"Uno, dos, tres!" Pagkabilang ng tres ay yumakap ako kay Goyo. Nasa likuran niya kasi ako, bali nakaback hug ako. Kalandian eh 'no? Makikita ko na lang 'to sa future, exposed na exposed ang kaharutan ko sa past.

"Ako'y iyong pinapahanga talaga sa araw-araw, Amanda. Kaya naman mahal na mahal kita eh. Pangako, mabubuhay ako nang matagal. Magiging matagumpay ang labanan sa Pasong Tirad, nang sa gayon ay ako'y iyong paasalan.

Pilit akong ngumiti sa sinabi niya. Sana ganoon na kang kadali iyon. Bakit ba kasi hindi ako nabuhay sa panahong ito at hindi siya nabuhay sa panahon ko?

-

Dahil sa naiinip ako sa panonood sa kanilang paghahanda sa laban, nagpasya akong umuwi na muna at tulungan si Inang sa kaniyang pagluluto. Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin kaya naman ay huminto ako sa paglalakad at naramdaman ko rin ang paghinto ng sinumang taong iyon.

May nakita akong maliit at mahabag kawayan sa tabi kaya naman pinukot ko iyon pang selfe defense. Nagsimula na ulit akong maglakad at may narinig na ulit akong yabag ng sumusunod na tao.

"Amanda-- aray!" agad kong hinampas sa ulo ang taong humawak sa aking braso. Forbidden iyon sa panahong ito, ang paghawak ng lalaki sa babae kaya naman hinampas ko ito isa pa sumusunod kasi siya na parang may masamang balak.

"Eraño? Ayan deserve! Kapal naman ng fes mong lumapit sa akin? Wow! Close tayo?" Inirapan ko siya at nagmamadaling lumayo sa kaniya.

"Amanda! Sandali! Mag-usap tayo!" Hinabol niya ako pero iniangat ko ang kawayan at tinapat sa mukha niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa."

"Hihingi lang ako ng tawad," sinserong sabi niya kaya naman napatigil ako sa paglalakad at tinawanan siya. Sabi ko hindi ko siya kakausapin eh! Pero dahil sa sinabi niya, sige, let's hear what he's going to say.

"Tawad? Totoo ba? 'Wag mo nga akong plastikin!" Sigaw ko sa kanya kahit magkalapit lang kami.

"Batid kong hindi mo agad matatanggap ang paghingi ko ng tawad, gayunpaman nais kong malaman mo na lubos akong nagsisisi sa ating mga naging sagutan noong nakaraan. Alam kong hindi maganda ang mga lumabas sa aking bibig at hindi ko na iyon mababawi. Muli, nawa'y patawarin mo ako. Ayaw ko naman na sumabak sa gyera na mayroong kaaway lalo na kapwa Pilipino. Gusto ko na ng kapayapaan, Amanda."

"Kaya mo siguro nasasabi 'yan ay dahil nararamdaman mong matitigok ka sa gyera, hmp! Hindi kita agad mapapatawad lalo na ikaw ang dahilan kung bakit maraming namatay na sundalo noong nakaraan!"

"Hanggang ngayon ba ay ako ang sinisisi mo sa bagay na iyon? Hindi nga ako ang may sala at mas lalong hindi ko kilala ang mga bandidong iyon. Maniwala ka sana, Amanda."

"Eh bakit ka nagsiga ng dis oras ng gabi?"

"Dahil ako'y nilalamig nang panahong iyon. Nangungulila rin ako sa aking mag-iina kaya nais ko sanang mapag-isa ngunit dumating ka at kwinestyon ang aking mga kinikilos."

Napairap ako pero may point naman siya at tingin ko'y nagkamali rin ako sa part na 'yun. Pagbintangan ba naman siya. Tamang hinala yarn?

"Fine! Sige, sorry na rin. Nagkamali ako. Pinapatawad na rin kita," sabi ko na medyo labag sa loob ang paghingi ng sorry. Ngumiti siya at tumikhim.

"Salamag, Binibini. Uhm," tumikhim na naman siya. Nag-aadik na naman yata 'to eh. "Maaari ba tayong maging magkaibigan?"

"Neknek mo," natatawang sabi ko at dinuro siya. "Hoy usapan magkapatawaran lang ah! No! Ayaw kitang maging kaibigan! Sige na shoo! Umalis ka na at aalis na rin ako! Tutulungan ko pa si Inang magluto!"

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now