ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9

Start from the beginning
                                    

Tumango tango na lamang siya habang hindi niya alam kung ano ba ang dapat na pwede niyang maitulong sa babaeng walang malay sapagkat hindi naman siya isang manggagamot.

"Ano pala ang pangalan niya Prinsipe?"

Kahit hindi niya ugali ang manghimasok sa personal na buhay ng kanyang Prinsipe ay kinakain siya ng kuryosidad sapagkat ito pa lamang ang pinaka unang nangyari na nagdala ito ng babae sa sariling silid na hindi niya ka ano-ano.

"Prinsesa Zemiragh Xhandria Ellese Archquileuz."

Halos masamid siya sa sarili niyang laway nang marinig niya ang buong pangalan ng babae mula sa bibig ng Prinsipe.

Muli naman niyang pinakatitigan ang pagmumukha ng babaeng naka higa.

Nakita niya lamang ang babae nong nasa walong taon pa lamang ito at mag mula noon ay hindi na niya ito na silayan pa pero hindi naman niya sukat akalain na muli niyang makita ang nakakamanghang angking ganda nito.

"Kuya Haogu. Sobrang bata pa ni Prinsesa Miragh para sa edad mo kaya mag hanap ka nalang ng iba na kagaya mo at huwag mo siyang titignan ng ganyan."

Halos masamid naman siya ulit kahit wala siyang iniinom nang makita niya ang madilim na anyo ng Prinsipe nang tumayo ito upang harangan ang kanyang mga matang naka tingin sa Prinsesa.

Kita niya ang, inis at paninibugho sa mukha nito na siyang bago lamang sa kanya dahil kahit kailan ay hindi pa ito nag pakita ng emosyon ng paninibugho kahit sa dati nitong kasintahan.

"Hahaha. Hindi ko naman siya gusto sa isang romantiko na pagtingin, Mahal na Prinsipe, dahil mas gusto ko siya na maging kapareha mo."

Gusto na niyang tumawa ng malakas ng kita niya ang mas lalong pamumula ng pagmumukha ng Prinsipe at ilang besis pa itong lumulunok at umiiwas ng tingin sa kanya.

"H-hindi naman kami. I-isa pa ayaw ko sa kanyang pag uugali. Isa isang baliw, tanga at mayabang. Ayaw ko sa kanyang magaspang na pag uugali."

Umiwas nalang siya ng tingin sa Prinsipe at kunwari na may nililinisan isang napakalinis na maliit na mesa upang hindi niya mabitawan ang tawang kanina pa niya pinipigilan lalo na at nagkanda utal-utal pa ang Prinsipe habang nag bibigay ito ng isang napakahabang rason.

Noon pag tinatanong niya ito o nagpapahiwatig siya sa mga babaeng nagka gusto dito ay lagi na lamang nitong sagot sa kanya ay ayaw niya sapagkat magkatulad lamang daw silang lahat.

Mag mula noong nagkahiwalay ito sa naging una nitong kasintahan ay mas naging mailap pa ito sa mga kababaihan kaya nakakapagtaka talaga na may dinala ito na babae ngayon.

"Ahmmm. May iuutos ka pa ba, Prinsipe Nexzeuss?"

Ayaw nalang niya itong asarin pa dahil baka sumama ang loob nito at isubsob na naman ang sarili sa problema ng buong kaharian.

"Wala na kuya at hihintayin ko nalang si Miragh na magka malay."

Napangisi naman siya ng palihim nang tawagin ng Prinsipe ang Prinsesa sa isang kaswal na pangalan.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now