Si Rai naman ay naiiling lang sa aming dalawa ni Lyne.

"Magsimula na tayong gumawa ng mga kailangang tapusin. Anong oras na oh," sambit ni Rai. Naupo na siya sa study table na para sa kaniya.

Sumunod naman si Lyne. Tatlo ang study table na mayroon ang kuwarto ko at nakalaan iyon para sa aming tatlo. Tulad nga ng sabi ko bata pa lamang kami ay hindi na kami mapaghiwalay na tatlo.

Tunay na kaming magkakapatid na ang turingan namin simula mga bata pa lamang.

Kung makagalitan man ang isa. Kailangan din magdusa ng dalawa.

Pero hindi ako nagpunta sa study table ko. Sa kama ko ako balak magkalat.

Lumipas ang ilang mga minuto. Tahimik kaming lahat na gumagawa nang bigla akong tinamad kaya kinuha ko ang phone ko.

Binuksan ko ang aking fracebuk. I just scroll and scroll until I got bored. There's nothing new in fracebuk so I decided to randomly add some people. Then suddenly, someone caught my eye. I stalked his feed. He doesn't post anything but there are few pictures of him that are posted.

"He looks yummy naman so pwede na," I blurted out. I immediately added him.

"Huh? Anong yummy, Thyra? Sinong yummy?" sunod-sunod na katanungan ni Lyne. Kaagad siyang dumalo sa tabi ko.

"Woii, yung mga papel ko. Wag mo namang gusutin," sambit ko.

"Ayy, sorry. Oh ayan. So sinong yummy ba iyan?"

"Thyra, Lyne. Mamaya niyo na iyan pagka-interesan. Yung mga ginagawa niyo ang unahin niyo," panenermon naman ni Rai sa amin. Ang isang earpiece sa earphone ay nakasalpak sa kaliwang tenga nito.

"Rai naman ih. Ang killjoy mo talaga. Gusto mo bang tumandang dalaga?" pag-angal naman ni Lyne.

"The heck, Lyne. Where's the connection?" Rai said.

"Mamaya na nga, Thyra. In-i-english na naman tayo ni Rai. Gonna finish my homework, first before anything else. Oh, oks ka na ba, Rai?" Lyne sarcastically said.

Ako naman ay natawa na lang sa inasta ni Lyne. Naglakad na ito pabalik sa pwesto niya kanina. Ako naman ay babalik na rin sana sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang notification sound ng phone ko.

I thought it was just some random notification from a group or pages or other people that I follow. But it wasn't.

Iovence Velez accepted your friend request.

Shet! Yung yummy kanina. Inaccept kaagad yung friend request ko. Wow! Ang friendly siguro nito. Haa! Mamaya ka sa akin. I'm going to color your world. Pero bago iyan ay gagawin ko na muna ang aking mga dapat tapusin. My future is still the most important.

Kaagad na akong nag seryoso sa ginagawa ko ngunit habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.

Bakit hindi? Inaccept noong yummy na iyon ang friend request ko. So sinong hindi matutuwa roon hindi ba?

Sana lang ay wala siyang nobya para naman mareplyan niya ang anumang sasabihin ko sa kaniya. Mga kalokohan na nais kong ibahagi sa kaniya.

"Sabi ko sa 'yo, Thyra. Tigilan mo na ang pag shashabu eh. Nakakasama iyan!" sita sa akin ni Lyne.

Kaagad na kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Whatever, Lyne. Hindi ako nag shashabu, noh!" irita kong iwinika.

Bago siya magsalita ay nakakalokang tingin muna ang kaniyang iginawad sa akin, "Weh? Bakit nangingiti ka riyan. Mukha kang may sapak sa kakangiti mo."

Mapang-asar talaga ang babaitang ito. Sa bawat pang-aasar niya mas lalo ka lang maaasar. Kahit kailan ay paniguradong hindi ka mananalo sa kaniya.

"Hey! Stop it you two. Kanina ko pa kayo sinasaway. Kada saway ko ay titigil kayo sandali. Tapos babalik ulit kayo sa pag-aasaran. Tapos niyo na ba ang dapat ay tapusin na?" Ang pananaway muli sa amin ni Rai. Ngunit kahit sinasaway niya kami ay malumanay pa rin ang kaniyang pananalita.

Rai will always be our referee. She's always in the middle of us.

"I know na kung anong itatawag ko sa'yo, Rai." Nakangiting saad ko nang may ideyang pumasok sa isipan ko. "I will call you mama 'cause you are like a mother."

"Eh sa akin, Thyra? Ano ang itatawag mo sa akin?" Sabat naman ni Lyne.

Inilagay ko ang aking hintuturo sa aking sentido na tila ba nag-iisip ako.

"Ah! Alam ko na! Pim na lang," mabilis kong saad.

"Bakit pim? Anong meaning nun?"

"Pipiliin Ikaw Mahal. Like pipiliin kita, ikaw lamang ang mahal. Pinaikli ko lang. Hindi, biro lang. Putang Ina Mo talaga iyon hehehe," paliwanag ko. Sa katunayan ay nakita ko lang iyon sa kung saan. Sa fracebuk ata o doon sa iba pang social media platforms na ginagamit ko.

"Sige! Iyan na lang. Tapos ang meaning kapag may nagtanong sa atin ay yung huling sinabi mo."

"Kingina mo talaga, Lyne. Sige, ikaw bahala!"

"Hays! Bahala nga kayong dalawa riyan. Marami pa akong tatapusin."

"Ako rin pala. Sige, pim. Ngumiti ka muna riyan at mag pakabaliw dahil tatapusin ko pa itong mga ipapasa ko bukas. Napakahirap pa naman. Baka ikaw pagawain ko nito eh."

Inirapan ko na lang si Lyne at itinuloy ko na rin na tapusin ang mga ginagawa ko dahil may balak pa akong landiin pagkatapos nito.

Pero napangiti muna ako dahil hindi na ngot ang tawag niya sa akin. Nag-iba na rin. Mas mabuti pa ang pim kaysa sa ngot. Success! Mwehehe.

Fight to StayWhere stories live. Discover now