💙Chapter 64💙

Mulai dari awal
                                    

Hindi man ako sigurado sa taong nagsulat nito pero parang damang dama ko lahat ng sinabi nya rito sa sulat, kung ako nga yung taong tinutukoy nya dito sa sulat bakit hindi sya nagpapakilala sakin?

Ewan ko andaming nangyayare sa mundo, isinilid ko na ulit sa envelop ang sulat at nagsimula nang maglakad.
.
.
.
.
.
Nakarating nako sa bahay nila lea hindi naman na ako iba sa kanila kaya naman kusa na akong pinagbubuksan ng gate nila

"Arf arf arf..." nagulat ako ng may tumahol tapos bigla itong lumundag papunta sakin na para bang naglalambing napalitan ng pagka exciting ang kaninang gulat ko

Isang sitzu na lumapit sakin "ang kyut kyut naman ng baby dog na yan ano pangalan mo ha at kanink kang aso?" Tanong ko habang hinahawi hawi ang balahibo nito

Pumasok na ako sa loob at saka narinig ang boses ni lea na natataranta "allie asan ka jusko naman napakalikot mo na" sambit nito at paikot ikot sa sala hanggang sa matanaw nya akong nakatayo sa pintuan nila habang hawak ang aso

"Ito ba yung asong hinahanap mo?" Sambit ko "nako talaga hindi ko alam na mamomoblema pala ako sa pagbili nyan" ibang sambit nito at kinuha sakin ang aso

"Bakit ka nga pala biglang nag alaga nyan?" Tanong ko "wala lang bhest ang kyut kasi mataba tapos puti ang balahibo" sagot nya napatango naman ako

"Ah kaya!" Sambit ko "sandali pasok ko lang sa kulungan si allie tapos kwentuhan tayo" sambit nya at tumango lang ako

Dinala na nya ang aso sa kulungan habang ako naghintay lang sa sopa.

Ilang segundo lang din ng bumalik na si lea na may dala palang dakawang basong juice at inalapag ito sa lamesa
"Inom ka muna" sambit nito saka umupo sa tabi ko at ininom din ang kanya

"Salamat" sambit ko at ininom ang akin, "nga pala biglaan yata ang pagpunta mo dito?" Walang ideang tanong ni lea sakin napabuntong hininga muna ako bago sumagot

"Wala naman medyo nainip lang ako sa bahay at gusto ng kausap" sambit ko t muling ininom ang juice nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni lea sakin

"Eh? Andun naman sila tita ah?" Muling tanong nito "oo pero ayoko silang istorbohin sandali nga ayaw mo ba ako dito?" Pag iiba ko ng tanong bigla itong umiling iling

"Hindi ah nakakatuwa ngang nandito ka pero alam ko yang mga galawan mo kapag bigla kang nagkakaganyan" pagmamataas ng kilay nito sakin.

Kilalang kilala nya talaga ako walang lusot!

"Ahm alam mo naman siguro yung naganap  ung nakaraang araw diba?"

"I know at kahit di mo sabihin sakin alam na alam ko natakbo sa isip mo" sambit nito "ewan ko ba bhest bakit parang di ako mapalagay sa nangyayare para bang may gusto pa akong malaman pero di ko alam kung ano yun" napakamot ako sa ulo ko

"Alam mo para kang tanga!" Walang prenong sambit nito na ikinagulat ko "ako parang tanga? Bakit mo naman nasabi yan ang sama mo!" Pag pout kong sabi

"Ikaw kasi alam mo naman sa SARILI mo kung ano nga ba ang dapat mong gawin pero nagtatanga tangahan ka naturingang suma cumlaude ka pa naman tsk tsk tsk"

Nakaseryoso nitong paliwanag "eh sa hindi ko nga alam ano gagawin ko?" Wala talaga akong idea sa sinasabi nya

"Sigeeee magpakagaga ka hanggang sa tuluyan nang mawala sayo ang lalaking mahal mo!" Pagdidiin nya sakin napanganga ako sa sinabi nya

"Haha mapagbiri ka talaga" napaiwas ako ng tingin at napalunok ng laway sabay ubos ng juice nang diko namamalayan

Ilang segundo akong tinitigan ni lea nakakatakot ang titig at pananahimik nya para bang mananakmal ano mang sandali!

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang