I accidentally caught Ruhan looking around like he was looking for me. Nagtagpo ang aming mga mata kaya napangiti ako ng tipid. Iniwan niya ang kausap niya at binalikan ako. Mas lalong seryoso ang kanyang paningin. Natapos na ang huling bumubuhat ng crate kaya lumapit na ako sa kanya, sinalubong siya.

Humalakhak ako ng mahina. "Pinauna ko muna sila,"

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Ruhan ang aking palapulsuhan ng marahan at hinila patungo sa kanya. He sighed a deep sigh afterwards without looking anywhere but at me.

"I thought I lost you somewhere," bulong niya sa sarili.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. "Susunod naman talaga ako sa'yo, pinauna ko lang sila dahil mabigat ang dinadala nila."

"Stick next to me, Amara, stay close."

Tumango ako. "Okay,"

Hindi niya binitawan ang aking palapulsuhan at patuloy niya akong hinahawakan habang naglalakad kami patungo sa kabalyerisa nila. Nang nakarating kami tsaka pa lang niya ako binitawan.

"We'll ride Buck today," aniya.

Nakita ko ang tinutukoy ni Ruhan na kabayo. Kulay puti ito, sobrang puti at tanging sa may ilong pataas hanggang sa mga mata niya at ang kanyang tainga lamang ang itim ang kulay. Ruhan petted him gently before guiding him out of his stable.

Lumapit ako at hinaplos si Buck. Ito ang kabayo na pagmamay-ari ni Eren Buenavista, pinsan ni Ruhan. Naglahad ng kamay si Ruhan sa akin pagkatapos inayos ang silya ng kabayo.

"I'll put you up first," he gently said to me.

Inapakan ko ang stirrup at humawak sa saddle. Naramdaman ko ang mga kamay ni Ruhan sa aking baywang at walang kahirap hirap akong inangat paupo. Napahawak ako ng mabuti sa dulo nito tsaka siya umakyat na rin at umupo sa aking likod.

Umusog ako pero wala namang pinagbago, halos nakasandal pa rin ako sa dibdib ni Ruhan lalo na noong inabot niya ang lubid upang maigiya si Buck. Bahagyang gumalaw kami at napahawak ako sa mga braso ni Ruhan.

"Are you comfortable sitting there?" marahan niyang tanong.

"Yeah..."

Biglang naramdaman ko ang braso ni Ruhan na pumulupot sa aking katawan at pabuhat na hinila niya ako palikod. Mas lalong dumikit tuloy ako sa kanya dahil doon.

"You'll fall, I told you earlier to stick close to me." bulong niya. "I thought we agreed on it?"

Ngumuso ako. "Hindi naman ako mahuhulog dahil nasa magkabilang gilid ang kamay mo,"

Humalakhak siya ng mahina. "Yeah, can't let you fall..."

Tinatahak namin ang sementadong daan patungo sa nakahilerang pine trees. Kahit tirik ang araw, hindi ko nararamdaman na sobrang init dahil sa sariwang hangin na humahaplos sa aking balat. Hinawakan ko ang aking buhok at inilagay sa kaliwang balikat baka naging sagabal iyon kay Ruhan tuwing hinihipan ng hangin.

After the pine trees area, we reached the hills. The place where they have the sheeps freely roaming around the big fence, all healthy, fat, and white. Napatingin ako sa unahan nang nilagpasan na namin ang mga tupa at bumaba na sa bukid. Nakita ko ang taniman nila ng mga bulaklak at napasinghap.

"They are so beautiful," bulong ko sa pagkamangha.

Bumaba kami ng tuluyan sa bukid bago huminto sa isang malaking punong mangga. Unang bumaba si Ruhan at inaalalayan niya ako pababa kay Buck.

"Itatali ko muna si Buck," paalam niya bago hinila si Buck patungo sa punong mangga.

Isang malakas na ihip ng hangin ang nagsasayaw sa aking buhok habang nakatingin ako sa mga bulaklak. May kulay na pula, may dilaw, kulay rosas, lila, at may puti. Malulusog din ang kanilang tangkay at dahon kahit nasa malayo akong nakatingin.

Sand of the Past (Isla de Vista Series #3)Where stories live. Discover now