto at inilabas n'yon ang dating nobya. Nanlaki ang mata niya dahil hindi niya inaasahan na magpapakita ito agad.





"ANGGOOOT!" umalingawngaw ang sigaw nito sa hallway, excited ang dalawa na sinalubong ang isa't isa at nagyakapan, tila ilang taon na hindi nagkita.






Nang humarap si Reinalyn sa direksyon ni Ken ay mabilis siyang nagtago sa likod ng malapad na katawan ng lalaki sa harap niya.



"Namiss kita sobra!" galak na sigaw ng isa pagkatapos humiwalay sa pagkakayakap, "Nga pala, I brought you something!"


"Wow naman, tignan natin sa loob."



Nanlaki nalang ang mata ni Ken ng mapansin na palapit sila ng palapit sa pwesto ng dalawa. He cursed under his breath and decided to go back inside the elevator. Napahilamos siya sa mukha habang mabilis na tumitibok ang puso niya. Maya maya ay wala sa sarili siyang napapangiti.









"Finally, nahanap na rin kita, bal."


Her Last Flight  | Wangge Fanfic (On Hiatus)Where stories live. Discover now