Sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay tila mga punyal iyon na tumatarak sa aking puso.

"Hindi kita maintindihan, Qiev. Mahal natin ang isa't isa, hindi ba? 'Diba malakas tayo? Na kahit anong mangyari tayo ang pa rin hanggang sa huli. Nasaan na ang pangako mo, Qiev? Pinanghawakan ko ang mga salita mo. Pero... Bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"

Umiling siya't muling nagsalita. Dahan-dahan ang bawat pagbigkas niya sa bawat letra. "All that had happened to us isn't worth it to me, Thyra. Goodbye!"

Nagsisinungaling siya. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi totoo ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Nakikita ko ang sakit.

"Salamat sa lahat, Thyra pero hindi naging sapat sa akin ang pinagsamahan natin upang ipaglaban ka pa at ang tayo. Hiling ko ang kasiyahan mo." Tumalikod na siya sa akin.

Tatlong hakbang pa lamang ang ginagawa niya ng biglang kumulog. Nagbabadya ang kalangitan na may babagsak na kalungkutan.

Tumakbo ako at hinawakan ang kaniyang isang braso. "Huwag mo akong iwan, Qiev. Please! Sabihin mo sa akin ang dapat kong gawin para lang hindi mo ako iwan. Gagawin ko lahat, Qiev. Huwag ka lang mawala sa akin."

Ang langit ay tuluyan nang sumabay sa aking nararamdaman dahil bumagsak na ang kaniyang mga luha.

"Hindi na kita kailangan," walang emosyong saad niya't tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang mga braso. At muling humakbang. Sa paghakbang na iyon ay tuluyan na nga siyang kumawala. Walang lingon siyang patuloy na naglakad. Papalayo sa akin.

Nawalan ako ng lakas. Pasalampak akong naupo sa kalupaan at hinayaang umagos ang mga luha sa aking mga mata. Sa bawat patak ng luha sa aking mga mata ay siya ring patuloy na pag-iyak ng langit at galit na bumabagsak sa lupa.

"Ginawa... ko naman... ang lahat. Pero... bakit? Bakit lagi na lang akong naiiwan? Hindi ba ako sapat para ipaglaban? Bakit!?" humihikbi ng sambit ko sa kawalan. Kasabay nito ay ang pag sigaw ko.

"Ate Thyra!" Ang matinis na sigaw ang siyang nag balik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

Gumuhit sa aking mga labi ang isang ngiti nang masilayan ko kung sino ang tumawag sa akin. "Fioena Keyla."

Nakatayo ngayon sa aking harapan ang dalagitang nagbigay sa akin ng pag-asa at nagbukas sa aking isipan.

Nakakabighaning titigan ang nangungusap nitong mga mata. Ang kaniyang labing pulam-pula. Ilong na hindi gaanong katangusan ngunit nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya. May highlight ang kaniyang buhok na kulay pula.

Yumakap ito sa akin. Mahigpit.

"I'm going to miss seeing you here, ate. But I'm happy that you're already going back to where you really belong."

"Thank you, Fioena. You mean a lot to me."

I'm going to miss her, too. I kissed her forehead and hugged her more.

"Ate, huwag kang malungkot. Magkikita pa rin tayo. Remember, you are my ate. My forever and always ate. I love you, ate!"

"I love you too, Fioena."

"Nakakagaan talaga ng loob na makita kang nakangiting muli, Thyra. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya para sa iyo," wika ni doktora Gretelhien. Siya ang ina ni Fioena.

Silang dalawa ang dahilan kung bakit nais ko muling ituloy ang naudlot kong kasiyahan. Binigyan nila ako ng dahilan. Binigyan din nila ng kaliwanagan ang isip ko.

"I don't know how many thank you's I'll say to the both of you. I don't know how I can repay all of your kindness to me. But all I knew is that you both mean a lot to me. You're both precious to me. Thank you, really, dok. For everything. Having both of you, it becomes easy for me to cope up."

"You don't have to say many thank you's to me, Thyra. Seeing your smile. Means I did a great job. All I want for you, Thyra is to become happy. Truly happy."

"Group hug?" Fioena asked. I nod and her mom chuckled. We hug each other. Ilang minuto ang tinagal niyon.

Nang kumalas kaming tatlo sa yakap ay siya rin namang pagdating ng taong hinihintay ko.

"Thyra, anak!" Ang malambing na boses ni mama ang nagpalingon sa akin sa kinaroroonan niya.

I miss her voice. Simula kasi ng dumating ako rito ay nawalan ako ng komunikasyon sa kaniya dahil iyon din ang hiniling ko.

Ngayon ko lamang siyang muling nakita. Pati ang kaniyang napakagandang mukha.

"Mama." Mahigpit akong yumakap sa kaniya. Nang maramdaman ko ang yakap niya ay hindi ko na napigilan ang aking damdamin.

Just like the falls that flow freely, the tears in my eyes flow freely too.

Her hug makes me feel like home. She's home. And I'm finally home. Again.

"I love you, mama. I'm sorry, too." I whisper those words while I'm still hugging her.

Masuyo niyang hinaplos ang aking likod. "Shh! Hindi mo kailangan humingi sa akin ng tawad, anak. Mahal na mahal kita. Higit pa sa pagmamahal na ibibigay sa iyo ng ibang tao. Sana'y maging sapat na ako para sa iyo, anak ko." Dinampian niya ng masuyong halik ang aking noo.

Sa sinabing iyon ni mama ay bumigat ang aking pakiramdam. I just realized just now that I forgot about her. I forgot about my mother.

Now that I'm with her, again. Babawi ako sa kaniya. Babawiin ko ang mga oras na wala ako sa kaniyang tabi.

From this day forward, I'll be a new version of my old self. I'll be better than her. No, I'll be the best version.

Because I know now that I have people around me who love me with my flaws and all.

Babawi ako…

Babawiin ko ang mga oras na nawala.

Fight to StayWhere stories live. Discover now