PAHINA 10

125 7 1
                                    

#SOTPSusiOfTiradPass

"Nerissa?" Sabi nung AFAM. Chariz.

Napatalon lang ako nang tawagin niya ako. Sino ba ites?

Pero paano niya nalaman ang first name ko? Tinaasan ko siya ng kilay na parang sinasabing 'HuU?'

"Yeah, it's you. It's me, Wilson. The one that hit your back!" Nakangiti pang sabi niya. Si Remedios naman na katabi ko ay siniko ako.

"Ano ang sinasabi niya? Kilala mo ba siya? Nauunawaan mo ba ang sinasabi niya?"

"Oo, kilala ko siya," bulong ko sa kaniya. "Oh, yeah! It's been a while," echos ko.

"Yeah! It's nice to see you again!" Napatingin siya kay Remedios. "Oh, and who is this beautiful lady? Hello there. Pleasure to meet you."

Napataas ang kilay ko. Parang may something ah. Parang ang manyak ng dating niya. Sabagay, maganda naman si Remedios.

"Masaya raw siyang makilala ka, Girl. Ang ganda mo raw," bulong ko. Nakita kong namula ang pisngi ni Remedios.

"A-ah, salamat na lang ngunit hindi ako nakikipagkaibigan sa k-kaaway."

Natawa ako sa sinabi niya kaya napakunot ang noo niya. Nagtaka siguro sa kabaliwan ko. Si Wilson naman palibhasa hindi kami naiintindihan, nakitawa. Akala niya nakakatawa 'yung sinabi ni Remedios.

"She said thank you, but she don't want to be friends with you since you're an enemy. Our country's enemy, y'know?"

Nanlaki ang mga mata niya at napangiti na lang din. Narealize niya siguro na tama ang sinabi namin.

"Well, I'll prove that I'm still kind. You know that, Ms. Nerissa. Why don't we eat together?" Anyaya niya. "And oh, I'll treat you. Ginang, dalawa pa pong ginataang bilo-bilo."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi na nagpatumpik-tumpik pa at binatukan na si ogag. "Balitang ina! Marunong ka pala mag Tagalog eh pinahirapan mo pa ako!"

Napakamot soya sa likod ng ulo niya kung saan ko siya binatukan. "Konti lang. Ikaw nga eh marunong din mag Tagalog. Hindi ba ay magkalahi tayo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, iyon ang pakilala ko sa kanila. Tumikhim ako at nag-isip ng palusot. Buti na lang at brainy ako kaya nakaisip agad ako.

"Well, matagal na akong nakatira rito kaya marunong na ako mag-Tagalog," palusot ko at timaasan siya ng kilay.

"Well, parehas tayo," tumawa siya. Tumawa rin ako dahil nauto ko na naman siya. "Can I join with you two?"

"Sama raw siya satin?" Siniko ko si Remedios. "No!"

"Huwag," si Remedios. Sabay pa kami.

"Ang sama niyo naman sa akin, mga Binibini," nakapout na sabi niya. Ang cute niy kasi may accent din siya.

Nagtawanan kaming dalawa ni Remedios. "Oh sige na nga, you'll join us na. Stop the drama."

Binilhan na niya kami ng bilo-bilo at umupo kami at kumain malapit sa dagat. Mabuti na lang din at may isang taong naiintindihan ang pag-e-English ko. Feeling ko, malapit na akong manosebleed sa lalim ng Tagalog nila.

The next thing I know, kasama na namin sa paggala itong si Wilson. Ang dami niyang kwento habang kumakain kami at natatawa rin si Remedios sa kaniya. Pag English ang sinasabi niya ay tinatranslate ko pa. Puro kayabangan lang naman ang chika nito, muntik na nga siyang matangay ng hangin eh. Dahil mayabang nga siya, binilhan pa niya kami ng kuwintas sa pawnshop. Bigay hilig naman kami kasi siyempre, libre na ito eh.

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now