Napaka-tanga ko talaga!

Mas bumilis ang pag-tulo ng mga luha sa buong pisnge ko, mahirap man pero nakuha kong punasan at lumabas na ng cubicle. Lumabas na ako ng cr pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay may humigit na ng mga braso ko.

Dahan-dahan man akong napatingin sa taong kaharap ko ngayon ay hindi ko napigilan ang panginginig ng mga kamay ko dahilan para hawakan niya ng mabuti ang braso ko at pakalmahin ako.

"What happened? bakit ka umiiyak? sin—"

Hindi niya na natuloy ang kanyang sinabi pero naramdaman ko nalang na hinigit niya ako papalapit sa kanya at niyakap. Doon ko na naramdaman ang dagliang paglabas ng mga nag-uunahang luha sa mga mata ko.

Napakasakit...

"Calm down, Love... just tell me what happened?"

Marahan kong inangat ang tingin ko sa kanya, nanginginig man ako ngayon ay ramdam ko naman ang paghimas niya ng likod ko para ma patahan ako.

"Shshsshshssh..." dahan-dahan niyang sinandal ang ulo ko sa balikat niya para ma-ipahinga ko ang ulo ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak lang sa balikat niya.

Maya't-maya pa ay nahimasmasan na ako, nasa bench ako ngayon nakaupo. Dito niya ako dinala para walang tao. Yun ang sabi ko sa kanya kanina. Napatingin naman ako sa bote ng tubig na inaabot niya sa akin at fish ball na mukhang bagong luto. Parang ngayon lang naman bumalik ang pagkamalay ko. Hindi man ako nagugutom pero kinuha ko ang binibigay niya. Ningitian ko lang siya ng pilit.

"Kumain ka, namumutla ka kanina pa... hindi ka ba kumain ng agahan kanina?"

Marahan naman akong napa-iling habang binubuksan ang tubig na binigay niya. Hindi pa naman kasi ako nagugutom kaya ito nalang ang iinumin ko.

"Lovely..."

Napatingin ako ng bahagya sa kanya nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ngayon niya lang kasi ako tinawag sa totoo kong pangalan kasi kadalasan ay Love yung tawag niya. Tiningnan ko naman siya na nagtatanong ang buong mukha ko.

"Hindi man sa nangingi-alam ako sa inyong dalawa ni Seco pero ahh...O-ok kalang ba? ano ba ang nangyari?..."

Inubos ko ang isang bote ng tubig bago ko napagdesisyunan na magsalita. Tiningnan ko pa muna ang singsing na nasa daliri ko.

"Gu....g-gustong-gusto ko siya p-pero hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko bago siya umalis..."

Napatingin ako sa kawalan habang nararamdaman ko naman ulit ang dahan-dahan na namang pagtulo ng mga luha ko sa buong pisnge ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Huwag kang mag-alala... hindi pa naman siya patay eh... umalis lang saglit... babalik din siya sa tamang p-panahon..."narinig ko pa ang pag-crack ng boses ko habang sinasabi ko sa kanya yun.

"Pero...love, kung kailangan mo ng kausap... nandito parin ako para samahan ka..." napatango ako sa sinabi ni Ricco.

"S-salamat..." napahinga ako ng malalim. "Alam mo bang maliban kay Dust ikaw lang yung taong naging malapit lang sa akin?"Hindi siya nakapagsalita. Pinagmasdan ko siyang napa-ngiti sa akin ng kaunti.

"Hindi naman talaga natin kailangan ng maraming kaibigan diba? kung ako lang at si Seco ang naging malapit sayo..."napabuntong hininga siya. "wala namang problema dun—"

"H-indi yun ang ibig kong sabihin pero... Iiwan mo din ba ako kung sa oras na kailangan mo ng umalis?" Agad niyang pinunasan ang luha sa mata ko gamit ng panyo niya.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now